XIX

102 10 0
                                    

I'm on my raging mood. I can't believe that kid! How can he leave when he already know how dangerous the outside! Pagnakita lang talaga kitang bata ka! Malilintikan ka! I'm not the only one who's worrying here, you know!

Nagpalakad lakad ako at saka ay babalik din agad.

"Anak kalma lang!" Aniya ni mama. Umiling ako ng marahas. "How can i mama? When i already know how reckless my brother is?!" Nagpatuloy lang ako sa pagbalik balik.

"Mapapagod ka lang ija, maupo ka kaya muna?" Aniya ni tita. Umiling ako. "Basta sa gate niyo lang siya nakita?" Tanong ko, tumango naman si tito.

"May flashlight ba kayo dito? Pahiram naman, maghahanap lang ako sandali." Tumigil ako sa pabalik balik at tumingin sa kanila.

"That's crazy Leiarhha! At this night?! Kung sa umaga nga na maliwanag ay hindi namin mahanap hanap! Bakit? Telescope ba 'yang mata mo? Kung saan saan umaabot?" Aniya ni papa at napatayo na rin.

"Ralph, wag mong ganyanin ang anak natin! Gusto niya lang hanapin ang kapatid! Hindi naman ata siya lalabas ng gate!" Si mama, nagsasalubong na din ang kilay.

"Wag ako Linda! Kung anak ang pag-uusapan, ako ang masusunod!" Sagot naman ni papa, ano 'to? Mag-aaway ba sila? Sa harapan ko mismo?

"Anong ikaw? Mag-isa mo lang ba ginawa? Papayag ako kung oo!" Si mama naman ayaw magpatalo. Nagtanong lang ako ng flashlight, ganito na ang kinahinatnan!

"Kasi kung ikaw, lagi mo nalang kinukunsinti ang anak mo. Kung ano ang gusto sunod ka din. Babae ang anak mo! Paano kung mapahamak 'yan? Si Anton may laban, malaki ang katawan, may experience sa judo. At isa pa, lalake!" Oh? Kung kanina hindi ako pinagtanggol dahil takot, ano 'to?

"Pa, ma. Tumigil na kayo, kaya ko na ang sarili ko." Mahina at malumanay kong sabi. Pareho silang tumingin saakin. 'Yung tingin na lumabas-ka-kundi-malalagot-ka.

"E kung ayaw niyo akong payagan, magsabi lang kayo. Hindi iyong mag-aaway pa kayo diyan sa harapan ng maraming tao." Aniya ko, nagsalubong ang kilay.

"She's right, Linda, Ralph. May mga bata sa tabi, nakakakita sainyo." Tita Jess agreed to me.

"Umupo ka muna, pare." Tumayo si tito at inalalayang umupo si papa. Huminga ito ng malalim.

"I'm sorry, honey. Nadala lang ako, kadadating lang ni Leiarhha. Ayaw ko namang mapahamak siya, ang gawain ng ama ay protektahan ang prinsesa niya. Hindi iyong mas inilalapit pa siya sa kapahamakan." Pagpapaumanhin ni papa, aba hindi ko iyan papa kung hindi siya marunong magpakumbaba pagdating kay mama 'no! Ems, sorry papa! Peace! I love you!

Itong si mama naman ayaw tumingin kay papa, nagtatampo. Ay choosy po ang mama ko, nakalimutan kong mag warning sa inyo.

"Hindi lang naman ikaw ang nag-aalala. Kahit lalake ang anak natin ay kailangan niya pa rin ng tulong. Kung hindi mo mahanap baka magpakita iyon sa ate niya. Dahil mas takot 'yon sa kaniya kesa sayo." Sambit naman niya. Lumipat si papa sa pwesto ni mama at niyakap.

"Sorry na, honey. Next time, i'll consider your feelings too. I'm really sorry." He sincerely said as he kissed mama on her temple. How cute.

Umupo na ako sa bakanteng couch which is 'yong inuupuan ni papa kanina. Katabi ni tito. Hindi pa rin nawawala sa isip kong nawawala ang kapatid ko!

"Don't worry ija, trust your little brother." Pagpapakalma ni tito saakin. Tumango ako, if hindi mahanap ng guard ngayon. Bukas ay gagalaw na talaga ako! Hindi ako mapapalagay kung uupo lang ako dito!

Nakarinig kami ng biglaan pagbukas ng pintuan. Lumabas doon si manang Regine, hinihingal.

"Ate Linda... Kuya Ralph..." hindi matuloy tuloy ang sinasabi ni manang Regine dahil hinihingal ito. "A...andito na si Anton!!" Halos lahat kami ay marahas na tumayo. Kung kanina ay intense dahil sa sagutan nila mama ngayon naman ay sobra sobra.

Optimasksus (Zombie Apocalypse) [COMPLETED]Where stories live. Discover now