/5/ You're our maidservant

104 18 15
                                    

05: You're our maidservant

Leichella's POV

Mabilis lumipas ang araw, mag iisang linggo na ako sa mansyon ng pamilyang Villacorte ngunit hanggang ngayon, hindi ko pa rin limot ang tanong ni sir Keinzen na kung bakit ako nice sa ibang tao. Actually hindi ko rin alam kung bakit basta't kusa ko lang ginagawa ang tumulong kahit alam kong walang naghihintay na kapalit. Sapat nang matulungan ko sila at awtomatiko na akong magagalak.

Dahil sa ginawa ko noon, tila para bang lumalayo siya sa 'kin. Hindi na rin niya ako halos kinakausap kundi tinitingnan lang kapag nagkakasalubong kami. Ganito ba ang kapalaran ng mga taong mas pinili ang gumawa ng tama kaysa sumabay sa mga uso ng mundong ito? Sa kabila ng mga ginagawa mong kabutihan, unti-unti naman nalalagas ang mga taong nanatili sa panig mo, umaalis sila ng walang pasabi. Iyong tipong tatalikuran ka nila dahil sa mga ginagawa mo na kahit alam nilang tama naman.

Ano pa bang aasahan ko sa ganoon, siguro aasa nalang ako sa mga taong handang manatili at hindi mang iiwan. Pero maliban sa kanila, may isang pang pinakaimportante sa 'king puso na hindi ko dapat makalimutan. Simula pa noong umpisa, hindi niya ako itinakwil tulad ng pagtakwil sa 'kin ng sarili kong mga magulang at iba pa. Nanatili siya at pinahid ang mga luha ko sa mata at patuloy na iniingatan katulad ng pag iingat niya sa lahat, ang ating Panginoon na kailanman hindi nangtaboy sa 'tin, bagkus minahal niya tayo at binigyang pagkakataon. Dahil sa kabutihan niya, mas lalo ako sa kaniya kumakapit, nagtitiwala, at humuhugot ng lakas. Balang araw magiging successful din ako.

Masaya akong nakadungaw sa bintana ng kuwarto at pinanonood ang mga sasakyang dumaraan. Wala akong magawa ngayon dahil maagang natapos ang mga gawaing bahay. Pinagtulungan ba naman agad nina aling Pricheska simula pa kaninang madaling araw hanggang sa umalis sina ma'am Dizon papuntang trabaho.

Mas mabuti na rin ito upang makapagpahinga ng mahaba. "Kumusta na kaya sina mama't papa pati ang kapatid ko?" kusang lumabas sa bibig ko ang katanungang iyon. Kahit wala na ako sa bahay, hindi ko pa rin sila makalimutan at wala akong planong kalimutan sila. Soon kapag magkaroon ako ng achievements bilang mag aaral at maid dito, bibisitahin ko sila at baka sakaling tanggapin ulit nila ako roon.

Dinampot ko sa mesa ang cellphone ko at nagbukas ng fb. May tatlong messages. Si ate Jennice, si Aira, at Gwen.

Jennice : Leich, kumusta? Nasaan ka na?

Aira: Good day, okay ka lang ba Leich? Balita ko, pinalayas ka raw sa inyo? Nasaan ka now?

Gwen: Cheer up sis about what happened. Wherever you are right now, take care of yourself ha. Muah.

May iilang tao pa palang nag aalala para sa 'kin at nagpapasalamat ako roon.

Ngumiti ako sa sobrang saya. Ibinalik ko sa mesa ang phone ko at sinimulang i-intertwine ang mga kamay habang nakapatong sa bintana. Umihip ang malamig na simoy ng hangin, inililipad niyo'n ang mga hibla ng buhok ko at ang kurtina sa kabilang side ng bintana.

Wala akong gaanong kakilala sa lugar na ito, only sina ma'am Dizon kaya medyo naiilang pa ako sa mga titig ng mga taong nakakasalubong ko sa daan. Hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin, I'm feeling uncomfortable. I'm less confident to approach them all. Takot ako ma-reject at pagtawanan and that's why I've always trying to stay in here after work. Saka, sino ba naman ako para kaibiganin?

Habang nandito ako sa loob, may naririnig akong ingay mula sa baba. I was curious kung ano iyon kaya naglakad ako papunta sa pinto upang sumilip.

Nakita ko si aling Pricheska at ang isang babae na tila ba'y mula siya sa katabing bahay.

"Sige na Pricheska, kung wala kang ginagawa ngayon, maaari ba kitang mapag utusan? Huwag kang mag alala, babayaran naman kita pagkatapos eh," may pamimilit nitong sabi.

Rising Up TomorrowOn viuen les histories. Descobreix ara