/11/ To Review

65 8 0
                                    

11: To Review

Keinzen's Pov

Kinagabihan. “Oo nga mga bro, nandito kanina sa bahay si Rhia, iyong babaeng balak ipaarrange marriage sa akin ng parents ko. Grabe, parang linta kung makapulupot sa leeg ko. And yes, maganda siya at mukhang habulin ng mga lalaki pero hindi ako interesado sa kanya. She's not my type. Ayokong magkagirlfriend na ipinagkasundo lang sa akin ng parents ko. Ang gusto ko ay iyong kusa ko talagang minahal,” mahabang sabi ko habang nakaupo sa upuan at nakikipag video call kina Shane at Rhaven.

“You'd never talk to us about woman so nagtataka talaga ako ngayon kung bakit inistorbo mo kaming tawagan para lang pag usapan ang tungkol sa bagay na iyan,” nakangusong sabi ni Rhaven. Kita naman sa screen ang lukot niyang mukha. Nabadtrip yata pagkatapos ng ginawa ko pero buti nalang wala akong paki.

“Saka ano bang sinasabi mong 'KUSA KO TALAGANG MINAHAL', kailan ka nag isip niyan? Hindi ka naman marunong dumiskarte pagdating sa mga babae,” dugtong ni Shane sabay higop ng mainit na sabaw ng noodles na hawak-hawak niya simula ng sagutin niya ang pakikipagvc ko.

“Hindi nga kaya awkward iyon para sa akin. Kilala niyo naman ako, may kasama man akong babae, for sure kaibigan lang iyon like Vianries,” sabi ko.

“Vianries is boyish kaya iba siya sa girl na sinasabi mo. Hindi magkakagusto sa iyo si Vianries dahil babae ang hanap no'n,” wika ni Rhaven.

“Hindi naman si Vianries ang tinutukoy ko, example ko lang kanina. Si Rhia ang usapan kaya puwede ba, magseryoso kayo at bigyan niyo ako ng advice para naman may silbi ang usapan na ito,” sabi ko at sumandal sa upuan.

“Nagseseryoso naman kami, ano pa ba? Bakit hindi mo kausapin ang Rhia na iyan tapos i-recommend mo siya sa akin,” sabi ni Shane dahilan para mapahagalpak ng tawa si Rhaven.

“Recommend? Ano iyon pelikula, sira ulo!”

“I-recommend ba sa akin tapos ako makikipagpakasal doon saka huwag mo akong itulad sa 'yo na sobrang weak humarap kay Menchi, palakasan ng loob nalang ito pre!” sabi ni Shane.

Napalitan ng ismid ang tawa ni Rhaven at nanahimik. “Tama na nga iyan, magbigay na kayo ng advice para patayin ko na itong tawag, may review pa kami ni Sheila,” nababagot kong sabi sabay tingin sa relo. 6:45pm na, pupunta na iyon dito sa kuwatro kapag mag 7 o'clock.

“O sige, ang advice ko sa iyo, kausapin mo siya at sabihin mong hindi mo siya gusto dahil may mahal kang iba. . .iyon ay kung may mahal ka ngang iba,” sabi ni Shane.

“Wala akong mahal na iba dahil wala naman akong gustong babae,” sagot ko.

“At iyon ang problema. Paano mo pagtatakpan ang sarili mo kung ikaw lang, mas lalo ka niyang kukulitin kasi alam niyang single ka.” Shane.

“Maghanap ka muna ng babae,” sabi naman ni Rhaven.

“Oh tama tapos ipakilala mo sa kanya. Kapag malaman niyang may iba ka, titigilan ka no'n, trust me.” Shane.

“Pero sino naman?”

Lumapit si Shane sa screen ng phone niya kaya nasakop ng mukha nito ang screen. “Edi maghanap ka!”

“Sino nga? Si Vianries? No nevermind, hindi magandang ka-vibes iyon. Baka imbes na tulungan niya ako kay Rhia ay baka ligawan pa niya ang babaeng iyon at sabihing hindi naman kami magkasintahan,” ismid ko.

“Eh sino namang may sabing si Vianries? Siyempre hindi siya. Maghanap ka sa paligid mo baka makahagilap ka, iyong mas mapagkakatiwalaan sana sa plano niyo,” suhestiyon ni Shane saka nilayo ang mukha sa screen ng phone niya.

Rising Up TomorrowWhere stories live. Discover now