/2/ They're happy family

95 19 1
                                    

02: They're happy family

Leichella's POV

Huminga ako ng maluwag sabay hawak sa dibdib ko. Grabe, bakit halos hindi ako makahinga kanina? Kakaiba ang awra niya para sa isang mahinhin na lalaki. Well, hindi yata iyon mahinhin, masungit eh.

"Anong gagawin ko ngayon? Bakit bawal ilabas ang mga stuffs na ito? Tinakot pa niya ako bago umalis ha." Ah siguro, itatabi ko nalang basta ang importante ay may space ako upang may matulugan. "Tama. Tama iyon nga! No choice eh."

Nakaramdam ako ng init sa katawan kaya naisip kong kumuha ng tali sa maleta upang itali ang mahaba kong buhok na nakakadagdag sa init.

"Okay, magsisimula na ako!" masayang sambit ko.

Nag unat-unat muna ako, bilang panimulang ehersisyo saka nagsimulang magligpit ng mga kalat at dumi rito. Halos Isang oras at kalahati bago ako natapos sa paglilinis.

Muntik na akong maligo sa pawis pero buti may nadala akong tuwalya kaya nakapagpunas agad ako.

Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang paligid. Wala akong kahit anong binago rito tulad ng babala sa 'kin ng anak ni ma'am Dizon, hindi ko alam pangalan niya, nakalimutan kong tanungin bago siya umalis, pero hayaan mo na, malalaman ko rin iyon soon. Hehe.

Itinabi ko lahat ng mga pinaglumaang gamit ni Ella at inalis ang sandamokal na alikabok.

*Tok!* *Tok!*

Bahagya akong napatayo at sinipat ang paningin sa pinto. "T-Tuloy po!" Maybe si ma'am Dizon or 'di kaya si sir.

Bumukas ng dahan-dahan ang pinto at iniluwa roon ang isang babaeng may katandaan na. Nakasuot siya ng maid clothe for adult.

"Magandang umaga po!" magalang kong bati.

"Magandang umaga, iha. Ako si Pricheska, isa sa mga yaya rito. Naparito ako upang iabot ito sa 'yo, ito ang isusuot mo kapag magsimula ka nang magtrabaho," anang aling Pricheska sabay abot sa 'kin ng nakatuping maid dress.

Malugod ko iyon tinanggap at tiningnan. "Isukat mo kung kasya, kung hindi, papalitan ko ng mas malaki," utos niya.

Hindi ako nagdalawang isip pa bagkus isinukat sa loob ng banyo rito sa kuwarto.

Pagkatapos kong isukat, lumabas ako upang ipatingin sa kaniya. "Hmm, look good. Mukhang kasya naman sa 'yo, hindi na kailangang palitan, 'di ba?"

"Opo kasya na po ito sa akin, maraming salamat," masiglang sagot ko.

"Walang anuman. Ah teka, Leichella, ang pangalan mo tama ba?"

"Opo, iyon nga."

"Maligayang pagdating dito sa mansiyon ng mga Villacorte. Nagagalak ako't napili mong magtrabaho rito," sabi niya.

"Ako rin po. Ahm, tutal tapos na po akong maglinis dito, puwede na ba akong magsimula mag trabaho?" tanong ko.

"Kumain ka na ba?" pag iibang tanong ni aling Pricheska.

Napakamot ako sa ulo. Ngayon ko lang naalala, hindi pa pala ako kumakain since kahapon. Naging busy ako sa paghahanap ng mapagtratrabuan kaya nakalimutan ko.

"H-Hindi pa po eh," nag aalangang sagot ko.

"Kung ganoon, sumunod ka sa 'kin," tugon niya. Sumunod ako at sumabay sa kaniyang paglalakad patungo sa kusina. Kusina lang ito pero ang lawak, parang kasing laki na ng bahay namin.

"Bago umalis si ma'am Dizon, sinabi niya sa 'kin ang tungkol sa 'yo kaya nandito upang asikasuhin ka saglit. Una, kailangang nasa kondisyon ang katawan mo bago ka sumabak sa trabaho, mahirap na, baka bigla kang mahimatay sa kagutuman, ayaw namin ang ganoon," anang aling Pricheska at naghanda ng pagkain para sa 'kin.

Rising Up TomorrowDonde viven las historias. Descúbrelo ahora