/8/ Villa's Bath House

96 15 30
                                    

08: Villa's Bath House

Keinzen's Pov

NEXT DAY. Walang tao rito sa bahay, tanging kami lang nina Shane, Rhaven at mga maid. Nagkukumpulan kaming magkakaibigan sa couch at naiinip na naghihintay ng kung ano.

Right. "Hindi kayo makakatakas sa 'kin, mga dumi kayo!"

Left. "Ayan, ayan, sige magsidikit kayo."

Right. "Malilinis ko rin ito at wala akong ititira."

Left. "Tabi, tabi, tabi, mga alikabok, dadaan ang mop."

"Ano ba iyan Zen, parang nakainom ng isang boteng gasolina ang maid niyo rito ha. Kanina pa siya mop ng mop, kaliwa't kanan. Paroo't parito, takbo doon, at takbo naman sa kabila, nahihilo na ako," reklamo ni Rhaven habang nakadapa sa couch. Nakasablay pa ang mga kamay nito sa couch arm.

*Sip* *Sip* "Oo nga, sobrang hyper niya noh, atat sa mga linisin kaya mas lalong kumintab ang mansiyon niyo simula nang dumating siya," sabi naman ni Shane na umiinom ng juice gamit ang straw.

"Ano bang alam ko?" pagtataka ko na halos bumaba na ang talukap sa mata sa kakapanood kay Sheila na pabalik-balik sa pagmomop. Kanina pa kaming tatlo rito pero wala pa ring nangyayari. Balak sana namin maglaro ng video game kaso blackout tapos lowbat pa cellphone at power bank ko. Hayst, malas.

Sinundot-sundot ni Rhaven ang likod ko gamit ang paa niya. "Patigilin mo na iyan baka wala ng matira na alikabok," utos niya kaya tinabig ko paa niya at sumandal sa couch. "Hoy Sheila, tama na iyan," sabi ko kay Sheila. Huminto siya at inosenteng tumingin sa 'kin.

"Bakit po sir?"

"Basta. Sa ibang area ka naman maglinis, 'wag dito. Ang linis na rito eh," sagot ko.

Ngumiti siya at lumapit sa 'ming tatlo. "Bakit ganiyan ang mga mukha niyo? Siguro bagot na kayo noh? Kung sa bagay, walang ilaw," sabi niya kaya binalingan ko siya na may blankong mukha. "Manahimik ka."

"Hehehe pasensiya na po. Ganiyan din ako minsan, nagboboring talaga ako kapag blackout pero nasanay na lang," masayang sabi niya. Masaya ba ang ganitong kalagayan? Tsk, I hope she get well soon. Nakakairita.

"Hay, hindi ko makausap ang bebe ko. Siguro naghahanap na iyon ng iba dahil hindi ako nagrereply sa mga chats niya," nababanas na wika ni Rhaven. Pa'no ba kasi, lowbat din ang phone niya.

"Tanga, wala ka namang bebe kaya huwag kang managinip ng gising," sabi ko.

"Meron 'wag kang kj, pahiram nga ng phone mo," aniya sabay kalabit sa damit ko gamit pa rin ang paa niya. "Lowbat nga ako, 'wag kang makulit, iitsa kita sa bintana eh," asar kong sabi at hinawi ulit ang paa niya.

"Urh, boring guys. Naboboring ako kapag walang phone tapos blackout pa. Anong dapat gawin?" reklamo niya.

"Puntahan mo na kasi ang Meralco," pang uudyok ni Shane.

Bumangon si Rhaven at lumingon. "So ako mag a-adjust? Ang tigas naman ng mukha nila, hindi ako papayag," iritableng sagot nito. Hindi yata na-gets ang sinabi ni Shane. Pabara-bara.

"What if ako nalang, uutusan ko sila dahil ako naman ang batas eh," sagot ko. Sabay silang tumingin sa 'kin at nakangising umasik. "Ewan ko sa 'yo, batas mo mukha mo," wika ni Rhaven.

"Sir, kung nababagot kayo rito, puwede naman kayong maglibang eh like magbasa, magluto, kumanta, at iba pa," singit ni Sheila.

"Too girly," I said.

"Teka, Zen, what if magbathhouse na muna tayo?" suggest ni Shane sabay lapag ng baso sa mesang nasa harap namin.

"Luh, mukhang masaya iyan ha, iyan nalang tutal ang init eh," sabi ni Rhaven.

Rising Up TomorrowWhere stories live. Discover now