Chap4

978 16 0
                                    

Nang umalis si Jhared ay isa-isa kong pinulot ang mga damit ko. Nagbihis ako ng panibagong pares ng t-shirt at pantalon.

Kailangan kong maka-alis dito sa lalong madaling panahon. Natatakot ako kay Jhared Nalilito ako sa pinapakita niya sa akin. Pero siguro dala na rin ng galit niya kaya nagawa niya yun.


Pinuntahan ko si Lola sa kwarto. Nagbabaka-sakali na maka-usap ko siya at kumbinsihin na bumalik na lamang ako sa ampunan. Atleast duon tangap ako, may nag-mamahal sa akin.

Gusto ko rin kausapin si Khalil ng personal. Alam ko galit pa rin siya sa akin. Gusto kong magpaliwanag ng maayos. Dahil mahalaga pa rin sa akin ang pagkakaibigan naming dalawa.

Buo na ang loob kong kumbinsihin si Lola, kaya lang pagpasok ko ng kwarto ay mahimbing itong natutulog. Sabi ng nurse kakainom lang daw niya ng gamot. Wala akong choice kundi bumalik sa kwarto.

Inaantok ako kaya lang natatakot ako na baka pumasok ulit si Jhared. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ayaw niya akong ilipat ng kwarto gayong alam kong namumuhi siya sa akin.

Tapos pinagtangkaan pa niya ako. Ang katotohanang nakita na niya ang lahat sa akin ay lalong nagpadagdag ng pagka-ilang ko sa kanya.

Ano kaba self?...

Naupo ako sa gilid ng kama ng magbukas ang pinto.

Senyorita Venus, pinapabigay po ni senyorito Jhared.” Inabot sa akin ni Manang Teresa. Isa sa apat na kasambahay nila.

Kaagad kong kinuha ang malaking paper bag. Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa akin. Ayaw ko mang tignan kung ano ang laman noon ay nakita ok ang note sa gilid ng paper bag kaya kinuha ko iyon at ipinatong ko sa kama ang paper bag kaya kinuha ko iyon at ipinatong ko sa kama.

Wear it tonight, I’ll pick you up at 8 pm….

Kinuha ko ang laman ng paper bag. Isang kulay itim na mermaid off shoulder dress na may makinang na may diamante sa buong harapan at may mahabang hiwa pa sa kanan na hita nagpaganda sa desenyo nito.

Grabe ang mahal nito...

May isang pares din na kulay itim na stiletto na sa tingin ko ay may tatlong inches ang haba.

Napakaganda..

Bukod dun may nakita din akong isang kahon. Binuksan ko at napanganga ako sa mamahaling gold necklace at earrings. Pinakatitigan ko pa kung totoo nga ito pero imposibleng hindi dahil hindi naman siguro siya bibili ng pekeng alahas.

Totoo...

Binaba ko ang hawak ko ang hawak kong box ng alahas.

Anong intention niya sa pagsama sa akin? Paano kung hindi ako sumunod sa gusto niya? Hindi kaya magalit na naman siya sa akin?

Napabuntong hininga ako na lamang ako. Matapos ng mangyari kanina gusto niya pa akong isama sa party na hindi ko alam kung para saan.

Never pa akong nagsuot ng ganitong damit at hindi pa rin ako nakakapunta sa kung anong party. Sigurado akong hindi yun basta-basta dahil sa napakagandang damit ang gusto niyang isuot ko.

Parang gusto ko na lang tuloy tumakas at wag nang magpa-alam kay Lola. Anong gagawin ko? Masyadong maiksi ang pasensya niya. Paano kung magalit na naman siya? At lalo lamang kaming hindi magkasundo ng kumag na yun?

Isa’t kalahating oras bago mag alas-otso ay nagdadalawang isip pa din ako. Nakasuot ako ng roba at kagat-kagat ang dulo ng kuko ko.

Ano ba self? Sasama kaba o hindi???

Unconditional loveWhere stories live. Discover now