/4/ Why are you so nice to others?

97 18 1
                                    

04: Why are you so nice to others?

Leichella's POV

Nasa likod ako ng mansiyon at tahimik na naglalaba ng mga damit. Katulong ko si aling Pricheska at isa pang yaya. Medyo marami-rami ang labahan. "Leichella, pakiabot nga ng powder," utos sa akin ni aling Pricheska. Tumango ako at kinuha ang surf powder na nakapatong sa mesa.

Inabot ko sa kaniya. "Ilan po ang gagamiting Downy para sa pagbubulyas?" tanong ko.

"Kumuha ka ng tatlo, iyong color pink."

"Opo, saan po nakalagay?"

"Teka, ako nalang!" singit ng kasama namin at nagmadaling nagtungo papunta sa loob ng mansyon. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makapasok sa loob.

Ibinaling ko ang paningin ko kay aling Pricheska. "Ale, ano pong pangalan ng babaeng iyon?" takang tanong ko.

"Elona, iyon ang pangalan niya. Bakit mo natanong?" pagtataka ni aling Pricheska habang pinipiga ang damit na kakatapos lang ma-washing.

"Wala po, gusto ko lang makilala ang mga katrabaho ko rito, hehehe!" sagot ko.

"Ah t-teka, nakikita mo ba ang babaeng iyon na nagdidilig ng mga halaman? Siya si Rossie, mabait siya pero medyo mahinhin. At iyong isa namang naglilinis sa loob ng mansyon ay si Felisha.

"Maraming pong salamat, tatandaan ko mga pangalan nila," masayang sagot ko.

Ngumiti si aling Pricheska. "Hahaha batang ito, bakit masaya ka na niyan?"

"Ah ganito lang po ako, gusto kong magkaroon ng mga kaibigan at ka-close rito, medyo nakakahiya po kasi kung wala, wala akong makausap," sabi ko.

"Kaya pala. Hayaan mo, makakausap mo rin sila kapag may bakante tayo," sabi ni aling Pricheska. Tumango-tango ako at sakto nama'y dumating si aling Elona dala ang tatlong supot na downy.

"Aling Pricheska, ito na ho. Pasensiya na kung natagalan ako," sagot nito sabay abot ng downy.

"Ayos lang. Nga pala, iyan si Leichella, ang bagong maid nina ma'am Dizon," pakilala sa 'kin ni aling Pricheska kay aling Elona.

"Hello po, kumusta ka po?" magalang kong sabi.

"Hello, okay lang ako. Ikaw ba? Nakakatuwang namasukan ka rito, may bago na naman kaming makakasama. Feel at home. Mababait ang mga amo natin, promise!" aniya.

"Opo, mababait nga po. Ang swerte ko dahil napunta ako rito, I hope po, maging magkaibigan tayo," sabi ko.

"Oo, walang problema sa 'kin," sagot niya.

"Talaga po?" namimilog na mga mata kong tanong sa sobrang excitement.

"Oo!"

"Marami pong salamat. Hayaan mo magiging good friend ako," saad ko.

"Nakakatawa ka naman, hindi mo na kailangang sabihin iyan, it's fine!"

"Oy, mamaya na kayong mag usap diyan. Remember, hindi pa tayo tapos maglaba," singit ni aling Pricheska. Magkasabay kaming nagkamot sa ulo ni aling Elona. Nagtinginan kami sa isa't isa at nagtawanan.

Pinagpatuloy namin ang paglalaba, at pagkatapos tulong-tulong naming isinampay sa sampayan ang mga nilabhan.

Habang nagsasampay ako, nakita kong pumasok si sir Keinzen at dire-diretso siyang nagtungo sa loob ng mansiyon. "Ah aling Pricheska, nakauwi na po si sir Keinzen," sabi ko.

"Puntahan mo muna at ipaghanda ng maiinom, bilis! Kami nang tatapos dito," utos ni aling Pricheska.

"Ah s-sige po!" agarang sagot ko at nagmadaling nagtungo sa loob. Pagdating ko, nadatnan ko itong nakahiga sa couch at nakatutok ang electric fan sa kaniya. Huminga ako ng malalim at lumapit dito. "Sir, nakabalik ka na po pala. Kumusta po?" pangangamusta ko.

Rising Up TomorrowUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum