𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 36

42 5 0
                                    

Chapter 36 - Bringing Back (Part 1)

Rain Povs

Napamulat ako ng aking mga mata dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Grabe ang panaginip ko, hinalikan daw ako sa labi ni Dale tapos nakuha ang mga Lokistim. Ibang klase, grabe ang lalaki na iyon.

"Your awake. Good to know at okay ka na. Pinana ka ni Archival." Saad ni Dale. Tiningnan ko ito na parang sinasabing Sino-siya?

"Archival Bleouch, one of the famous person noon. Siya ay isa rin sa mga boss ng Mafia ngayon. Dati siyang businessman but because of his words na bankrupt ang business niya. Sinabi niya na may Lokistim na nabubuhay sa mundo pero inisip lang nila na baliw ito. Naging mahirap siya, iniwanan siya ng kanyang asawa at mga anak. Nang mapagtanto niya na kailangan niyang maghiganti, bumuo siya ng organisasyon na papatay sa mga Lokistim." Napatango ako sa sinabi nito.

"Mahirap pala noh? Kailangan mong maging maingat sa mga binibitawan mong salita? Kasi kung hindi ka magiging maingat ay maaaring ikabagsak mo yun. Parang sa mga artista din, kailangan maging maganda yung tingin sa iyo ng mga tao para suportahan ka. Kasi at the end yung fans mo noon sila yung hihila sa iyo pababa."

"I agree with that one." Saad ng kasamahan ni Dale. I think Kleo ang pangalan niya.

"Oww I'm sorry. I am Kleo Zerysu." Mukhang napansin niya na hindi ko siya masyadong kilala. Gwapo din naman si Kleo, makinis ang mukha niya at kulay pula ang buhok nito. May matangos na ilong at mapupulang mga labi. Matangkad rin ito at halatang may lahi itong Japanese.

"I'm Rico Chui." Saad naman ng isang lalaki. May kaputian ito at may lahi ding chinese. Kulay brown naman ang buhok nito na bumabagay sa kanyang itsura. Malaki rin ang katawan nito at mukhang naggi-gym.

"I'm Joshua Navarro. You can call me Josh for short binibini." Saad naman ng lalaki na nakasalamin. Hindi ko napansin na siya rin pala ang kasama niya kanina. Wala kasi itong salamin kanina. Maputi ito at may matangos na ilong rin. Seryoso rin ang mukha nito pero may pagkamaloko din naman. Kulay black ang buhok nito at sa tingin ko ay isa siyang pilipino.

"Done staring? Nagseselos ako Rave." Tiningnan ko naman si Dale na nakatingin sa akin ng diretso.

"I'm not interested with them." Saad ko at humiga ulit. Pipikit na sana ako nang mapagtanto ko na totoo ang panaginip ko. Shit! Kailangan ko iligtas sila mula sa panganib. Pero wait kung totoo nga ang panaginip ko... Yung kiss ko!!!!

"I'm sorry if I kissed you awhile ago Rave." Sinamaan ko na lang ito ng tingin. Wala siyang respeto sa katulad ko na babae. Walang hiya siya!

"Btw, I already have a plan." Dale said at tinalikuran ako. Nagtungo siya sa isang table at binuhat niya ito palapit sa akin. Bumangon ako at napansin ko na isa palang digital map ang nakapatong sa lamesa.

"This place is where they hide." Saad nito. Zinoom niya ang lugar at kita ko ang isang mansion.

"Wait paano mo?"

"I hacked the satellite."

"Okay okay."

"You, Kleo ikaw ang magiging cover namin. You are going to shoot the enemies sa taas ng building na ito."

"I guess that's to impossible." Saad ni Tanya. I agree with her, masyadong malayo ang building at paano niya kami macocover?

"He's good at long and short range when it comes to sniping. So don't worry about it. While you Josh, cover also us. Ikaw na bahala sa left side and at the back. Habang si Kleo naman sa front at sa right side." Tumango na lang ako.

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Where stories live. Discover now