𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 32

53 5 0
                                    

Chapter 32 - Last Two Pieces (Part 2)

Rain Povs

"Ang daya naman ng mga council." Nakasimangot na wika ni Tanya.

"Wala tayong magagawa, nakakataas sila kaysa sa atin." Saad ni Denver tsaka niyakap si Tanya. Ang sweet sweet nila.

"Baka may problema kaya pinatawag sila. Kaya ngayon kaysa problemahin natin sila or ang council, problemahin natin ang mga pieces ng sword. Dalawa na lang naman ang kailangan." Sabi ko dito.

"Sure." Saad ni Denver at inakbayan si Tanya.

"Hindi ko man gusto na manghimasok sa relasyon nyo, but I hope hindi kayo lumagpas sa limit. Please avoid being too much intimate, baka sa huli, magsisi kayo. I don't want to judge at hindi ko ito sinasabi dahil hindi ako nagtitiwala sa inyong dalawa pero para ito sa safety nyo. Being a parent isn't easy, kaya I hope maiwasan nyo muna iyon. Masyado pa kayong bata. I hope na hindi ko kayo nadisappoint." Diretso kong sabi sa kanila. I didn't expect na ganito ang masasabi ko sa kanila. Pero kahit na sweet ang datingan nila, hindi pa rin maganda. Sa isang relasyon dapat balance ang lahat. Hindi pwede masyadong intimate at di pwedeng masyadong malayo. Dapat alam yung mga limit para sa huli hindi magsisisi sa desisyon.

Sa panahon ngayon, marami na ang nagiging teenage parent. Hindi naman natin masisisi kung bakit, pero dahil sa sobrang intimate, sa mga udyok ng mga kaibigan, isama na din yung styles, victim of rape and panonood ng inappropriate videos. Yun ang nagiging reason kaya marami ang nagiging teenage parent. Hindi madali ang pagiging teenage parent, maraming struggles and hindrances. Tsaka hindi ibig sabihin non ay pag nabuntis ang isang girl is pwede siyang manirahan o iasa ang lahat sa magulang. They must learn how to be independent, mahirap pero kailangan kayanin dahil sa yun ang consequences ng mga actions. Nasa atin na rin kung paano din natin ililimit ang sarili natin, dahil baka sa huli yung akala nating malabong magawa ay nagagawa na natin paunti unti because of lust.

"Don't worry Rain, we know our limits."

"Good to know." Tumango ako. I hope na gawin nila talaga ito.

"So I think Rain, we should split into two groups. Kami ni Denver ang pupunta sa club while ikaw sa museum."

"Wait? Sure kayo sa club kayo pupunta? Hindi ba yan delikado? Like, paano kung mabiktima kayo ng mga mafia or gangsters diyan if ever meron man?"

"Rain, don't worry alam na namin ang patakaran dito sa England. Dito kami lumaki, tsaka andito ako para protektahan si Tanya. Pero kung magpapalit tayo ng place, baka ikaw pa ang mapahamak. Mapapatay kami ni Joseph, Rio, Zyin at ni Rodolfo." Denver explained.

"Fine, just make sure to take care of yourself. Kayo na bahala sa strategy na gusto niyong gawin, but don't risk your lives yung tipong malapit na kayo mamatay. Mas importante ang buhay niyo kaysa sa pieces." I said.

"Don't worry walang mapapahamak. Sige na, magplaplano na kami. Ikaw na bahala sa museum. Byeee." Sabi niya.

"Yeah yeah. I'll search each nook and cranny so don't worry." I said at nagsimula na akong maglakad. Hindi ko sila gustong iwanan, hindi naman dahil sa takot ako. Pero feeling ko may mangyayaring masama kasi. Pero sabi nga nila, minsan mali ang instinct kaya titigil na ako.

==========

Denver Povs

Lights, beautiful women, liquors and usually mans ang nandito sa club na ito. It looks normal, pero kung titingnan ay may tinatago ang lugar na ito. This place is usually the underground place of mafias and gangster in this country. Dito, nagtratrade sila ng mga babae, parts of the body and usually guns. This is also the place where they conduct a meeting.

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Where stories live. Discover now