XV

102 11 0
                                    

NAGISING akong masakit ang ulo. Mabigat din ang buong katawan ko. Nasobrahan ata sa trabaho. Dahan dahan ang pagbangon ko. Tumingin ako sa paligid. Agad namang nagdikit ang kilay ko sa nakita.

Nakasandal si don-don sa gilid habang ginagawang unan ni Tania ang hita niya. Oh 'di kayo na. Pansin ko ding tulog ang iba. Ako ang unang nakatulog kaya ako din ang unang bumangon. Kasya kami sa loob ng van.

Lumabas na ako, doon ako sa may driver seat dumaan. Naabutan ko pang may kaunting usok mula sa ginawang lutuan nila kagabe. Nagpasindi ata sila dahil madaming lamok kanina, kahit tulog ay nakakaramdam din ako ng kagat ng lamok! Hindi ako tulog mantika 'no!

Nagsindi na ako ng apoy para makapagluto na at makapaglaso na din ng tubig. Halos maiyak ako dahil sa usok na napupunta sa mukha ko. 'Ke aga aga e!

Nagsaing muna ako. Habang hindi pa naluluto ay inihanda ko na ang corned beef, may mga sangkap naman ibinigay nila Amara kaya may sibuyas akong tinatadtad ngayon.

Sa dami namin hindi lang apat na corned beef ang binuksan ko. Dahil pagmaluto ay kukupos iyong karne, kung marami sa una. Kukunti nalang pagnaluto na.

Dalawang pirasong sibuyas ang hiniwa ko. Luto na ang kanin. Iwan ko bat may utensil kaming dala, katulad nalang ng mga kawali, kaldero at sandok. Kahit kutsara at plato ay meron. Siguro nung nakaratay pa ako sa higaan ng liman araw ay naghanda na sila. Hindi ko din napansin nung umalis kami.

Agad kong ginisa ang kalahati sa sibuyas, ng mediyo may kulay na ay inilagay ko na ang corned beef. Hinalo halo ko lang hanggang sa mediyo kumunti ang tubig tubig nito. Inilipat ko na iyon sa plato. Inilagay ko sa ibabaw ang natitirang sibuyas.

Nagprito ako ng pitong itlog, pinasobrahan ko baka may kumuha pa ulit. Nang matapus ay inilagay ko iyon sa isang plato. Isinalang ko ulit ang kawali at naglagay ng kaunting mantika.

Sunod ay nag prito ako ng itlog, hinalo halo ko iyo sa may kawali. Nang mediyo naluto na ay itinabi ko sa gilid ng kawali para maggisa ng sibuyas at bawang.

Nang magkulay brown ang sangkap ay inilagay ko ng maingat ang nilutong kanin doon. Bago ko haluin ay naglagay na ako ng asin, walang magic ka iyon na lang. Hinalo ko na at naghintay na maluto.

Nagtimpla na din ako ng kape na walang asukal, dala iyon nila Asani. Habang naghihintay ay, gumawa muna ako ng baso. Sa lalagyan ng canned goods ako gumawa. Tinanggal ko lang 'yong pinakabunganga nito. Kung iinom dapat ay maingat baka masugatan ang labi mo.

Anim na baso ang ginawa ko, hinugasan ko iyon. May tubig naman kami, kakaunti lang naman iyong kinuha ko sakto lang para mahugasan 'yong baso.

Agad kong tinanggal sa apoy ang sinangag na kanin. Inihanda ko na rin ang plato. Feeling ko ay nasa alas nuwebe na ng umaga. Kulang pa ang tulog pero kailangan na naming umalis. Tapus na din naman ang pag-ayos sa sasakyan namin.

Inaayus ko ang buhok ko habang bumabalik sa van. Nang makalapit ay binuksan ko ang pintuan. Lumiwanag sa loob, may kaniya kaniya naman akong rinig na mga mura.

Pinagtatapik ko ng mahina ang mga pisnge nila. Lahat sila! Ayaw ko man, pero ako naman ang gising kaya ako din ang gigising sa kanila.

"Gising, kakain na. Aalis na tayo mamaya, pagkatapus. Pwede na ulit kayong matulog. Dali, lalamig 'yong kape!" Pagkasabi ko ng kape ay agad na dumilat sina Zel, Asani, William at Don-don. Mukhang kape!

Tinulungan naman ako nila sa paggising sa natutulog. Nang lahat ay gising, agad na kaming pumunta sa pinaglutuan ko.

"Pila." Aniya ko, sumunod naman sila. Unang pinagsandukan ko ay si Asani. Nilagyan ko ng fried egg, fried rice at ang ginisang cornbeef. Inabot ko na sa kaniya iyon kasama ang kape.

Optimasksus (Zombie Apocalypse) [COMPLETED]Where stories live. Discover now