𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 30

60 4 6
                                    

Chapter 30 - Shark Town

Rain Povs

Nasa shark town na kami, kakaiba ang mga pinaggagawa nila. Para silang mga tao din dahil may nagbebenta, bumibili, naglalakad na parang galing sa mayamang pamilya, may nagbubuhat at marami pang iba.

"Magandang umaga po." Saad ko sa isang shark. Nagulat ito ng nakita niya akong nagsasalita.

"Isa ka bang tao?~ Paano ka nakakapagsalita?~ Isa ka bang demonyo?~ O sadyang iyang ang iyong kapangyarihan?~" Nagulat ako. Kumakanta sila.

"Shush. Rain, kaya mo bang makipagsabayan sa kanila?" Tanong ni Rodolfo.

"Try ko."

"Ako nga po pala~ Si binibining ulan~ Ako'y naririto~ Upang magtanong~" Sana gumana.

"Para saan binibini?~ Ako'y nagagalak na makilala ka~"

"Saan ko po makikita~ Ang isang napakatingkad na kwintas?"

"Kwintas?~" Tumango ako. Lumingon ako sa kanila na nagpipigil ng tawa nila.

"Hindi ko na kaya guys." Malungkot na wika ko.

"Kaya mo yan." Sabi nila. Kakaiyak talagaaaaaaa!!!!

Ipinikit ko ang aking mga mata at may nararamdaman akong kung ano na nakapalibot sa town na ito. Isa itong sumpa... Pero bakit?

"Iyong ipagpaumanhin?~ Ngunit nais po kitang tanungin~ Kung bakit ganto ang kapaligiran~ Lahat ay nagsisikantahan~ Sa kanilang pag-uusap sa isa't isa~ Isa ba itong sumpa~ Sa inyong town?~" Tanong ko rito. Tumango nga ito bilang pagsang-ayon. Ikinumpas ko ang aking kamay at unting unting lumapit sa isang barrier.  Nakikita ko ang barrier subalit yung iba hindi. Itinapat ko ang aking kamay rito at biglang nagliwanag ang lahat. Nasisilaw ako sa liwanag pero sa kalaunan ay nawala din ang liwanag.

"A-anong ginawa mo?"

"Papaano mo nakita ang barrier?" Ngumiti ako dito.

"Mabuti at nakakapagsalita na po kayo ng maayos. Napansin ko po kasing kakaiba ang inyong mga pag-uusap. Yun pala ay isinumpa po pala ang lugar na ito pati rin kayo. Ang barrier na po iyon ay ang sumpa po at nakakonekta ito sa inyong lahat." Magalang na wika ko rito.

"Salamat prinsesa." Saad nila. Nagulat ko ng nagsiyukuan sila.

"Po? Prinsesa?"

"Sabi sa amin, ang tanging makakapag-alis ng sumpa ay isang prinsesa. At ikaw ay isang prinsesa tama ba?"

"Naku po naku po. Hindi po ako isang prinsesa. Isa lamang po akong normal na immortal at ang pagkakaalam ko po ay ako daw po ang itinadhana para tapusin ang mga taga dark kingdom." Saad ko rito.

"Rain, tinadhana? Ikaw ba ang sinasabi sa propesiya?" Tanong ni Rodolfo.

"Yun ang sinabi ng papa ni Zyin sa akin."

"Possible she is. My dad doesn't lie. At iba sya kung kumilatis ng tao."

"Pero prinsesa ka, imposible na tinadhana ka lang."

"Baka po di lang po nasulat. Pero ano po... Ang awkward." Napamamot ako ng ulo.

"Siguro nga. Ano pala ang kailangan nyo ulit?"

"Yung kwintas po sana."

"Mahiwagang kwintas ba? Nasa aming pinuno ito. Kung gusto niyo, maaari namin kayong samahan."

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Where stories live. Discover now