Chap18

852 15 0
                                    

"Titaaaa...."

             Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. Yakap na kailangang-kailangan ko sa mga oras na ito.

Hinahaplos niya ang aking buhok at nag-umpisa na siyang humagugol habang yakap niya pa rin ako.

Umiiyak ba sya dahil wala na ako sa Glamoure?

A-anak, ang tagal kitang hinanap. Nasa poder na pala kita, hinayaan pa kitang umalis.”  Humihikbing wika niya.

Anak?

Teka?

Anak?” Lumayo siya sa akin at ginagap ang kamay ko.

Patawarin mo ako. Malaki ang naging pagkukulang ko sa’yo anak. Kung alam ko lang na dito ka dinala ng Ama mo bago siya mamatay naging madali sana ang lahat.” Patuloy na wika niya na lalong nagpagulo ng isip ko.

Nabaling ang atensyon ko kay Mother Eden...naguguluhan ako..

Ano pong ibig niyang sabihin Mother Eden??"

Blaire, mas mabuting ipaliwanag mo ng ma-ayos kay Venus ang lahat. Lalabas muna kami para makapag-usap kayo ng maayos.” Paalam niya sa amin.

Umalis silang lahat at kami na lamang ni Tita Blaire ang naiwan sa kwarto.

Katharina, ikaw ang anak ko na matagal ko nang hinahanap.” Wika niya na ikinagulat ko.

T-tita hindi ko po kayo maintindihan.” Kinakabahang sambit ko sa kanya.

Katharina, sangol ka pa lamang noon nang isama kang itakas ng Ama mo. Iniwan kita sa pangangalaga niya dahil naghahanap buhay ako. Hindi ko alam na sangkot pala siya sa drugs at iba’t-ibang uri ng illegal na gawain. Isang araw nang umuwi ako sa bahay natin wala na kayo. Ang sabi sa akin ng ibang nakakita sa Ama mo balisa daw siya noong umalis kaya kinutuban na ako. Ilang araw ko kayong hinahanap Katharina......Hindi ko inisip ang pagod at gutom mahanap ko lang kayo sa buong lungsod. Hangang matagpuan ko na lamang ang bangkay ng ama mo sa tabi ng daan dahil sa mga kakilala namin na nagdala sa akin sa kinaroroonan niya.....Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa anak! Sobrang sakit sa akin lalo pang nadagdagan ang sakit na naramdaman ko nang tuluyan na kitang hindi mahanap.... Isang buwan ka palang noon kaya nahirapan akong tangapin ang lahat. Ang pagkawala ng itay mo at ang walang kasiguraduhan kong buhay ka pa ba.???...Walang araw or oras kong inisip kung nasa mabuti ka bang kalagayan. Kung may gatas ka bang denedede. Kung humihinga ka pa ba at umiiyak ka dahil walang Ina na yayakap sa’yo. Sumuko akong mabuhay anak. Nagtangka akong wakasan ang buhay ko. Ngunit may taong nagligtas sa akin. Si Arnold... kinupkop niya ako kahit walang kasiguraduhan kong babalik pa ako sa dating katinuan. Kumuha siya nang magagamot sa akin dahil dumaan ako sa matinding depression. Matagal bago ako nakabangon, Katharina.... Matagal bago ako gumaling pero sa awa ng diyos binigyan niya ako ng dahilan para mabuhay muli. Nang ipagbuntis ko si Angel ay unti-unti kong inayos ang sarili ko. Nagpakasal kami ni Arnold, At dinala niya ako sa abroad. Sinimulan kitang hanapin ulit kahit wala akong kasiguraduhan kung makikita pa kitang muli......Kumuha ako ng magaling na imbestigator para mahanap ka. Tatlong taon ang ginugol ko at lahat ng impormasyon na nakuha namin ay itinuro ang ampunan. Kaya umuwi kami agad at pumunta sa ampunan upang comfirmahin ang lahat ng nakuha naming lead.”   Napahagulgol siyang muli kaya.

Habang kinukwento niya sa akin ang lahat at hinayaan ko lang na pumatak ang mga luha ko.

Hinahayaan ko lang na matapos siya at marinig mula sa kanya ang gusto ko ring marinig.

Kung totoo man ang hinala ko.

Nang maka-usap ko si Mother Eden, nakumpirma kong ikaw ang nag-iisang batang dinala noong araw na yun at iniwan sa labas ng bahay ampunan. Ikaw ang anak ko, ang pinakamamahal kong anak. Patawarin mo si Nanay, patawarin mo ako dahil hindi ka lumaki sa kalinga ko. Kung alam mo lang anak. Kung alam mo lang kung paano ako nagdusa sa kakaisip sayo…”     Umiyak siyang muli sa harapan ko.

Unconditional loveWhere stories live. Discover now