VIII

138 12 0
                                    

Warning: This chapter contains abusive situations. This is disturbing and may be traumatizing. This can cause sadness or distress, or trigger traumatic memories for you people, particularly survivors of past abuse, violence or childhood trauma.

Kate is in danger!

Hating gabi na, gutom na ako. Sa kabilang kulungan ay tahimik sila maliban nalang sa kasama kong walang tigil sa kakaiyak.

"Hey, pwede patawag 'yong umiiyak at palapitin dito?" Tanong ko sa nasa labing apat na taong gulang na batang babae. Tumango naman ito at dahan dahang pinuntahan 'yong kasama ko.

Nag usap muna sila at sabay na pumunta pabalik. Mas lumakas pa ang iyak niya ng makalapit na siya saakin. Sinenyasan ko siyang wag mag ingay baka magalit 'yong nagbabantay at saktan lang siya.

"Tahan na, ano ba pangalan mo? Hindi ko pa natatanong." Sabi ko, tumahan naman ito.

"Tena, that's my name. Ikaw?" Tanong niya pabalik. Ngumiti ako.

"Ako si Kate. Wag kang mag-alala, pupunta 'yong dalawang 'yun dito. For sure." I assured her. Natigilan naman 'to, kahit madilim ay kita ko pa rin dito na namumuo 'yung luha niya sa gilid ng mata niya.

"How can you be so sure? Na... na ililigtas nila tayo? Mas mahalaga naman ata 'yung buhay nila kesa satin? Mare-realize po nila 'yon!" Mahinang umiyak siya, naku iyakin siya.

Sa sasabihin ko ay para bang unti unting nabubuhayan 'yong mga dugo ko. "One of them is my fiance," nag init 'yong dalawa kung tenga sa sinabi. "So rest assured, kung hindi nila tayo tutulunga. Ako ang papatay sa kanila." Biro ko pa at tumawa ng mahina. Sumabay siya saakin sa pagtawa.

Huminga ako ng malalim, kitang kita ang mga bituin sa langit. Gusto ko matulog dahil sa sobrang pananakit ng katawan ko pero kailangan kong bantayan ang bawat galaw nila baka may gawin silang hindi maganda.

Ngunit hindi nagtagal ay nakatulog din ako agad.

-

Nagising ako dahil sa ingay ng bakal, malabo man ang paningin ay alam kong may pumasok sa silya ko. Pilit akong pinapatayo, nanghihina naman ako kaya nahirapan silang itayo ako.

Ngayon ko lang naramdam ang sobrang sakit ng buong katawan. Parang hindi ko kakayaning makatayo. Papalakadin pa ata ako nila. Pwede naman atang dito nalang.

"Tumayo ka sabi!!" Sigaw ng kung sino, lumilinaw na ang paningin ko kaya nakita ko 'yong lalaking kanina'y padarag akong inilagay sa kulungang 'to.

Nang hindi sumunod ay mukhang napipikon na 'to. Kaya naman binitawan niya ang pagkakahawak sa braso ko kaya napahiga ako. Sumakit iyong ulo ko dahil tumama iyon sa sahig. Nahihilo ako.

Malakas na sipa ang nakuha ko sa lalaking nakatayo, ilang sipa iyon. Sinabunutan niya ako kaya naman kahit nanghihina ay nagawa kong makaupo para hindi niya masyadong mainat ang buhok ko! Masakit sa panit ang pagsabunot niya.

Sinampal niya ako ng ilang beses, sinikmura ng ilang beses. Masakit sobra, gusto ko masuka. Nahihilo pa ako, hinang hina na rin ang buong katawan ko. Ang pinipigilang suka ay lumabas na.

Pinagpapawisan din ako ng malamig, nag aalburuto sa init ang buong katawan ko. Nilalamig ako sa tuwing humahangin ng kaunti. Ang init init din ng hininga ko. Kinakapus din ako ng hininga. Gusto ko na talaga matulog. Pero pucha, masakit 'yong ginawang pagsikmura sakin! Paano pa ako makakatulog nito!?

"Halika na, wag mo akong pahirapan!" Hinila niya ang buhok ko, sumigaw ako sa sakit. Hindi manlang na awa!

Nakalabas na kami ng kulungan ay ganun pa rin, hinihila niya pa rin ang buhok ko. Umiiyak na akong kinakamrot ang kamay niya. Nakaramdam ata siya ng sakit kaya nabitawan niya ang buhok ko. Maduming madumi na ang damit ko, kumakapit ang alikabok sa balat ko dahil sa pawis.

Nakahiga ako ngayon, hindi ko magawang igalaw ang buo kong katawan dahil sa panghihina. Rinig ko din sa kabilang silya ang puro sigaw ni Tena. Sinasaway naman ito ng kalalakihan. Sinisigaw niya ang pangalan ko. Hindi ko na marinig ng maayus ang nasa paligid ko.

Isang sipa ang natamo ko, napapikit ako sa sakit.

"Ta...tama...na..!" Mahinang sabi ko nang sunod sunod na sipa ang natamo ko. Tumigil naman kaagad siya.

Habang iniinda ang sakit ay binuhat ako ng lalaking ito na para bang sako, para akong lantang gulay sa braso niya.

"Boss, sorry natagalan. Ayaw sumunod e!" Rinig kong sumbong nito.

"Sige, itali niyo na 'yung kamay at leeg!" Babae ang narinig kong boses. Siya 'yon.

"Sige boss!" May iilang kamay ang nagtali saakin sa kamay at leeg.

"Itali niyo diyan, papunta na dito iyong alaga ko!" Utos ulit niya. Hindi ko alam na mahaba pala ang nakatali sa kamay ko kaya ayun ang ipinanghila nila saakin kaya napalapit ako sa may kahoy.

Sobrang dumi ko na ata, hila dito hila doon. Iyon ang utos ng babaeng impakta sa kanila dahil hindi pa naman daw dumadating iyong 'alaga' daw niya.

"Bakit? Anong problema? Hindi ka na makatayo?" Kahit malabo ang paningin ay kita ko pa rin ang ngisi niya, ang pangit niya ah.

"Pa..." nawalan ako ng boses sa huling sasabihin ko. "Ano 'yun? Napipe ka na ba?" Tumawa ito kasama ang mga pisteng alalay niya.

"Pangit!" Namamaos kong sabi.

"Hilahin niyo ulit ng limang minuto!" Utos niya sa alalay. Sumasakit na ang likod ko sa kakahila nila. Iyak nalang ang ginawa ko. Paano ako makakalaban kung katawan ko na mismo ang bagsak?

"Stop that." Malamig na boses ang narinig ko sa likod. Hindi ko matignan pero alam ko na kung sino.

"No! Ano ka ba Melville! She deserved it! Kakainin din naman siya ng mga alaga ko kaya ayus lang 'yan!" Saway ng impokretang babae.

"No." Matigas na sabi ng boss nilang si Melville.

"Why? Ano ba! Boyfriend kita, dapat suportahan mo ako!" Sigaw naman ng babae. Naiingayan na ako sa boses niya, ang tinis pa naman!

"No one can touch her, ako lang!" Sigaw naman nitong si Melville. Anong 'ako lang'? Lakas ng tupak niya ah?

"So, you're gonna leave me? Ipagpapalit mo ako diyan sa walang kwentang 'yan? 'Di na nga makatayo e! She even look like thirties! 'Di na din ata 'yan virgin!" Putak ng putak wala namang katutuhanan.

"Tss," singhal naman nito. "Leave her, tanggalin niyo ang pagkakatali!" Utos naman niya sa humihila saakin.

"Ma'am andito na po..." sabi pa ng kadadating lang, humina ng humina ang tuno nito ng maabutan ang nangyare.

"Give me that shit," kaluskos lang ang narinig ko. "KAININ NIYO SIYA!!!" Dahil sa kuryuso ako sa nangyayare ay pilit kong iminulat ng maayus ang mata ko.

Nagulat ako sa nakita ko, hindi ako makakatakas! Hindi ako makatayo! Kahit may tali ang leeg nila ay ang bibilis nilang tumakbo! Bakit may bounts dito? Ito na ba 'yong alaga niya?

Kakainin ako! Patay, gumalaw ka katawan. GALAW!!!!!!!!!

-

Optimasksus (Zombie Apocalypse) [COMPLETED]Where stories live. Discover now