/12/ What's on Your Mind?

39 5 0
                                    

12: What's on Your Mind?

Leichella's Pov

Pasado alas dose na ako nakatulog kagabi. Hindi pa rin ako makaget over sa imbitasyon ni ma'am Dizon kahapon. Masyado akong naiexcite kaya halos hindi nalang ako matulog. Pakiramdam ko, mas excited pa ako kaysa kanila especially ito ang unang beses kong sasama sa expensive beach kasama ang mayamang pamilya katulad nila. Maybe it a blessings for me and I was truly thankful for this day.

Ngayong umaga, narito ako sa kusina. Tinutulungan ko si aling Pricheska na maghanda ng agahan para sa aming amo. Habang kami ay abala, bigla namang sumulpot si sir Keinzen. Humihikab siyang pumasok dito sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. “Magandang umaga, sir Kein!” bati sa kanya ni aling Pricheska.

Binigyan lamang siya nito ng tango. Maya't-maya, bumaling ang singkit na mga mata ni sir sa akin. “What are you doing here, Sheila? 5 o’clock pa lang ha, ang aga mo yata,” sita niya sa akin.

Ngumiti ako. “Sorry sir, tinutulungan ko lang po si aling Pricheska na maghanda ng agahan at saka hindi na rin po ako makatulog eh kaya bumangon na ako,” sagot ko.

“But my mom told you that we were going to Bherida Beach today, right?” tanong niya.

“Opo, sinabi nga niya, kagabi.”

“Good for you. Anyway, dapat sina aling Pricheska na muna ang naghahanda rito. You need to take a rest dahil mamayang hapon pa tayo uuwi,” suhestiyon niya.

“Hindi po, okay lang. Hindi naman ako gaanong pagod eh,” tanggi ko.

Nilapag niya ang basong hawak niya sa lababo at diretsong lumapit sa akin. “Ang kulit mong babae ka," sabi niya at walang alinlangang pinitik ang noo ko. Agad kong hinawakan ang parteng pinitik niya. “Pasensiya na po pero hindi ako naparito para walang gawin kundi tumulong dahil iyon ang trabaho ko. Ayokong magpasweldo kayo sa akin tapos wala akong ginagawa, hindi ba’t unfair iyon kina aling Princheska?” katuwiran ko. Wala sa oras napatingin sa akin si aling Pricheska at tumawa.

“Hay anak, huwag kang masyadong magpagal, Minsan kailangan mo ring sundin ang mga sinasabi ng amo natin. Isipin mo nalang na utos din iyon,” pangangaral niya sa akin.

“Kahit na po. Hindi pa rin tama,” sabi ko. Hindi lang talaga ako sanay na walang ginagawa kaya marami akong dinadahilan.

“Okay fine. It’s all up to you yet don't blame me if my mom saw you doing such a household chores since she already told you about it,” sabi ni sir. Kusa akong tumango na may ngiting nakaukit sa mga labi.

“Yes sir, ako nang bahala. O nga pala, babalik po ba kayo sa pagtulog?” tanong ko.

“Nope. I am going to prepare my things right now. Hindi ako nakapaghanda kagabi eh,” aniya.

“Okay po. Galingan mo!” malambing kong sabi.

Umangat ang kilay niya. “Anong gagalingan ko, maghahanda lang naman ako ng gamit! Tch!”

Bahagya kong kinamot ang batok ko. “Ang ibig ko pong sabihin ay madala mo po sana ang mga gamit na gusto mong dalhin sa pag alis niyo mamaya!" paglilinaw ko.

“It supposedly ‘us’ ” pagtatama niya bago nakapamulsang bumalik sa sariling kuwarto.

“Naghahanda na ng mga gamit si sir Keinzen, bakit hindi ka rin maghanda ng sa iyo tutal isasama ka nila?” ngusap sa akin ni aling Pricheska. “Sige po, mamaya nalang pagkatapos ko rito!” sagot ko.

Tinapos ko muna ang pagtulong ko kay Aling Pricheska sa kusina at nagtungo sa kuwarto upang ihanda ang mga gamit na dadalhin ko. Bukod pa roon, kinontak ko sina Jennice, Gwen, at Aira upang ipaalam na ngayong umaga kami aalis patungong Bherida Beach.

“Hello!” wika ni Jennice nang sagutin niya ang tawag ko.

“Hello Jennice, magandang umaga. Mabuti’t sumagot ka, gusto ko lang sana itanong kung sasama ba talaga kayo nina Gwen at Aira sa Bherida Beach, aalis kami ngayong umaga!” masayang sabi ko.

“Ay oo, sasama kami. Actually, kakatawag ko lang doon sa dalawa. On the way na sila,” sagot ni Jennice.

Lumapad ang ngiti ko. “Talaga? Natutuwa akong malaman iyan. Oh paano, alam niyo na ba papunta rito o ibinigay ko pa ang address?” tanong ko.

“Ay oo, ano nga pala ang address?”

“Solidad Street No. 24, sis!” sagot ko.

“Got it. Pupunta kami riyan kapag magkita kaming tatlo. O pa'no, ibababa ko na ito!”

“Okay sige. Mag ingat kayo ha!” sabi ko bago niya ibinaba ang tawag.

Nakahinga ako ng maluwag at isinubsob sa dibdib ko ang phone na hawak ko.

E
D
I
T
I
N
G
.
.
.


@KrissaYun143

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Nov 19, 2023 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Rising Up TomorrowOnde histórias criam vida. Descubra agora