/Saloobin/

128 23 8
                                    

WARNING: Wrong typos and ungrammatical ahead.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, events, places, businesses and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manners. Any resemblance to actual persons and actual events is purely coincidental.

. . . . . . . . . . . .

“Wala kang pakinabang!”

“Hindi ka makakatapos ng pag aaral!”

“Suwail!”

“Puro pasakit lang ang dala mo sa 'min!”

“Kung ayaw mo nang mag aral, edi huminto ka at magtrabaho!”

“Sakim!”

“Hindi pang tao ang pag uugali mo, kahit sinong tao, hindi magtitiyaga sa 'yo!”

Ilan lamang iyan sa mga naririnig ko sa pamilya ko. Iniisip nila na ganoon talaga akong klaseng anak, kahit alam ko sa sarili kong, hindi ako ganoon. Palagi nilang ipinamumukha na ako na ang pinaka worst ever daughter in the whole world. Gusto ko man magsalita at sabihing mali ang mga ipinaparatang nila sa 'kin, hindi ko magawa dahil mas prioridad kong manahimik at ibaon nalang sa limot ang lahat. Ngunit may pagkakataong, nakakaramdam ako pagkagalit, nais kong sumabog at magwala, ibig kong ipaalam na hindi talaga ganoon, hindi tama. Gusto kong ilaban at patunayan ang sarili ko. Gusto kong ipakita na kabaliktaran ang mga sinasabi nila laban sa 'kin. Lahat ng iyon, gusto kong gawin ngunit bakit hindi ko magawa? Dahil sa kawalan ng confidence o sadyang iginagalang at nirerespito ko sila?

Minsan kailangan ko ring bumoses, hindi ako papayag na palagi nalang ako minamaliit at inaapi. Tao rin ako, marunong masaktan at magsawa kaya ipinapanalangin kong balang araw may iintindi rin sa 'kin na tulad ng pag iintindi ko sa ibang tao. Kung sakaling dumating man iyon, tiyak sobra ang pasasalamat ko sa Panginoon.

*7 Years Ago*

Lumayas ka rito! Dalhin mo ang mga damit mo at huwag ka nang magpapakita sa 'min!”

“Layas! Hindi kita kailangan!”

“Sakit ka lang sa ulo!”

Pagkatapos na magkakasunod na salitang sinabi ni mama, pinagtutulak niya ako sa daan habang may dalang tabong paulit-ulit inihahampas sa balat ko. Walang habis ang pag iyak ko at nagmamakaawa ang mukhang nakaharap sa kaniya. Hindi ko gustong lumayas 'pagkat masyado pa akong bata upang maglakbay ng mag isa at maagang malayo sa mga magulang. Sampung taong gulang palang ako noon, nasa ikaanim na baitang. Malapit lang ang paaralan namin, araw-araw ko yaon nilalakad hanggang sa makapagtapos ng elementarya.

Hindi ako nagreklamo sa kabila ng lagay na iyon, tiniis ko katulad ng pag titiis nila sa paghahanap buhay para sa amin ng kapatid ko.

Pilit pinadadala sa 'kin ni mama ang mga damit ko habang pinagtutulak ako palayo na tila isang patapon na bagay. Sobra akong nasaktan kapag sa tuwing naalala ko ang mga sandaling iyon, ang hindi ko malilimutang alaala.

Tumatak sa kukuti ko ang lahat ng pasakit at pag intindi hanggang sa ako'y nagdalaga. At ngayong nasa ikalabing pitong taong gulang na ako, a grade 10 student of Thalia National High School. Akala ko magiging masaya na ang buhay ko dahil malaki na ako subalit nagkamali ako, mas lalong komplekado at lumalala ang lahat.

Kung kailan malapit na ang moving up, saka pa nawasak ang pinahihintay ko.

Hindi ako nakapaso sa stage at natanggap ang diploma. Hindi ko rin nakuha ang medalya ko na simbolo ng aking pagpapagal at hirap para makamit ang tagumpay bilang mag aaral.

Muling naulit ang dati. Nais akong palayasin ng sarili kong pamilya.

“Umalis ka na rito!”

“Akala mo maghahanap ako sa 'yo? Kahit hindi na tayo magkita hanggang sa pagkabulok ko, wala akong pakialam!”

“Kung ako papipiliin magkaroon ng anak, hinding-hindi kita pipiliin!”

“Lumayas ka rito! Bahala ka kung saan ka pupunta!”

Ito ang realidad sa loob ng isang pamilyang walang pagkakaunawaan at pagkakaisa, masalimot. Walang may ibig magpakababa, nais nilang sila'y laging nasa taas at tama. Ito ang resulta, kapighatian, kawalan ng pag asa, pagtitiwala, galit, at kalungkutan.

Hanggang kailan ito matatapos? Nais kong mapalitan nang kagalakan ang malungkot na buhay na aking dinaranas. Nakakapagod na talaga. Unti-unti nang nawawala ang katatagan na pilit kong pinananatili at pinanghahawakan. Nawa'y pakinggan niyo ako't tulungan. Pakiusap.

: Leichella Cornillo

Rising Up TomorrowWhere stories live. Discover now