/6/ Let's just be friends

107 17 31
                                    

06: Let's just be friends

Keinzen's PoV

Nakadapa ako sa kama ko ngayon habang nakatutok sa screen ng laptop. Ka-video call ko si kuya Brailee. “So ano bro, kumusta sina mom and dad diyan? Are they miss me?” tanong ni kuya.

“They are good and yes they both miss you. Ikaw ba, kuya? Kumusta ka riyan? Hindi ba boring?”

“Prf, no. It's not boring in here. By the way, I have a good news for you,” masayang sabi niya.

“What is it?”

“May nag offer sa aking tatlong scholarship companies.”

“Wow, congratulations yah, deserved!” bati ko.

“Thanks bro!”

“Tinanggap mo ba?” tanong ko.

“As of now, hindi pa. Aayusin ko muna ang mga dokumento ko para mapadali agad akong makapasok sa unibersidad na papasukan ko,” sagot niya.

“Ah goods iyan. Keep up your hardwork at kapag umuwi ka na rito sa Pilipinas, don't ever forget my pasalubong ha kundi hindi ka talaga makakaakyat dito sa bahay, mark my words!” may pananakot kong sabi.

“Wow, ako pa talaga tinakot mo. Kung hindi mo ako paakyatin sa bahay edi mag a-apartment ako, basic.” Hanggang ngayon, mayabang pa rin siya. Nothing change at all kay kuya. Bilib na ako sa pagiging independent niya.

“Hindi ka tatanggapin sa apartment, ako ang batas eh,” nanunuyang sabi ko pero seryoso ang mukha ko nang sabihin iyon kaya parang hindi biro.

“Sus, nagsalita ang anak ng presidente hahaha. Anyway, kailan pasukan niyo riyan? Nakapag enroll ka na?” takang tanong niya.

“Next month pa kuya, ’wag kang excited,” sabi ko.

“Sorry but same school ka pa rin ba mag aaral?”

“Ah yeah, ahm maybe,” sagot ko.

“How about kina Rhaven at Shane? Are they going to attend the same school you attended?”

“Yeah, but I think boring na yata sa Montello, gusto ko sana mag change school. Nakakasawa na makita ang mga pagmumukha ng mga schoolmates kong mukhang kulangot ang datingan,” nababanas na sabi ko sabay kamot sa batok.

“Ampt, ayan ka na naman sa pagiging maattitude mo kaya hindi ka nagkakaroon ng circle of friends eh,” aniya.

“Ke’t walang circle of friends, mabubuhay pa naman ako saka ’wag mo nga akong lecturan, ikaw nga rin eh,” usal ko.

“Good morning Mr. Brailee, it's time for your interview. Mr. Chin are waiting for you in his office. Prepare yourself.”

“Hey bro, out na muna ako, muntik ko nang makalimutang may interview pa pala ako kay Mr. Chin. Let's continue our talks later, pakikumusta nalang ako kina mom and dad, bye!” sabi ni kuya at mabilis pa sa alas kuwatrong i-end ang video call.

I sighed at tiniklop ang laptop. Humilata ako sa kama saka tumingin sa kisame. Mabuti pa siya, maayos ang kalagayan sa U.S. Puwede siya makapagtravel kahit saan and also may scholarship offer siyang natanggap mula sa tatlong companies, kainis. When kaya ako?!

*Tok* *Tok*

Awtomatikong gumalaw ang mga mata ko patungo sa pinto. Hindi ako nagsalita at nanatiling nakahiga sa kama. Sino na naman kayang istorbo ito?

“Sir? Nandiyan ka po ba?” Pamilyar ang boses na iyon, si Sheila.

Natatamad ako pero napilitan pa ring bumangon para lapitan siya. Ano kaya kailangan ng babaetang ito? Wala naman akong inuutos sa kaniya na kahit ano ha.

Rising Up TomorrowWhere stories live. Discover now