XVII

98 11 0
                                    

Nakikita sa tabi tabi ang mga patay na mga bounts. Lahat ng iyon ay may mga langgaw na. Napakadaming langaw. Siguro kung bukas pa ang bintana ng van ay sigurado akong ang bantot at amoy bulok na iyon.

Mas inilapit ni Tania ang van sa may gate. Kinuha ni Zel ang bakal at habang si Asani ay hawak hawak ang katana niya.

Tumingin muna sila saamin, tumango itong katabi ko kaya nagsimula na silang gumalaw. Lumabas na sila ng sasakyan, ang buong akala ko ay papasok ang baho ng mga patay na bounts kaya nagtakip na ako ng ilong pero... Ibang amoy ang nalanghap namin. Isang mabango pero ngayon ko lang naamoy.

Lumapit ako sa front seat. Nakakapit sa sandalan ng upuan. Tinititigan ang paglapit nila sa gate. Maya maya lang ay may kung ano silang hinawakan. Nang sa tingin ko ay hindi nila madadala sa paghawak lang ay agad nilang inihanda ang mga hawak nila at isa isang pinagpapalo at tabas.

May umingay na alarm sa may itaas, napalayo naman sila sa gate. Lumabas na din si Don-don kaya sumunod ako. Hinihingal silang lumapit din saamin.

"Hindi kaya sa palo lang, nasa loob ang kandado ay may identification din." Aniya ni Zel. Lumapit si Don-don doon at dahil sa kuryusidad sa anong gagawin niya ay lumapit kaming tatlo sa kaniya.

Inilapat niya lang ang mukha sa para touchscreen na monitor at may nagtunog na kung ano. Para bang may naunlock. Sakto namang may lumapit na mga guard hawak ang baril at nakatutok saamin.

"Ano ang kailangan niyo!?" Sigaw sa kabila, napataas naman kami ng mga kamay sa ere. Sumusuko at ayaw mabaril. Para kaming criminal sa ganito ah?

"I'm coming home with my friends!" Aniya ni Don-don, may panunuring tingin naman ang nangungunan guard. Nagulat nalang ako ng inilipat niya ang baril at itinutok saakin.

My brows intersected, hindi niya ba ako nakikilala? Well, i haven't seen him either as a guard here ng pumupunta pa ako dito.

Humarang naman sa harapan ko si don-don animoy pri-noprotektahan ako.

"Put your gun down!!" Mautoridad na sambit ni don-don, umiling ng marahas ang guard.

"You'll regret if you this continue this bullshit, i'm telling you!" Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nangdidilim ang mukha niya. Nag-iiba din ang awra niya. Para bang ibang tao siya ngayon.

"Sir!! Sir!! Anak po siya ni Linda." Namukhaan ako ng isa sa kanila. Oh? Si kuya Marlon pala iyon, minsan ko na siya nakakausap lalo na kung papasok na kami nila mama sa station na 'to.

"Linda? Del la Fuente-Paz?" Tanong niya at tumango naman agad si kuya Marlon. "E 'tong lalaking 'to?" Tanong ulit niya at itinuro si don-don. "Anak po siya ni ma'am Jessy Messy Cardezialle." Sagot nanaman ni kuya Marlon sa kaniya.

Agad nilang ibinaba ang mga baril ng marinig ang sagot, agad ding lumapit sila sa gate at pinagbuksan kami. Lumakad nalang kaming apat habang sina Tania at William ay sakay ng van. Ipinasok na din nila iyon.

Sa wakas at nasa station 11 na kami! Huminto ang van sa harapan namin. Nagpasalamat ako kay kuya Marlon kung hindi dahil sa kaniya ay hindi kami makakapasok.

"I'll tell you again, if you point your guns to her. Don't expect that I'm merciful person! Don't mess with me." Aniya niya at tinalikuran ang kausap. Walang modo, kung hindi dahil sa kanila ay baka nasa labas pa tayo!! Wala manlang thank you? Tss.

"Thank you kuya Marlon, you save us. Pero hindi ko din kakalimutang tinutukan mo ng baril si Kate!" Ayus na sana dinagdagan pa. Nauna na siyang pumasok sumunod naman ako. Nakapasok na pala sila Zel, "Pasensiya na kuya, ganiya talaga iyan e! May tupak." Aniya ko ay pumasok na sa van.

Agad na kaming umalis doon, malaya pa kami sa actual na bayan. May nadadaanan kaming bahay. May naglalarong mga bata sa kaniya kaniya nilang bakuran. Sa lugar na 'to hindi aakalaing may madugong nangyayari sa labas.

Sa huling punta ko dito ay ganuon pa rin ang itsura. Ang pinagbago lang ay lahat ng gate nila ay sirado. Noon ay nakabukas iyon anong oras man. Bukas sa mga bibisita.

Kung kada punta ko dito ay madaming naglalako at namamalingkeng mga tao ngayon ay tanging estante nalang ng tindahan ang makikita sa daan. Walang katao tao sa labas.

Kung meron man ay iyong nag-uusap usap lang ng kung ano pero may dalang mga pamalo. Alam na nila ang nangyayare sa labas. Paano nila naagapan ang situwasyon? Premonition?

Dati ay naiinip ako dahil sa daming tao na nakaharang sa daraanan ng sasakyan kaya na tra-traffic kami. Lalo na't kotse ang dala namin palagi. Nakakatakot din kasi baka maka bangga ka ng hindi sinasadya ang dami pa namang tao.

Ngayon ay ibang iba na, walang katao tao sa labas. Kitang kita ang papalubog na araw. Ngayon ko lg ito nakita. Ang ganda ng tanawin lalong lalo na dahil walang ka tao tao.

Nakakalungkot lang isipin. Masigla ang buong paligid dito noon. Ngayon naman ay 'ni ibon hindi na din nag-iingay. Asong natatakot at hanggang hagdan nalang. Mga layang dahon nahuhulog mula sa mga puno sa tabi tabi.

Noon ay may nakikita akong nagwawalis diyaan. Para ma-maintain ang kalinisan. Walang oras na tatahimik ang paligid. Ganoon ka saya dati. Ngayon ay parang abandonado na. Nakakapanghinayang lang.

Sana ay maibalik na ang kaayusan dito. Nakakamiss talaga ang masasayang araw. Saan ba kasi nanggaling itong virus na 'to?!! Mas malala ng ten times sa covid-19!

Nagpatuloy kami sa pagmaneho. Noon umaabot lang ng tatlong oras ang byahe mula sa station 1 papunta dito. Ngayon, nahirapan pa kami, natagalan, nagkaproblema bago tuluyang makapunta dito.

Gusto kong malaman kung saan ang punong ugat ng lahat ng 'to. Basta nagsimula iyon sa bus... Teka, nagsimula iyon sa kinakain ng bata. Dahil mabilis lang ang proseso ng virus possible na dahil nga iyon sa kinakain!

Iyong tindero o tindera ba ang saralin o ang mga sangkap? Alin dito ang tama? Sino ang nagtitinda? Saan galing ang mga panakut? O baka naman nasa katawan na talaga iyon ng bata? O 'di kaya naman ay may naglagay lamang ng mikrobyu sa itinitindang street food. Baka ibang tao? Kung sinadyang ilagay iyon, ide sa may bahay pa nila iyon. Itinitimpla pa lamang ang street food. Hayyy!!!

Nakakapagud ding mag isip ng hindi siguradong konklusyon. Mabuti na lamang kung maghintay nalang ng balita. Kung walang dumating?

Napabuga ako ng marahas dahil sa iniisip. Napansin naman iyon nila don-don at iba pa. Ngumiti ako.

"Ayus lang ako." Pagsasabi ko. At bumalik na ulit sa pag iisip. Ngayon ay iba na.

Kamusta na kaya sila mama? Nakainom ba ng maayus si papa ng gamut? Si Anton, sigurado akong nagpapasaway nanaman iyon kila mama. Sila tita, kamusta na kaya? Naging hobby niya pa naman ang pag-alala. Nag-aalala lang ako sa kalagayan niya. Si tito, ayus lang ba siya. Inaalala niya kasi palagi iyon business niya sa Palawan. Baka stress na iyon. Ang tuta kong si Mema. Kasama din nila, nakakakain kaya iyon ng maayus? Sana ay may stock sila ng pagkain niya.

Tumingin nalang ako sa labas. Malapit na kami. Natatanaw ko na dito ang malaking bahay. Kila tita Jessy iyon, mommy ni Don-don. Pansin ko lang magkaiba sila ng last name.

"Bakit nga pala magka iba kayo ng apelyido ng mommy mo, don?" Tanong ko sa kaniya. Wala sa kaniya ang tingin pero alam kong kanina niya pa ako pinagmamasdan.

"Gusto niyang matupad ang hiling ni nana," Nana? "My grandma, ang hiling ni nana ay atleast may isang taong nakakadala ng apelyido ng asawa niya. Dahil puro babae ang anak nila. Tatlo silang magkakapatid, lahat may asawa. Pero si mommy lang ang hindi nagpalit ng last name." Kwento niya. Napatango naman ako.

Ilang bahay nalang makakausap ko na sila mama. Hintayin niyo ako ma, pa. Andiyan na po ako.


Optimasksus (Zombie Apocalypse) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon