/3/ She's Weird

97 18 1
                                    

03: She's Weird

Leichella's POV

Alas kuwatro palang ng madaling araw, bumangon na ako. Excited na ako para sa ikalawang araw ko rito.

Inayos ko ang hinigaan ko at naligo. Sa loob ng banyo, pakanta-kanta ako, hindi ko alam kung bakit pero napakahyper ko yata ngayon.

“♪Kay ganda ng umaga,
Puso ko'y masigla
Sikat ng araw
Sa mga mata ko'y,
Umuukit ang galak♪” pagkanta ko habang nagkukuskos ng magkabilang binti.

“♪Bakit hindi pansin?
Wika ko'y iyong dinggin
Ang saya'y makita
Kahit sa dilim hindi napapawi♪——Wah, ang lamig ng tubig!” tili ko pagkatapos magbuhos ng isang tabong tubig sa ulo.

Sige lang, kaya ko ito. Masyado pang maaga kaya parang yelo ang tubig. Hay, sana pala nagpakulo muna ako ng tubig kanina.

Ay naku, teka may nakalimutan ako. Iyong tuwalya, hindi ko nadala. Ibinalik ko sa timba ang tabo at pasimpleng sumilip sa pinto. “Wala naman sigurong magtatangkang pumasok. Takbuhin ko kaya? Nasa kama lang iyon. Ah tama, iyon nalang!” Lakas loob kong binuksan ang pinto at kasing bilis ni flash na tumakbo palabas.

Isang sentimentro, mahahawakan ko na ang tuwalya pero bago pa man iyon, bigla akong nadulas kaya't bumagsak ako. Nagkaroon ng malakas na kalabog sa kuwarto. Agad akong bumangon at kinuha ang tuwalya. Tumakbo ako pabalik sa banyo at isinara ang pinto. Sumandal ako at dahan-dahang dumudulas paupo.

“Ay naku, umagang kay tanga ko naman huhu!” Bumibilis ang tibok ng puso ko. Paano kung may nagising dahil sa ingay?  Tapos magalit sila sa 'kin at palayasin na ako? Naku, hindi talaga ako nag iingat. Nakakainis.

Isinampay ko ang tuwalya at muling sumilip sa pinto. Mukhang wala namang nagising, tahimik eh. Pero, malakas kaya iyon, paanong walang makakarinig?

Napangiwi ako at takang isinara ang pinto. Hinubad ko ang panjamas ko, blouse, underwear, at bra, mas maganda raw kasi maligo kapag walang saplot dahil nakakapaglinis ka ng katawan ng maayos. Kinuha ko at pinag isa lahat ang damit na hinubad ko, inilagay ko sa ilalim ang underwear at bra saka pinalipad papunta sa kama. Hindi na ako lumabas para gawin iyon, kasi nakahubad na ako kaya inagis nalang.

Pinagmasdan ko ng maigi kung uuntog ang mga damit na iyon pero nagulata ko nang biglang maghiwalay. Lumabas ang bra! Pero meron pang nakakagulat dahil nasabit iyon sa mukha ni sir Keinzen. Nanlaki ng husto ang mga mata ko habang nakanganga.

Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi inalis ang tingin sa kaniya. “Anong ginagawa niya dito?” tanong ko sa isipan.

Unti-unti siyang lumilingon sa direksiyon ko kaya agad akong nagtapis ng tuwalya at niliitan ang siwang bukas na pinto.

Matatalim ang titig niya. Hindi pa nalalaglag ang bra, wah! “Y-You?!” garalgal na pagkakasabi niya na mas lalong nagpatibok ng puso ko. Nilunok ko ang sariling laway. “S-Sir?!”

Nandidiri niyang inalis ang bra sa mukha niya at inilayo ito ng konti. Tiningnan niya iyon at muling nagsalita. “I smell something stinky,” walang kabuhay-buhay niyang sambit sabay nalukot ang mukha at nanliit ang mga mata.

Mas lumapad ang pagnganga ko, ngayon ko lang din naalala, isang linggo na ang bra na iyon, hindi ko pa nalalabhan. Wah!

“S-Sir. . . .”

“Is this yours?” tanong niya.

“A-Ano. . .k-kasi. . .o-opo!” hiyang-hiya na sabi ko. Initsa niya sa kama ang bra at naglakad palapit dito sa banyo. Balak ko na sanang isara pero napigilan niya. Tiningnan niya ako. “Y-You!” turo niya sa akin gamit ang hintuturo.

Rising Up TomorrowWhere stories live. Discover now