II

326 18 0
                                    

"Shit!" Mura ko ng puro patay na dahon ang maapakan ko bago maka punta sa gate. Sa dinami dami ba naman kasing tatambayan, doon pa sa malinis na daan. Dito sa likod na halos 'di na makita ang daanan dahil sa mga layang dahon, hindi nalang dito pumesto!

Wala akong choice kaya nag simula na akong maglakad. Isang apak may halong tunog, yung tipong parang kumakain ka ng crunchy na chips. Ganun yung tunog pero mas malakas pa!

Napalingon ako sa likod ko at nakitang nakatalikod naman ang werdong iyon. Humakbang ulit ako pero hindi ko na tinanggal yung tingin sa isang yun. At dahil nga maingay kada yapak ko, gumalaw yung dalawang braso niya. Napahinga naman ako ng malalim ng tumigil, pero kinabahan ako ng unti unting bumabaling yung ulo niya sa akin! 180 degrees! Wala na atang buto yung leeg, bat nagawa niya yun?!

At dahil ayoko pa mawala, tumakbo na ako ng mabilis. Yung tipong magiging ninja ka, at tinalon mo na lang yung bakod na walang kahirap hirap. Kung ako nga, na ako mismo yung tumalon ay nagulat! Think! Around two meters yun! Think!

Nakakapagtaka lang, lock yung dalawang gate namin bago ako makapunta dito tapus may nakapasok? Nauna pa saakin? Tas pag pasok ko, nakalock din yung gate? San 'yon dumaan? Lumipad? Tinamaan ng bato at nahulog sa bahay namin? Hoyyy!!

"Grrrrrrrrrg!!" Partidang bali bali yung buto sa kada hampas ng humahabol sa akin kanina sa gate? Nag cause naman ito ng napakalakas na tunog! Masyado ng nakaka attract! What if madami ng katulad niya dito? Baka ma-attract din sila sa ginagawang ingay ng isang 'to?

Hindi pa ako nakakabawi dahil sa pagod ay agad din akong lumayo sa bahay namin. Baka magtawag iyon! Jusme! Luging lugi na nga ako sa kompanya, tas pag uwi ko dito para ipahenga muna yung utak ko pero bakit mas lumala pa!!

"Bwesit, nakalimutan ko nanamang may sugat ako!" Angal ko sa kawalan, masyado naman atang tahimik dito? Nasa highway na ako, papunta na 'to sa napakadaming bahay. Syempre nauuna ang bahay namin kesa sa barangay.

Dapat nga e, maingay sila dahil napakadaming bahay sa paligid. Hala!

"T-tulong! Pa-parang awa!!!" Sigaw ng kung sino, bwesit nasa dulo ng daan ko yun narinig! Tumakbo ako papunta don, at naabutang nakahandusay sa daan ang isang matandang babae!

Kasakay ko 'to sa bus ah!? Pa-paanong?! Teka, so ibig sabihin may buhay pa don! Pero ang sabi sa balita, walang tao sa loob ng bus, at ang inakala ko naman lahat sila naging katulad na ng batang 'yon!

"Grrrrarrrg!" Ungol ng babae, nilapitan ko siya para tulungan. Ibinaba ko muna ang bat na hawak ko para i-assist siya paupo. Kinakabahan ako habang unti unting idinadapo ang kamay ko sa balikat niya. Ba't parang, may mali?

Hahawakan ko na sana ang kamay niya ng inangat niya ang mukha niya para makita ko ang buong mukha niya. Pinagpapawisan ako ng malamig, sobra sobra! Wala akong pasma pero bat meron na!? Hindi aabutin, malayo ang bat sa pwesto ko!

Mas kinabahan ako ng sakmalin ako nito na dahilan para mabuwal ako! Ngayon ay nasa taas ko na siya, at dahil parang mas matulis pa sa kutsilyo ang ngipin niya ay sinakal ko na. Ayoko pa makagat 'no! Dahil sa pawisan nga ang kamay ko ay dumulas ang pagkakasakal ko! MAMA!!

"Bwesit!!" Sinasakal ko siya habang inaabut ang bat na nasa taasan ko. Kailangan ko pang igalaw ang paa ko para malipat ako ng pwesto pero dahil nasa ibabaw ko nga ang demonyetang ito, kulang pa ang pwersa sa ginagawa ko!

Feeling ko rin ay hindi na kakayanin ng isang kamay ko ang pananakal sa kaniya. Masyado niyang idinidiin ang sarili sakin para makagat lang ako! Ang buong akala ko ay lamok lang ang kumakagat!!

Kahit hindi kaya, inabut ko parin ang bat nagbabasakaling nasa malapit ko na. Sa wakas ay nahawakan ko ang kaduluhan nito, pero kailangan ko mahawakan ng buo!

Optimasksus (Zombie Apocalypse) [COMPLETED]Where stories live. Discover now