𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 3

248 19 0
                                    

Chapter 3- Good or Bad News or Both?

Rain Povs

Umaga na. Masaya talaga ako kahapon. Nagpasalamat din ako kay Lola at Lolo dahil kahit na hindi nila ako totoong apo ay mahal nila ako.

Oo, hindi ko sila kamag anak. Nakita nila ako na walang malay sa isang lugar. Tapos kinuha nila ako at inalagaan.

Ganoon sila kabait kaya mahal na mahal ko sila.

"Apo. Naiisipan namin ni MamaLa mo na ikaw ang magdeliver ng mga armas sa DEU. Naki usap kami sa namamahala doon na sana bumili sila ng mga armas. Tas pumayag sila. Tas apo gusto namin makapag aral ka kaya inendroll ka namin doon." Sabi ni PapaLo.

"Talaga po!! Salamat po!!" Masayang wika ko.

"Sige apo bukas na bukas dadalhin mo ang gamit at ibang mga armas. Sa council mo yun ibebenta ah?" Tanong ni MamaLa.

"Opo MamaLa. Maasahan mo naman po ako. Ako pa?!" Sabi ko. Masaya naman ako doon eh.

"Puntahan mo na kaibigan mo at magpaalam ah." Sabi ni PapaLo.

"Sige po." Sabi ko at umalis na.

Xavia Povs

"So ngayon. Ikaw pala ang savior natin? Ang pumalit sa prinsesa. Akalain mo naman na matagal ka nang nandito pero ikaw pa talaga ang magliligtas sa amin." Sabi ng reporter.

"Yeah. I am White Savior. Basic lang naman yung kakayahan ng mga Darkians eh. Kaya pinatay ko sila." Sabi ko.

"Nang walang dahilan?" Tanong nito.

"Yup. Uubusin ko sila. At maghihiganti din dahil sa pagkamatay ng pamilya ko." Sabi ko.

========

Nandito ako sa kwarto ko. Kasama ko na ang mga Royalties eh. Nice one.

Ang totoo namatay ang pamilya ko dahil sa sakit nila. Hindi sila pinatay ng mga Darkians.

At hindi din ako si White Savior. Ginawa ko lang iyon para mapansin na ako ni Rodolfo.

Rain Povs

Xavia pala ang pangalan nya. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangan nyang gawin ang mga bagay na yan. Bakit? Para saan? Pinapahamak nya lang ang kaniyang sarili sa gagawin nya. At higit sa lahat bakit sya gagawa ng isang kwentong puro kasinungalingan? Ano ba talaga ang gusto mo?

Ako si White Savior pero bakit kasi ganoon ang ginawa nya. Pumapatay ako ng mga darkian na gumagawa ng mga krimen. Krimen na hindi mo nanaisin na malaman. Kailangan ko yun magawa para mawakasan ang kasamaan ng mga darkian.

Pero maiba tayo, napag-usapan na rin namin ni Joseph ang tungkol sa pagpunta ko sa Dark Elemental University o DEU, sabi nya ay ihahatid nya ako papunta sa Weapon City para makasakay ako. Nakatira lamang kami sa maliit na bayan at malayo kami sa Weapon City. Ito ang pinakagitna ng Weapon Kingdom. Pero hindi ko aakalain na ihahatid pa ako ni Joseph. Hindi man halata pero gustong gusto ko si Joseph, nagsimula ito noong naging 15 years old ako. Naramdaman ko na lang bigla na gusto ko na sya.

Well both ang naranasan ko ngayon. Good News and Bad News.

Good News dahil sa makakapag aral na ako. At hindi na nila kailangan alamin ng mga Darkians ang totoong pagkatao ni White Savior.

Bad News iiwan ko si Joseph at ginamit yung kabidahan ko para maging hero ang babaeng yun. At masama pa ay mapapahamak sya.

Tsk tsk tsk

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora