𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 42

34 1 0
                                    

Chapter 42 - Decision (Part 1)

Rain Povs

"Rain... Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mawawala si Denver sa akin. Hindi ko kaya." Umiiyak na wika ni Tanya. Kahit ako naaawa sa kalagayan niya.

"Tanya, alam ko na mahal mo si Denver."

"Oo mahal na mahal ko siya. At di ko kayang mawala siya sa buhay ko..."

"Shhh Tanya."

"Pero... Kung papakawalan ko siya... Marami siyang maliligtas..."

"Baka magawaan pa natin ng paraan Tanya."

"Nope Rain... Huli na tayo bago ka pa makaisip ng paraan."

"So balak mo na itapon na lang yung pag-iibigan niyo?"

"Kung yun ang nararapat."

"Tanya, mag-isip ka nga ng mabuti! Hindi pwede to." Naiistress na ako sa sitwasyon namin ngayon. Bakit kasi kailangan pa ng pili pili. Baka naman makahanap ng solusyon diba?

"I'm sorry Rain, but I don't want to be selfish. Baka nga, hindi pa talaga siya ang taong para sa akin." Saad ni Tanya habang humahakbang palayo.

Ano ba namang nangyayari ngayon?! Puro problema na lang!

"Bayaan mo na siya Rain. Malaki na siya at alam ko na marunong siya mag-isip." Saad ni Dale sa likuran ko.

"Pipiliin niya yung bagay..."

"Rain, minsan kailangan mo ring isakripisyo ang iyong kasiyahan dahil kapalit naman non ay kaligtasan ng nakararami. Iisa si Tanya, at madami ang kailangan iligtas ni Denver. Si Tanya makakahanap pa siya ng taong magmamahal sa kanya. Si Denver naman pwede niya turuan ang puso niya na magmahal." Napabuntong hininga na lang ako.

"Kaya ba, pupunta si Tanya kay Denver para hilingin niya na pakawalan na siya?"

"Yes. Siya ang nagpapahirap kay Denver na mag-isip. Kung kakausapin niya ito, panigurado na pipiliin niya ang ibang tao kaysa kay Tanya."

"I felt bad."

"That's love."

"Yeah"

Denver Povs

Sigurado na ako, marami pang paraan para mailigtas ang nga kababayan ko at kaibigan ko. Kailangan lang namin na mag-isip ng mabuti. Ang hindi lang ako sigurado ay kung kailan namin maiisip ang paraan na iyon.

"Denver." Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Iniluwa nito si Tanya na may seryosong mukha.

"Love?"

"Choose them."

"Wait, what?"

"Choose them Denver."

"No Tanya, I will choose you."

"Stop being a selfish person!"

"I have to, dahil mahal kita Tanya. Ipaglalaban kita kasi gusto ko. So wag mo naman ako gawan ng rason para sumuko lang! Ikaw ang laman ng isip at puso ko. Kaya hindi ko hahayaan na maghiwalay tayo dahil lang sa sitwasyon natin ngayon. Maraming paraan love, we can help them, we can save them."

"When Denver?"

"I don't know pero gagawa ako ng paraan."

"Stop being an idiot. Stop being selfish. Stop loving me. Save your people, save your friends. They need you and you don't need me." Parang may kutsilyong nakatarak sa aking puso dahil sa pinagsasabi niti.

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Where stories live. Discover now