UC: 1

2.9K 89 9
                                    


DEATH POV

     "MAY kailangan ka?" tanong ni Azuke nang makapasok siya ng VIP room ko. "I know you're not here for liquor. What do you want, Josefina?"

I glared at him. "Isa pang Josefina mo at sinisigurado kong hindi kana lalabas ng buhay sa silid nito."

He laughed and sat beside me. "Masyado ka namang hot. So, ano ngang kailangan mo? Kaninong impormasyon ang kailangan mo?"

Kinuha ko ang isang litrato sa polo ko at inilapag sa lamesa. "Riffle Guemez. I need information about him."

Napasipol ito bago kuhanin ang litrato at tignan. "The King of Rebel Mafia? Kung impormasyon niya, hindi libre yun. You know me, Death. Kapag malalaking tao kailangan may bayad."

"Alam ko," sagot ko. "Kaya nga ikaw ang nilapitan ko dahil hindi mo ako pagbabayarin. You know me, Azuke. Isang tawag ko lang sa kapulisan sira ang negosyo mong illegal gambling dito sa loob ng bar mo."

"Badtrip naman!" Sinabunutan nito ang sarili niya. "Kapag ikaw talaga ang customer ko sa ganitong bagay lagi akong lugi."

"Now, you choose.." Nagsalin ako ng alak sa baso ko at ininom ito. "My information..or..your illegal gambling?"

"Ibibigay kona!" paungol na sagot nito. "Pero labas ako dito, ah? Ayokong madamay sa gulo niyo ni Riffle."

Tumango ako habang umiinom. "Spill it."

"Maraming mansion si Riffle sa iba't ibang lugar sa pilipinas, gano'n na rin sa ibang bansa pero madalas siyang umuuwi sa mansion niya sa pampanga. May mga bar din siyang pinatatakbo, kabilang na yung sikat na bar sa batangas na 'Smert' bar'. May mga illegal gambling din siyang pinapatakbo at pagmamay-ari niya ang isang underground motor race."

Napatango tango ako at muling nagsalin ng alak sa inumin ko. "Saan ko siya madalas makikita?"

"Sa motor race underground niya," sagot nito. "Pero ingat ka, dahil puro member mg Rebel Mafia ang tumatambay doon. Kapag naligaw ka doon at nakilala nila, siguradong patay ka."

Inisang lagok ko ang alak bago tumayo. "Isend mo sa'kin ang address ng underground motor race niya pati na rin ang sikat niyang bar. Maghanda kana rin ng itim na rosas dahil mababalitaan mo ang lamay ni Riffle."

Napasipol ito. "Wag kang masyadong magmayabang, hindi basta basta si Riffle. Baka sa'yo namin magamit yung itim na rosas na pinahahanda mo."

Nginisihan ko lang siya bago dire diretsong lumabas. Sumakay ako sa motor ko at mabilis itong pinaandar pabalik sa underground.

"Where have you been?" bungad ni Isaiah nang makababa ako.

"Naghanap lang ng impormasyon tungkol kay Riffle," nakangising sagot ko, dahilan para sumeryoso ang mukha nito. "Isaiah, kahit patalsikin mo ako sa underground natin, hinding hindi ko tatantanan ang kapatid mo. Ang dami na niyang kasalanan sa'kin at deserve niyang mamatay sa mga kamay ko."

Hindi kona pinagsalita si Isaiah at tinapik na lang ito sa balikat bago ako dumiretso sa opisina ko. Agad kong binuksan ang laptop ko at sinearch ang mga lungga ni Riffle.

"Kaya pala mas maganda ang motor mo sa'kin!" Napasimangot ako. "Maghintay ka lang dahil sinisigurado kong hindi kana makakangiti pa–"

Natigilan ako nang tumunog ang alarm ng underground. Agad akong tumayo at lumabas. Natigilan ako nang makitang nagkakagulo sila Isaiah.

"Anong meron?" takang tanong ko.

"He's outside," sagot nito at binunot ang baril niya.

Kahit pa hindi niya pangalanan ay alam kona agad kung sinong tinutukoy niya. Hindi na ako nagdalawang isip pa at mabilis na umakyat. Naririnig ko pa ang tawag nila pero hindi kona sila pinansin.

"As what I expected, lilitaw ka." Naikuyom ko ang kamao ko nang bumungad sa'kin si Riffle na nakaupo sa kaniyang Yamaha YZF-R6.

Ede mas maganda na ang motor mo!

"Ang lakas ng loob mong pumuntang mag isa dito," nakangising sabi ko. "Balak mona yatang magpakamatay, Riffle Guemez."

"Death!" Isaiah, and others, appeared.

"What do you need, Riffle?" Isaiah, asked coldly to his brother, Riffle. "I know you're not here because you're planning to attack us."

"Mag isa lang yan, todasin na natin.." Oscar said.

"Wag," awat ni Isaiah. "Hindi natin siya pwedeng galawin hangga't walang pahintulot ng ultors, o hindi siya ang nauna."

"I'm not here for you, Isaiah..." Dumako ang tingin sa'kin ni Riffle. "I'm here for Josefina."

"Anong kailangan mo sa kapatid ko?" maangas na tanong ni Oscar, dito. "Sinasabi ko sa'yo, Guemez, kapag ginalaw mo ang kapatid ko magkakasubukan tayong dalawa."

"Sakto, hinahanap din kitang tarantado ka!" Binunot ko ang baril ko at itinutok sa kaniya. "Akala mo ba nakalimutan kona ang ginawa mo sa'kin?"

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Thank you for not forgetting that.." Kinuha nito ang kaniyang helmet at isinuot sa kaniyang ulo. "uvidimsya, Zhozefina.."

Mabilis nitong pinaandar ang kaniyang motor, at pinasibad ito paalis ng underground namin.

"May relasyon ka sa kaniya?" tanong ni Xaitan.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi nito. Inis kong itinutok ang baril ko sa kaniya, na ikinatawa naman nito.

"Wag mong mabanggit banggit ang ganiyang bagay dahil naiinis ako!" inis kong sabi at itinago ang baril ko.

"Masyado kang defensive," nakangising sabi naman ni First. "Baka kayo talaga ni Riffle ang magkatuluyan niyan."

"Asa ka!" Inirapan ko siya bago bumalik pabalik sa ibaba.

Bumalik ako sa opisina ko at nagpatuloy sa pag-re-research tungkol kay Riffle Guemez.

"uvidimsya, Zhozefina.."

Napatigil ako sa pagtipa nang muling bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Riffle. Alam ba niya ang plano ko kaya niya sinabi yun?

Napailing na lang ako at sinimulang ilista ang mga importanteng impormasyon ko sa kaniya. Nang matapos ako ay agad na akong tumayo.

Kailangan ko nang mahaba habang paghahanda at pag aayos dahil siguradong masisiyahin ako nang sobra sa mga mangyayari bukas....

UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain Where stories live. Discover now