/1/ Who are you?

109 20 11
                                    

01: Who are you?

Leichella's POV

Pagkatapos akong palayasin sa bahay, nag ikot-ikot ako sa Thalia upang maghanap ng maaaring mapasukang trabaho. Hindi ako puwedeng tumunganga rito kundi wala akong kakainin.

May nakita akong isang bakery, sa kabilang side ng highway. Nagmadali akong tumawid at nagtanong sa nakaassign na bread seller na babae. "Hi po, magandang umaga, ako po si Leichella, naghahanap po ako ng puwedeng mabakantihang trabaho, meron ho ba kayo?" magalang kong tanong.

"Wala! Umalis ka na!" masungit na sagot niya.

"Pero marunong po ako maghugas at magmasa ng tinapay, puwede po ako!" sabi ko.

"Sinabing wala kaya lumayas ka na, iniistorbo mo ang mga costumers namin!" anang babae. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko ang mga mamimiling nakapila.

Awtomatiko akong tumabi at naglakad paalis doon. "Hmmm, ano pa kayang puwedeng trabaho ang puwede para sa 'kin? Ang sungit ng babaeng iyon ha, kala naman niya wala akong magagawa." Napasapo nalang ako sa noo habang nakayukong nag iisip kung saan pa ba ako pupunta.

Maya-maya, may nakita akong maliit na karendirya, hindi siya gaanong malayo sa bakery shop kanina. Napangiti ako sa tuwa, baka may chance ako roon.

Pagdating ko, nilapitan ko agad ang matandang lalaking. "Hi po, magandang umaga, ako po si Leichella, naghahanap po ako ng trabaho, puwede po ba ako rito?" tanong ko.

Tumigil sa pagsandok ng ulam ang matanda at tiningnan ako. Inayos ko ang ngiti ko, mas masaya kumpara kanina baka sakaling matanggap ako. "Pasensiya ka na iha, ngunit hindi kami nangangailangan ng katulong, kami ng asawa ko'y sapat na para pamahalaan ang ito at saka kahit pumayag ako, wala naman akong ipapasweldo sa 'yo dahil maliit lang naman ang kinikita namin eh," sabi niya.

"Ganoon ba, eh okay lang po iyon, kahit libreng pagkain nalang po, okay na!" sagot ko.

"Ah, t-teka an------" naputol ang nais sabihin ni manong nang magsalita ang kanyang asawa.

"Nestor, sino ba iyan? Hindi ito ang oras para makipag usap ka sa kung sino-sino, magfocus ka sa trabaho!" singhal nito.

"Oo, pasensiya na mahal!" sagot ni manong at muling tumingin sa 'kin. "Pasensiya na iha, pero sa iba ka nalang maghanap, sige na alis na," aniya.

"P-Pero p----"

Hindi ko na natapos nang abutan niya ako ng bente pesos. "Tanggapin mo iyan, pambili ng makakain, basta't umalis ka lang!" sabi niya.

Tulad ng nauna, umalis na rin ako roon. "Ang malas nga naman, walang may gustong tumanggap sa cute na tulad ko? Sayang!" sambit ko.

Nagpatuloy ako sa paglilibot hanggang sa madala ako sa isang eskeneta, maraming nagkukumpulang tao, karamihan sa kanila'y may hawak na tig iisang libo.

"Ah excuse me, anong meron?" tanong ko sa lalaking blonde ang buhok. "Spider fight!" sagot niya.

"Spider fight?" sambit ko at sumilip. May dalawang gagamba ang nagsasaputan sa walis tingting. Hawak ito ng lalaking may hikaw sa tainga. Saglit kong pinanood ang laban, medyo boring kaya umalis ako pagkatapos.

Suminghap ako ng malalim. "Ano ba 'yan, wala na bang ibang trabaho? Nakakatamad na," sabi ko. Nanghihina na rin ang mga tuhod ko sa paglalakad, masakit na mga paa ko, at nangangalay ang mga kamay. Kanina ko pa dala-dala ang dalawang pares kong maleta.

"Saan na ako pupunta?" tanong ko sa sarili.

Habang nagmumukmok ako, biglang umihip ang malakas na hangin sa paligid. Tumingin ako sa mga alapaap. "Maganda ang panahon." Iniharap ko ang mukha ko sa harap at sakto nama'y tumama sa mukha ko ang isang papel na tinangay ng hangin. Mabilis ko iyon kinuha at tiningnan.

Rising Up TomorrowWhere stories live. Discover now