𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 39

34 3 0
                                    

Chapter 39 - Refugee Camp

Rain Povs

"Sino ba talaga ako?" Tanong ko sa isang babae na sa tingin ko ay mahiwaga. May matangos itong ilong, mahahabang pilik mata, kulay ginto ang kanyang mga mata at iba't ibang kulay ang buhok nito na siyang ikinalitaw ng kanyang kagandahan.

"Hindi ko maaaring sabihin sa iyo kung sino ka talaga."

"Nalilito na po ako. Minsan naiisip ko na po ba iisa kami ni Rave. Pero ito pong nakikita ko po, hindi ko po alam." Sabay turo ko sa babaeng nasa isang parang tv. Nakikita ko kung paano siya makipaglaban sa mga kalaban ko kanina. Tinutulungan niya rin sina Dale. Oo, hindi ako ang lumalaban kundi isang taong nagngangalan na Rave. Iba ang kasuotan nito na siyang ikinamangha ko. Hindi ko aakalain na makikita ko ito. Magkamukha kami pero ang pinagkaiba ay hindi kami iisa. Ginagamit niya lang ang katawan ko para tulungan sila.

"Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ang katotohanang nakabalot sa iyong pagkatao. May mga bagay na dapat kang intindihin muna."

"Katulad ng ano po?"

"Mga kaibigan mo, nasa panganib sila ngayon."

"Sina Denver at Tanya po ba?"

"Hindi sila."

"Sila Leader po. Anong nangyari po sa kanila?"

"Nakapasok sila sa isang mahiwagang gubat na kung saan, pag nagbigkas sila ng isang masamang nilalang ay lumalabas ito."

"Pero paano ko po sila matutulungan?"

"Kailangan niyong hanapin ang pasukan ng mahiwagang gubat na iyon. Kung malalaman nyo iyon, alam nyo na rin kung paano kayo makakalabas ng buhay. Kailangan mong magmadali Rain, buhay ng mga kaibigan mo ang nakasalalay. Kung hindi niyo sila maliligtas kaagad, maaaring mamatay sila." Tiningnan ko ang prinsesa na nakikilaban kay Archival.

"Nasa inyo na ang mga piraso, pero ang hinihiling ko ay pumunta muna kayo sa aking puntod upang mabasbasan ko iyan. Hindi nyo ito mabubuo ng simpleng mahika, dahil ako ang gumawa niyan ako rin ang may kakayahan na ayusin yan." Tumango ako.

"Sige po, prinsesa."

"Ang kadiliman ay malapit nang maghari, bilisan mo Rain." Saad ng prinsesa at unti unting naglaho sa aking paningin.

Napabangon ako bigla dahil sa panaginip ko. Hindi, hindi yun panaginip kundi totoo iyon. Hinawakan ko ang akin ulo at nahawakan ko ang benda nito. Mukhang dahil sa paggamit ng prinsesa ay nawalan ako ng malay at higit sa lahat ako ang nasaktan sa pakikipaglaban niya.

"Rave?" Tiningnan ko si Denver at umiling dito.

"Hindi kami iisa ni Rave. Ginamit niya lang ang katawan ko." Saad ko na ikinagulat nila.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang nakipaglaban kay Archival ay si Rave at ako ay nanonood lang sa kanila. Hindi ko nga aakalain na makikita ko sya mismo at mukhang dito siya nagtatago at nagpapalakas sa katawan ko. Kaya mali Dale, hindi ako yung taong minamahal mo, kundi ang taong nasa loob ko." Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Magkamukha kami ni Rave at nakikita ko ang past niya, yun ay dahil sa ginagamit niya ang katawan ko. Pero hindi kami kailanman na nag-iisa. Magkaiba kami, ako si Rain at siya si Rave, prinsesa siya at ako ang itinakda. Siguro sa tinakdang panahon ay maghihiwalay kaming dalawa. Kaya guys, I don't want to disappoint you all, pero ito talaga ang katotohanan. Malayong maging isa kami ni Rave, kasi ako si Rain Anne Emerald at hindi na iyon magbabago." Saad ko dito. Tumayo muna ako at lumabas sa silid na aking hinigaan kanina.

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Where stories live. Discover now