𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 46

20 1 0
                                    

Chapter 46 - Going Back

Rain Povs

Napaiyak na lang ako sa aking nasaksihan. Is this love? Kahit hindi ko man naranasan ang nangyari kila Tanya and Denver, nasasaktan pa rin ako. Ganto pala ang pag-ibig. Hindi sa lahat ng oras masaya, minsan may mga malulungkot na sitwasyon na kung saan kadalasan ay nagreresulta sa paghihiwalay nila. Ang daya naman ng tadhana. Sa dinami dami nang pwedeng paghiwalayin ay sila pang dalawa.

"It's their destiny to be separated." Kita ko kung paano rin umiyak si Jiezhel.

"Life is unfair, but there must be a reason why they separated. Maybe they are not really destined to each other or it is just a challenge for them that they need to overcome."

"I hope so, Jiezhel." I smiled even though it was fake.

"We have to prepare for our leave. Babalik na tayo sa university." Saad ko sa kanila. Agad kong pinagmasdan si Tanya na natutulog pa rin sa ngayon. Napagod siya sa naging experience nya sa forest na iyon.

"How about Tanya?"

"Ako na lang bubuhat sa kanya." I said.

"No need Rain, mapapagod ka lang." Rodolfo said.

"Its fine, magaan lang naman si Tanya. Kayo na lang bahala sa gamit natin." Sabi ko sa kanila.

"Ganto na lang Rain, pag napagod ka na. Pasa pasahan na lang. Hindi namin ikaw kayang pabayaan." Tumango na lang ako sa kanila.

"Sige sige. Come on na." Lumapit ang ilan sa akin at tinulungan ako na ipasan si Tanya.

"Thanks."

Someone Povs

"Good to know dahil naloko mo ang Reyna."

"Hindi ko gusto na manloko ng mga katulad niya. Napakabuti niyang ina, at hindi karapat-dapat sa kanya na itrato na para bang isang laruan."

"Bakit? Kung hindi mo nagamit yang kapangyarihan mo, hindi ka sana makakakain ng masasarap na pagkain, hindi mo na ulit mararanasan na mahirapan ulit."

"Alam ko pero..."

"Sige, sabihin mo sa kanila. At tingnan lang natin kung ano ang gagawin nila sa iyo."

"Ate..."

"Bakit, tama ako diba? Sakyan mo na lang kaysa mahirapan ka pa. Simple lang diba?" Napabuntong hininga na lamang ako. May punto naman siya, pero nasasaktan lang din ako dahil hindi niya dapat maranasan na maloko.

==========

Rain Povs

We are almost in the university. Ang tahimik ng paligid at ang mga hayop ay parang nagtatago sa amin. Kakaiba rin ang awra ngayon. Parang may mali, pero hindi ko alam kung ano iyon.

"Rodolfo, 6 o 'clock." Saad ko rito. Agad naman na nagsialerto ang mga kasamahan namin. Agad akong nagpalabas ng mga katana at pinalutang ito sa ere. Kung sakali mang may lumabas ay kaagad ko itong ipapatama sa kanila.

"Mukhang marami sila." Saad ni Dale sa likuran ko.

"I'll protect you Rain." Saad naman ni Joseph.

"Wala munang ligawan dito. Magseryoso kayo." Naiinis na wika ni Rio.

"Inggit ka lang."

"Manahimik na lang kayo." Saway ko rito. Nagsitikom sila at nag-act pa na parang sini-zipper nila ang kanilang mga bibig.

"Kung sino ka man, lumabas ka na! There is a mosquito here kaya! You are making my skin bad because of your cowardness. Duh!" Maarteng wika ni Coleen. Napatampal na lang ako ng noo.

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Where stories live. Discover now