𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 41

77 3 0
                                    

Chapter 41 - Rock Kingdom

Denver Povs

Nagising ako sa isang sinag ng araw na tumatama sa aking balat. Agad akong napatayo at naramdaman ang malambot na kama na hinihigaan ko kanina. Iginala ko ang aking tingin at napansin ko ang mga pamilyar na mga paintings sa loob ng kwarto na ito. Kaamoy rin nito ang dati kong kwarto noong bata pa ako. Hindi ko ito malilimutan ang amoy na iyon dahil iyon ang pinakamemorable na memorya sa aking isipan. Doon ko naranasan ang maging isang prinsepe sa isang palasyo pero hindi ko aakalain na magwawakas rin ang karangyaan na tinatamasa ko noon.

"You are awake Prince Denver." Saad ng kung sino. Nilingon ko ang isang pamilyar na lalaki at napasinghap ng makilala ko ito. Siya ang tiyuhin ko, ito ang bunsong kapatid ng papa ko. Hindi ko aakalain na dito ko rin pala siya makikita.

"Tito? Wait?! Asan ang mga kasama ko?" Tanong ko rito.

"In the other room. Do you miss your bedroom Denver? It's been a while since I last saw you. Akalain mo ngayon, binata ka na at ang gwapo mo."

"Nasaan ako Tito?"

"You forget this place? This is the Rock Kingdom."

"Huh?"

"Dito kami lumaki ng papa mo. Ang saya saya nga namin noon hanggang sa napagdesisyunan niya na umalis sa lugar na ito. Mukhang kailangan mo nang ibalik ang kapangyarihan na meron ka ngayon? Gising naman na rin ang totoong kapangyarihan mo." Saad nito. Tama siya, hiniram ko lang ang kapangyarihan na meron ako. Agad kong inalis ang bracelet na nasa wrist ko at ibinigay sa kanya.

"Bakit mo pala kami binihag? I mean dinala dito? Anong kailangan mo?"

"Matagal na kitang hinahanap pamangkin. Ikaw na ang susunod na maghahari sa kingdom na ito. Wala akong anak na pwedeng pagpasahan ng trono dahil namatay kaagad ang asawa ko at baog ako. Alam mo yan."

"Pero hindi ko ito magagampanan uncle."

"Alam kong kaya mo. Kaya nais ko na manatili ka na dito. Huwag kang mag-alala sa pag-aaral mo dahil may mga guro dito na pwede kang turuan."

"Study isn't my problem. Pero ang hinihingi mo na pabor ay mukhang may kasamang malas. Kilala kita tito, gusto mo na nasa iyo ang kaharian na ito. Gusto mo na ikaw ang mamahala. Kaya bakit mo ipapasa ang pangarap mo sa akin?"

"Gusto ko na ipakasal ka sa anak ng kaibigan ko."

"Wala akong panahon para diyan at may mahal na ako tito."

"Sino? Si Tanya ba? Maganda naman siya pero hindi ko siya gusto para sa iyo. At may mas malaking balak pa ako para sa iyo! Kailangan kita para iligtas ang kaharian. Ilang beses na kaming pinasok ng mga kalaban na siyang kinamatay ng iba pa naming kasamahan. Habang ang iba naman ay namatay na sa gutom at uhaw."

"Anong ibig sabihin mo tito?"

"Simula ng magkaroon ng fake na war. Nawalan kami ng koneksyon sa Magic Division. Kaya ang nangyari hindi kami nakakuha ng kahit na konting tulong mula sa kanila... Hinaharang ng kung sino ang koneksyon namin sa kanila. Marami na kaming pinadala na mga mensahero pero ang dumadating sa amin ay ang mga pugot na ulo nila. Kaya nais ko na ipakasal kita sa anak ng kaibigan ko dahil mas malawak ang koneksyon nila. Mas lalo nilang mapapalakas ang depensa at ang kaharian na ito. Matutulungan mo ang mga kababayan mo, ang mga taong katulad mo na marunong magmanipula ng mga bato."

"Tito! I know that we are in a situation na kung saan need mo ako. But please don't manipulate me! Ako mismo ang dapat magdesisyon at hindi ikaw. And also, I cannot marry a person that I don't love. It is actually a stupid idea to do it. "

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Where stories live. Discover now