V

178 14 0
                                    

"I couldn't believe, na may ganitong daanan para sa sasakyan. If i know edi dinala ko nalang 'yong kotse ko." Seryusong sabi nitong si don-don. "Anyway, 'di ka pa ba pagod diyan? Magsabi ka lang, papalit kaagd ako sayo." Nag aalalang tanong niya sakin habang nakatingin, nakikita ko 'yon sa gilid ng mata ko.

"I'm okay, pahinga ka nalang muna diyan. Magsasabi nalang ako kung may problema." Sabi ko at iniliko ang kotse. Nakita ko ang pagtango niya. Sa side mirror nakita kong, natutulog si Zel sa back set. Napagod ata kakasigaw kanina.

"Sa tingin mo, maagaw ba natin 'yong atensiyon ng mga bounts pag nagkotse tayo? Maingay 'yong makina e." Sambit ko, at padaliang tinignan siya. Nahuli ko namang nakatingin din siya sakin!

"Kung kanina nga madaming humahabol na nasa kalagitnaan tayo ng gubat, paano pa kaya sa syudad na?" Kuwento ko nanaman. Nagdahan dahan sa pagmamaneho dahil kailangang lumusong sa maliit na sapa.

"Kahit anong galaw natin, hahabulin parin tayo nung mga non, tama ba?" Tanong ko pagkatapus naming makalusong sa sapa.

"Yes, parang aso?" Biro niya. Mahinang humalakhak siya sabay ayus ng upo.

"Oo, pero mas malala pa sa aso kung manghabol. Parang nagkautang lang." Ako naman ang nagsabi at sinabayan ng biro. Ako naman ang tumawa sa biro ko.

"Malapit na tayo, ihinto mo muna ang kotse diyan sa may huling bato para matago muna tayo. Gumawa tayo ng plano kung paano malalagpasan ang station na 'to ng hindi napapansin nila." Seryusong sabi niya. "Zel, gising!" Pag gising niya pa sa bata.

"B-bakit?" Nagpahid pa muna ito ng muta sa mata bago umayus nang upo. "Nasa station ten na ba tayo? Teka, hapon na! Kumain na ba kayo? Sorry g-ginawa ko kasing unan yung lalagyan ng mga pagkain!" Guilty-ng saad nito. Ngumiti nalang ako at inihinto ang kotse sa sinabing lugar ni Don-don. Don-don ang itatawag ko sa kanya, mas madali kesa sa Hebruin at Abaddon e.

"Gutom ka na ba?" Tanong saakin nitong si don-don. Umiling ako sabay sabing, "Sa nangyayare ngayon, I don't think so may gana pa akong kumain." Sabay angat ng paa ko at pinatong sa couch na kinauupuan ko.

"Kumain ka na Zel, kakain din kami ni Kate maya maya." Tumango naman si Zel at agad binuksan 'yong bag na naglalaman ng pagkain.

"Bakit... ayaw... niyo... sumabay sakin?" Puno ng pagkain ang bibig nito kaya mediyo natagalan bago matapus ang sasabihin.

"Gagawa muna ng plano, mamaya na 'yon." Sabi ko habang nakangiting tumingin sa kaniya.

"Same age lang pala kayo ng kapatid ko, kaso next month pa sana 'yung graduation nila. Nauna lang 'yong sainyo." Sabi ko pa.

"Babae?" Tanong niya, ngumiti ako.

"How I wish." Biro kong sabi, nakuha niya naman.

"I wanna meet him, is he a online gamer?" Tumango ako bilang sagot. He chuckled, "I'm eager to see him." Sambit pa nito at nagpatuloy sa pagkain.

"So, may naisip ka na bang paraan?" Tanong ko sa tahimik na si don-don. Tumingin lang siya sakin habang nasa baba 'yong kamay niya.

"Yeah, yet too risky." He said.





"Turn right!!!" Sigaw ko sa loob ng kotse, sigaw na akala mo 'di naririnig ng nasa loob. Ang totoo niyan ay nasa back seat kami ni don-don, ang nagmamaneho naman ay si Zel.

'Di namin alam na magaling pala si Zel pagdating sa paghawak ng kotse. Online gamer, huh? Kasalukuyan namang nagbibigay ako ng direksyon, dahil ako lang ang may alam sa pasikot sikot dito sa station ten. Si don-don laking US, si Zel naman manila boy. Palagi akong sumasama kay mama papunta dito para mamalengke tuwing umuuwi ako.

Optimasksus (Zombie Apocalypse) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon