𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 1

823 28 1
                                    

Chapter 1- The Beginning

Rain Povs

Nakaupo ako habang nag-aabang ng mga taong bibili sa aming paninda. Si PapaLo at MamaLa ang gumawa ng aming mga produkto kaya sigurado ako na matibay at maganda ang kalidad ng aming binebenta.

Isa ito sa mga kagandahan bilang isang Weapon Manipulator, isang weapon manipulator na maasahan lagi.

Magandang umaga pala sa lahat ng magaganda at mga gwapong readers. Ako nga pala si Rain Anne Emerald. 17 years old na nagsasabing 'Aanhin ang kagandahan kung hindi naman kabutihan.'

"Nakatunganga ka nanaman." Sabi ni Joseph, sya ang prinsepe ng Dark Kingdom at kaibigan ko siya matagal na. Kasundo ko rin ang kanyang kapatid na si Ate Vania.

Siguro ang tingin ng iba sa kanila ay mga masasamang tao na hindi na magbabago, subalit para sa akin iba ang kanilang iniisip. Sila ay isang hulog ng langit sapagkat sa mundong tinatapakan ko, tanging ang MamaLa at PapaLo ko lang ang nariyan sa tuwing may mga taong nilalait at inaapak apakan ako. Pero, simula nang dumating ang dalawa, nagbigay ng kulay ang aking mundo. Nariyan sila sa tuwing kailangan ko nang tulong at alam ko na may ginintuang mga puso sila. Sadyang minsan lang talaga, hindi natin ito nakikita sapagkat tanging pagkakamali lang ang nakikita natin sa kanila.

"Oo nga eh. Tomgu na ako dito. Wala pa namang tao ang bumibili." Saad ko rito.

"Yan kasi. Haysss. Tsk tsk. Yan ang mga tinitinda nyo eh." Sabi nya

"Malamang Weapon Manipulator." Sabi ko. May inilapag sya.

"Ano to?!"

"Pagkain malamang."

"Hehe peace."

"Tss"

"Sungit ka pa din noh." Sabi ko at sumubo. Butsi to eh.

"Di naman. Pag minsan lang." Sabi nya.

"Kamusta naman yung lovelife mo?" Tanong ko.
"Ito ok lang naman. May napupusuan pero hindi nya yata alam yun. Manhid." Sabi nya at ngumuso.

"Hep hep wag kang ngumuso parang aso. Sabihin mo kung sino at uupakan natin." Sabi ko

"Tsk wag na. Baka bla bla bla." Bumubulong ah

"Hayyys." Nasabi ko na lang.

"Prince." Sabi ng kung sino. Ah si Manager pala.

"Oh Manager ba't ka napadaan?" Tanong ko.

"Gusto lang kita na kausapin." Sabi nya. Parang may nararamdaman ako na hindi tama eh.

"Uy Joseph pabantay muna. Kausapin lang ako ni Manager." Sabi ko

"Ingat ka ah. Papakasalan mo pa ako."

"Huh?"

"Wala. Sabi ko ingat ka."

"Ah okay." Dinala nya ako sa bahay nya.

"Maganda ka din noh Rain?" Sabi ni Manager. Hinawakan nya ang buhok ko. Pinigilan ko sya.

"Bakit mo ako dinala dito Manager?" Lumapit sya at ako naman itong atras ng atras hanggang sa na corner nya na ako.

"Akala ko ba kakausapin mo ako?" Tanong ko sa kanya.

"Mmmm. Pakasalan mo ako. Mayaman din ako katulad ng prinsepe, at mahal kita." Sabi nya.

"A-ang tanong mahal ba kita?" Tanong ko sa kanya habang nauutal na.

Elemental Princess of England 2  (The Missing Savior)Where stories live. Discover now