/7/ The cat in the basement

103 15 0
                                    

07: The cat in the basement

Leichella's PoV

Ano na kayang nangyayari? Nakarating kaya ng ligtas si sir Keinzen sa company building ng parents niya? At ano ang ginawa nila sa kaniya? In hurry naman kasi ang pagtawag ni ma'am Dizon, hindi ko tuloy natanong kung bakit niya pinapapunta roon si sir kaya nakabusangot tuloy iyong umalis at idagdag pang napilitan.

“Leich!” Napatayo ako ng diretso nang marinig ko ang boses ni aling Pricheska. Kanina pa pala ako nakaupo rito sa couch, hinihintay ko kasing makauwi si sir. Muntik ko na makalimutang maid lang pala ako rito, huhu.

Lumingon ako sa kaniya na may blankong mukha. “P-Po?” nauutal pa.

“May ginagawa ka ba riyan? Magpapatulong sana ako sa iyo sa pagluluto.” Umiling ako. “Wala po.”

“Halika sa kusina, need ko katulong. May ipapahiwa ako sa ’yong mga ingredients,” utos ni aling Pricheska. Hindi ako tumanggi kundi masayang sumunod at sumama sa kusina.

Inilatag niya sa harap ko ang iba’t ibang ingredients na gagamitin like patatas, carrots, sibuyas, white onions, at iba pa. Mukhang mamemenudo siya.

“Hiwain mo ang lahat ng iyan sa maliit na piraso pero ’wag masyadong maliit, tama lang para maluto agad,” bigay instruction ni aling Pricheska. “Opo, ako ng bahala rito,” sagot ko at kumuha ng kutsilyo knife case. Inuna kong balatan at hiwain ang mga patatas habang si aling Pricheska nama'y nagpapakulo ng manok.

Napansin ko, wala sina aling Elona, Rossie at aling Felisha kaya nagtaka ako’t nagtanong kay aling Pricheska. “Ale, bakit wala po ’yong tatlong maid dito? Nasaan sila?”

“Nandiyan lang ang mga iyan, naglilinis siguro,” sagot niya na nakatuon ang mga mata sa niluluto.

“Ah ganoon po ba pero bakit ang tahimik?”

“Hindi ko alam,” kibit balikat niyang sabi. Hindi nalang ako umimik at itinuon ang atensiyon sa paghihiwa.

Sa isang saglit, sumulpot si aling Elona na may dalang maliit na timba at mukhang galing siya sa labas at nagdilig ng mga halaman dahil nakikita ko pang basa siya na may bahid ng putik sa mga kamay at maid clothe niya. “Magandang umaga po, aling Elona,” bati ko at kumaway.

Tumango siya’t ngumiti. “Magandang umaga, miss Leichella. Anong ginagawa niyo?” takang tanong niya sabay lapag ng balde sa ilalim ng lababo.

“Nagluluto po kami,” sagot ko.

“Ng ano?”

“Menudo, Elona!” si aling Pricheska ang sumagot.

“Wow, mukhang masarap iyan ha, puwedeng sumali?”

“Sige, mabuti nga iyan para matapos agad ito.” Aling Pricheska.

Tinapos ko ang maghihiwa ng patatas at pagkatapos ay inabot ko kay aling Elona para mahugasan. “Elona, nasaan nga pala sina Rossie at Felisha?” tanong ni aling Pricheska.

“Nasa library room si Rossie, ibinabalik ang tambak na mga libro ni sir Keinzen at si Felisha, nasa banyo, naglilinis,” sagot nito.

“Ah mabuti.”

“By the way, si sir Keinzen, bakit wala siya?”

“Pumunta lang po iyon sa company building ng parents niya,” sagot ko.

“Kanina pa?”

“Opo, and sa tingin ko pauwi na iyon ngayon,” at pagkasabi ko no’n, sakto nama’y kararating lang din ni sir Keinzen. Tulad ng pag alis niya, nakaboxer pa rin siya at nakasando. Ibang klase, nakaya niya na ganiyan lang ang suot?!

Rising Up TomorrowWhere stories live. Discover now