XX

110 8 0
                                    

"Are you really sure na si Asani lang ang sasama sa inyo? Pwede din naman akong sumama. Ako 'yong nag suggest e!" Parang batang ngumuso naman si Zel. Pupuntahan namin sila Amara para sunduin sila pati ang mga baril din.

"Isama niyo na kasi ako!" Parang bata talaga siya na gustong sumama sa magulang. "Isama niyo na siya, son. Ayus naman kami dito." Aniya ni tito. Napatingin naman kami sa kaniya.

Tumango itong katabi ko. Halos magtalon talon pa sa tuwa itong si Zel. Pumasok na kami sa loob ng bus.

Sinabi naming may survivor sa pupuntahan namin at nasa labing isang katao kaya naghanap agad sila ng bus.

"Baka magabihan po kami." Aniya ko. Nasa alas otso na ng umaga. Yumakap muna ako kila mama at papa. I can't see Anton mula pa kanina. Natutulog pa ata.

Binisita ko siya kagabe sa kwarto niya at naabutan kong mahimbing na natutulog. Napagud ata ng sobra sobra.

"Mauna na po kami," Bitaw ko sa pagkakayakap. "Mag-iingat po kami, wag kayong mag-alala ng malala. Walang open'g hospital dito." Biro ko, nakikita na sa mukha nilang nag-aalala na agad sila kahit hindi pa kami umaalis.

"Sasama ako!" Sigaw ng kung sino sa likuran nila mama. Napailing nalang ako ng makitang si Anton iyon.

"At bakit?" Nakataas kilay kong tanong.

"Pa, oh!" Sumbong niya kay papa. Isa pa 'to e! Isip bata din! "Ako ang proprotekta sayo! Wala ka pa namang experience sa close combat." Nagmamayabang niya sabi. Kung alam mo lang! Ha! Ha! Ha!

Ngumiti ako ng makahulugan. "Papa sige na oh!" Nagmamakaawa pa siya kay papa. Napabuntong hininga naman siya, no choice. Duh! Papayag 'yan kung konektado ang rason saakin! Kung alam niyo lang po, hindi na ako bata!

"Anak, walang laban ang close combat mo sa mga bounts baka makagat ka lang. Stay. May protector na ate mo." Tumango tango pa sila mama at tita. Habang sila papa at tito ay nakapikit na parang tinatanggap nilang talo sila.

What's the meaning of this, huh!?

"Extra lang naman, baka malipat 'yong protector niya. Ganun, sige na papa!" Para siyang nagkasala at humihingi ng pasensiya sa magulang dahil sa inaakto niya.

"Baka mawala ka nanaman! Nagpilit ka ding sumama saamin nung uubusin namin 'yong mga bounts sa gate!" Aniya ni papa.

"Uh!" Pang-aasar ko sa kaniya. "Too bad, you can't come with us. You're bad at directions." Malokong ngumisi ako.

"Ahh basta sasama ako." Nagulat kami ng padabog siyang pumasok sa loob ng bus. "Bumaba ka diyan, Anton!" Sigaw ko. Lakas, 'di nga pinayagan pero masusunod talaga ang gusto niya.

"Hayaan mo na, pasamahin mo na lang. Wala na tayong magagawa kung nag gaganyan ganiyan na siya. Alam mo naman." Aniya ni mama. Napabuga nalang ako ng hininga. Ang tigas talaga ng ulo nitong impaktong 'to!

"He's reckless, baka ikaw pa prumotekta sa kaniya. Do your best, anak!" Napangiwi ako sa sinabi ni mama, pumasok na ako sa loob. Akmang sasapukin ko na si Anton dahil sa kainisan pero hindi ko nalang tinuloy.

Umandar na ang bus. Naghahanda kami sa papalatit ng laban. Kung may hawak silang mga bounts nasa advantage sila. Rarami sila habang kami ay kakaunti lang ang nag presinta. Kalalakihan ang iba sa kanila. Matatanda, binata, mid-thirties.

Ilang oras lang ang byahe kung walang magiging problema sa daan. Rinig kong nag-uusap si Asani, Zel at ang kumag kong kapatid.

"Favorite mong character sa One Piece?" Tanong ni Asani. "Akin iyong King of Hell, zoro." Dagdag pa niya.

"The Surgeon of Death, Law!" Nakasiyahan pa sila ng sumagot ang kapatid ko. Kagabe lang ay tahimik itong dalawa sa bahay nila tita ah? Natulog naman agad si Anton kagabe, ba't close na 'yang tatlong 'yan?

"Red-haired Shanks!" Mas umingay sila. Hayy, si Don-don ang nagdra-drive ng bus habang ako nasa ikatlong couch sa unahan. Nasa likod sila kaya hayahay silang mag-usap.

Nadaanan din namin 'yong hardware na hinintuan namin nuong isang araw. Wala pang ala una ay nakadating na kami.

Pinagbukas kami nila Amara ng gate. Kinamusta muna kami nila pagkatapus ay inayang kumain.

"Asan si Tena?" Tanong ni Aira. "Nandoon na siya sa station 11. Susunduin kayo namin. Mas safe doon, dahil walang mga bounts. Kailangan din namin ng baril para sa proteksiyon. May magaganap kasing away." Kwento ko at nagpatuloy sa pagkain.

"This is Asani and my brother, Anton." Sabay turo sa kanila. Ng pumunta kami dito ay hindi nila sila kasama kaya baka nagtataka sila.

"As what you talked that night." Hindi ko namalayang tinigasan ko ang pagbigkas sa salitang 'that'!! Lahat sila napatingin sa akin na may kinakabahan titig maliban nalang kila Asani at Anton na naguguluhang tumingin saamin.

"Bumalik kami para isama kayo. Maghahakot tayo pagkatapus nito." Aniya ko, binaliwala ang tingin nila.

"Ano ba pinag-usapan nila nung gabing iyon? Ba't parang tense sila?" Inosenteng tanong ni Asani habang naghahakot kami ng kahong kahong baril. Ang mga lalaki naman ay nagbubuhat ng mga sakong bigas papuntang storage ng bus. Mga canned goods naman ang hinahakot nila Gillian. Habang sila Amara ay tumutulong din sa paghahakut ng baril.

"Wala naman." Sagut ko.

Pumasok na kami sa bus, nakalimutan naming sirado pala ang gate kaya binuksan iyon nila Zel at Anton. Kinabahan ako ng makita ang nagdadamihang bounts.

Dali daling tumakbo sila para  makapasok sa bus. Sinupurtahan ko naman ang likod nila habang tumatakbo sila. Nagbaril baril ako sa bintana.

Dali daling tumakbo sila para  makapasok sa bus. Sinupurtahan ko naman ang likod nila habang tumatakbo sila. Nagbaril baril ako sa bintana.

Nang makapasok ay nagpapanick kami. "Close the windows!" Sigaw ni Don-don mula sa driver seat. "Kumapit kayo ng maayus!!" Dagdag niya. Agad naman kaming umupo at kumapit sa pwedeng kapitan ng mahigpit.

Nagagalaw na ang bus dahil sa ginagawang pagbunggo ng mga bounts dito. Sumasakit ang ulo ko! Natigilan kami ng magsimulang umandar ang bus.

Ginawang highway ang mga nasasagasaang bounts! Wala na kaming oras para mag reklamo. Iyon na lang ang merong daan kami para umabot sa pinaka highway.

Nasa paakyat na kami patungo sa highway ng mas rumami pa ang dumating. Natutulak ang bus pabalik dahil sa mga bounts. Ang iba ay nahuhulog na sa baba.

May isang bounts ang dumikit ang mukha, nakakatakot ang mukha nito. Naaagnas na din at may kung anong gumagalaw dito.

Gusto kong masuka sa nakikita. Dumagdag pa ang sobrang lapot na laway nito na dumidikit sa salamin.

Dumilim ang buong bus. Napunpunan na kami ng bounts! Paano na kami aalis? Katapusan na ba? Ayoko! Hindi ako papayag!

Kumuha ako ng baril, hindi ko alam kung anong klase basta baril. Dalawang kamay ay may hawak na baril.

Binuksan ko ng kaunti ang binta namin para makalusot ang baril. Nang pumutok ay may kasabay na pagsabog sa harapan namin.

Lumiwanag ang nasa harapan at kitang unti unting tumutumba ang mga bounts sa daan. What's happening?!

Walang sinayang na oras si Don-don at pina-andar niya na ang bus. Wala ni isang sira sa highway ng makaahon kami. Ano 'yun? Smokescreen? Ba't natumba iyong mga bounts? Poisonous ba 'yon? Hindi naman ata gagana ang lason sa kanila dahil patay na ang buong katawan nila. Then paano?

Ang daming katanungan sa utak ko. Sino 'yon? Saan sila nanggalin? Bakit hindi namin sila nakita? Sa harapan wala. Sa likod wala. Sa gilid ay wala. Anong meron sa pasabug na 'yon?

Ng makalayo ay biglang huminto ang bus. Naguguluhan akong tumingin kay don-don. Nakita ko ding tumitingin siya ng diretso sa harapan. Tinignan ko agad kung ano iyon. Napatayo ako sa nakita.

Sila ba 'yong tumulong saamin?

Optimasksus (Zombie Apocalypse) [COMPLETED]Where stories live. Discover now