/10/ Announcement

62 7 0
                                    

10: Announcement

Leichella's Pov

Hindi na kami nagtagal sa Villa's bathhouse pagkatapos nang insidente. Bago kami umuwi ni sir, inihatid muna namin sa kani-kanilang tahanan ang mga kaibigan niya hanggang dumating sa puntong kami nalang ni sir ang naiwan.

Nakaupo ako sa front na katabi ng driver seat samantalang si sir ay seryosong nagmamaneho at hindi umiimik.

Pasimple ko namang pinagmamasdan ang mukha niya. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari. Sino kaya ang mga taong iyon kung bakit nila sinaktan sina sir? Pasalamat ako dahil hindi ako nadamay kundi pasa rin ang inabot ko.

"Stop staring at me like that, hindi iyan mapapagaling ang mukha ko," sita ni sir sa akin dahilan para iiwas ko agad ang tingin sa kanya at tumingin sa harap. "Pasensiya na po, sir," utal kong sagot.

"When we get back home, huwag mong sabihin kay mommy ang tungkol dito kundi magagalit iyon at baka magsampa pa ng blotter sa estasyon ng pulis. Hayaan mong ako mismo ang umayos sa gulong nangyari dahil labas na siya ro'n," bilin niya sa akin.

"Naiintindihan ko po pero kapag magtanong siya, magsisinungaling ba talaga ako para hindi lang masabi ang totoo?"

"Of course you must be!" ani sir.

"Pero paano po kung ikaw ang tanungin niya, ano sasabihin mo? Puwede bang iyon din ang sasabihin ko kung ako ang tatanungin?" pagtataka ko.

"It depends on you but you should tell her not the truth, do your understand?"

"Ah okay po, hmmm teka si ma'am Dizon lang po ba ang pagplaplanuhan natin no'n?" tanong ko ulit na ikinahinto niya sa pagmamaneho at mabilis na tumingin sa akin habang magkasalubong ang mga kilay.

His face is closer to me and I can feel the hot air from inside of his mouth that was touching my skin. Naging uncomfortable ako kaya iniling ko ang mukha ko. Pero hinawakan niya ang panga ko at maingat na iniharap sa kanya. "Look at me, Sheila. Hindi lang si mommy ang target dito pati si daddy at kina aling Pricheska," sabi niya.

"O-Opo."

"Wala ka na bang tanong?"

"W-Wala na po, sorry!" sagot ko.

"Good. Anyway, nakausap ako kanina ni Vianreis, magtatake ka raw ng qualifying exam ng Stem, kaya nakiusap siya sa akin na i-home review ka before exam, kailan ba ang exam niyo?" tanong ni sir.

"H-Hindi ko pa po alam, gusto ko lang paghandaan," sagot ko.

Bago niya bitawan ang panga ko at ginulo gulo ang buhok ko sa ulo. "Maganda iyan, magpatuloy ka. Sana makaya mo," aniya.

"Stem ka rin naman po 'di ba?"

"Yes!" Awtomatiko akong napangiti. Hindi ko na kailangan ng tutor ng iba, nasa malapit na ang kasagutan para pumasa ako. Ay loka, nakakahiya.

"I-review kita mamayang 7pm, punta ka sa kuwarto ko at ihahanda ko ang mga previous notes ko," aniya.

"Naku sir, nag abala ka pa, nakakahiya naman ho," sabi ko.

"Palagi ka nalang nahihiya, ako lang ito oh, at hindi ibang tao. Kailangan mong masanay sa akin," sabi niya dahilan para mapakamot ako sa batok. Paano ba akong hindi mahihiya eh guwapong nilalang ang nagsasabi sa akin niyan. Huhu, iilang ako.

Nang mapansin ni sir ang inaasta ko, napangisi siya at muling nagpatuloy sa pagmamaneho.

Ilang minuto ang nakalipas, sa wakas nakarating kami nang ligtas sa bahay nila.

Bumaba ako sa gilid ng gate at siya nama'y nagpark ng kotse sa garahe.

Nauna na ako kay sir dahil baka kanina pa naghihintay sina aling Pricheska.

Rising Up TomorrowWhere stories live. Discover now