XIV

105 11 0
                                    

Clingy!

Ilang oras na ang byahe namin. Kami nalang ng driver ang gising, alas tres y 'medya na ng hapon. Natutulog ang iba, hindi ko magawang matulog dahil sa bumabagabag sa kalooban ko.

I didn't even know why i'm acting like this. Such a pain. Halos mabali na ang leeg ko sa kakatingin sa labas.

I saw how the trees dance as the wind passed them. How pretty the sun in that position. Masyadong matatayog ang puno at nahaharangan nito ang araw pero kita parin.

Ramdam ko din na sariwa ang hangin habang lumilipad ang mga ibon sa langit. Pero natigil ng maalala ang nangyayari sa mundo. Though, hindi ko pa alam kung pati na sa ibang bansa ganito na din ang nangyayare.

Sa tagal kong tumitig sa labas ay may nakita akong nadaanan naming hardware.

"Stop the car, and turn around." Aniya ko habang hindi pinuputol ang tingin sa nakita, baka bigla nalang kasi mawala! I mean... kanina lang ay sinabi kong kulang lang ako sa tulog! So baka namamalikmata lang ako.

Mabuti naman at mahina ang paandar ng van kaya hindi gaanong malakas ang pagpreno. Ang buong akala ko pa naman ay hindi ako narinig! Ang layo na namin doon e!

Pinaandar niya na pabalik ang van. Sigurado akong nagtataka siya sa inaasta ko. Tss!

"Stop." Sabi ko at agad namang huminto ito sa harapan ng hardware. Kinuha ko ang bat ko at lumabas. Narinig ko pang nagtanong si don-don kung ano ang gagawin ko dito.

"Wake up the boys." 'Yon lang ang sinabi ko at lumakad na papuntang pintuan ng hardware. Hawak ko ng maigi ang bat ko. Handa sa kung ano ang mangyare.

May narinig naman akong bumukas. Napatingin ako sa likod ko at nakitang lahat sila lumabas. I mean... hindi kasama si Tania. Pinaikli ko na lang, nahahabaan ako sa pangalan niya e.

Agad naman silang umalerto at lumapit saakin. Nang makalapit ay kaniya kaniya silang kunot ng nuo. Anong titig 'yan, ha?

"Anong gagawin natin dito?" Zel's brows intersected, may sinabi ba akong sumama ka? Lalake lang 'yong pinagising ko, inabala pa 'yong natutulog na mga babae!

"May kukunin tayo," sagot ko. "At 'di ba, sinabi ko sayong gisingin lang ang mga lalake? Bakit pati babae? Alam mo namang mas madaling napapagod ang babae kaya kailangan makapagpahinga agad?" Sermon ko dito kay don-don. Umirap pa ako ng isang beses.

"Then you should too, kung makaasta ka para kang lalake. Kami na ang kukuha, sabihin mo nalang kung ano. Hindi ka din natulog kanina, kaya pagod ka. Kakagaling mo palang din naman." Balik sermon nito saakin. Abay? Huh! Umirap ako, ayaw makinig sa kaniya. Pinabalik ko nalang sa loob si Tena, si Asani naman ay ayus na daw siya. Saka gusto niya akong samahan, baka may mangyareng hindi daw maganda.

I slowly open the door. It's dark inside, lumiwanag naman kahit kunti ng mas ibuka pa nila Zel ang pintuan.

Kinapa ko naman ang switch sa tabi, bumukas ang ilaw! Feeling ko ay mas ayus sana kung hindi namin binuksan, pero andito na e.

"Ano ang kukunin?" Si William, habang nag aabang sa sasabihin ko. Tinignan ko muna ang paligid, masyadong malinis baka may tao pa dito at baka makasuhan pa kami ng trespassing!

"Mag masid muna kayo kung may tao ba o wala, mahirap na baka makasuhan tayo ng trespassing!" Sabi ko pa, ngumisi naman itong mga nasa harapan ko.

"Who would be? Sa ganitong pangyayari pa talaga?" Nakaka-asar ang tono ng pananalita nitong si don-don! Pwedeng pause muna? Sasakalin ko lang siya.

"Tss," singhal ko dito. "Kung wala, kumuha kayo ng tabla para sa pantahib sa mga bintana ng van. Para double safe ang byahe natin. Pwede din nating ibahin ang loob ng van dito pero mag co-consume ng time. Ang akin lang ay para magcomportable tayo sa loob." Dagdag ko. Umirap ako dahil titig na titig itong nasa harapan ko sa 'kin. 'Di ba nangangalay ang mata niya o nagsasawa manlang sa kakatingin sa isang mukha?

"Sa dami natin, matatapus natin 'yon. Overnight, may oras pa naman." Aniya nito, tumango tango naman itong mga nasa tabi niya. Tumingin ako kay Asani.

"Well, as you said. Comfortable, i like that." 'Di nagtagal ay tumango tango na din ito. Huminga ako ng malalim.

"Then," Hinarap ko ng maayus si Zel, sumaludo naman itong batang 'to. Nakakatawa, "Get the van when we're done checking the area." Aniya ko, lumakad na ako sa kanang bahagi. Sumunod naman saakin si Asani. Hindi na ako lumingon kung saan ang punta ng tatlo.

"Ang cool mo talaga, isa ka bang president noong highschool ka? Galing mo magpasunod!" Magiliw na kwento ni Asani, ngumiti ako. Ang totoo ay ayokong nasasali ako sa mga officer na mga ganiyan. Masyado akong nagfocus sa mga lessons ko, ayokong naiistorbo dahil pamanage manage na ganiyan.

Pare-parehas lang kami ng kaibigan ko noon. Ganun parin nangyari sa collage.

"Hindi, ang totoo ay ayoko ko ng mga ganun." Pag amin ko pa. 'Di na ako magugulat, isa ako sa mga taong matipig sa kahit anong bagay. Siguro dahil sa organisadong tao ako ay naayus ko ng mabuti ang lahat.

Tumango tango naman siya, naintindihan kaagad ang ibig kong sabihin.

Nagpatuloy nalang kami sa pagmasid kung merong makita. Nang wala ay napag desisyunan din naming bumalik nalang. Nasa may pinto na kami.

Nakita naming pumasok si Zel sa van, maya maya lang ay umandar ito. Malawak na klase ang hardware na 'to. Siguro ay pinapasok nila ang mga aayusin at doon nalang sa loob aayusin.

Dumating si don-don at tinulungan si William na palakihin pa ang pagbukas ng pintuan. May nakita ba silang paglalagyan ng van?

"Sa may pinuntahan namin ate, may mga paayusan ng kotse. Doon po ilalagay ni Zel ang van. Kompleto din ang mga kagamitan para sa pag aayus." Kwento ni William. Napatango naman ako.

"Wala ba kayong nakitang tao or bount?" Tanong ko, kaagad na umiling si William.

"May pinatay ako, magkapatid ata 'yon." Mapanuring titig ang natanggap niya mula saakin. "Bounts, don't worry. Hindi tao 'yun." Dagdag pa nito. Umirap naman ako, saktong dumating sina Tena at Tania. Agad naman pumalupot sa balikat ni don-don si Tania.

Seriously? Pwede namang lumapit lang, required ba talagang pumalupot sa braso? Like— aherm... I mean, buhay nila iyon!

Agad naman kaming nagsimulang kumilos para kaagad ding matapus. Nang sumapit ang gabe, tinulungan ni Tania si Tena magluto kesyo gusto niyang matikman ni don-don ang espesyal 'kuno' na linuto niya.

Si Zel at Don-don ang nasa loob, sila ang nagbabaklas ng mga nasa loob ng van. Saktong nag aya sina Tena na kakain na daw ay natapus ang pagbabaklas.

Agad namang pumunta ang lahat maliban saakin na inaayus ang mga gamit na gagamitin sa susunod na gagawin. Tinatawag na din ako ng iba kaya ng matapus ay pumunta na ako at kumain na.

"Masarap!" Puri ni Zel sa luto ni Tania. Umirap naman ako habang kumakain. Well, walang halong kasinungalinang sabi ni Zel. Totoong masarap.

"That's her speciality, cooking." Nakangiting sambit ni William. Walang isda pero bakit fishy? Corny mo Leiarhha.

Nagpahinga muna kami ng ilang minuto bago magsimula ulit. Ang buong akala ko ay hindi tutulong si Tania dahil nga maarte ito at takot madumihan! Nakakagulat na siya pa mismo ang nagbibigay ng mga kailangan ni don-don!

Like— shut up, Leiarhha. Sumusubra na isip mo! Ano ba kasing nangyayare saakin!!

Hindi namin namalayan ang oras dahil masyado kaming focus sa ginagawa. Focus sila. Iba 'yung nasa utak ko e! All the time ba naman ay nasa malapit ni don-don si Tania. I'm not against of that pero may ginagawa 'yong tao, oh!

I said—stop thinking like that! Pake mo ba sa kanila? I mean... tumutulong lang naman siya kay don-don hindi niya nilalandi—so ano naman?!!

Nakakapagod. Bandang alas tres na kami ng madaling araw natapus. Mas dumagdag ang pagod ko dahil sa kakaisip ng mga walang kwentang bagay!

Gusto ko na matulog, ayaw na kumilos ng buong katawan ko! Dahil kasi sa kakaisip ng kung ano ano ay itinuon ko ang sarili sa pagtratrabaho. 'Yong trabaho sana ni Asani ay ginawa ko na. Pang pa busy lang, ayaw ko mag isip ng mga ganun kahit ngayon lang. But seeing them, wala na lahat ng pakabisi-busy-an ko.

'Di ko naman namalayang nakatulog na pala ako. Naramdaman ko nalang na may nagbuhat saakin at inihiga ako sa may malambot na higaan. Makakatulog ata ako ng maayus ngayon.

Optimasksus (Zombie Apocalypse) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon