UC:2

2.3K 76 3
                                    

 

     "NASAAN na ba kasi yun, Azuke!?" inis kong tanong. "Kanina pa tayo naghihintay dito! Ang init init!"

"Pati ulo ko umiinit na rin kaya kumalma ka," sagot nito. "Parating na yun."

I glared at him. "Sigurado kaba sa kaniya? Kapag yung taong yun ay itinakbo ang motor ko, ibabaon ko itong bala ko sa ulo mo."

"Chill lang, Death–Ayan na pala eh." Tumayo ito at sinalubong ang isang sports bike na may itim at dilaw na kulay. "Naks, ang ganda, ah?"

"Medyo natagalan dahil sa pagbabago ko ng kulay at makina," sagot nitong lalaking inutusan ni Azuke na ayusin ang motor ko para sa karera ko mamaya.

"Nice," nakangising sabi ko at pinasadahan ng daliri ang motor ko. "Maayos ba ang makita nito?"

"Yes, ma'am." sagot nito. "Sinigurado kong hindi papalya."

"Nirequest ko ang kulay na yan. Tutal, para kang tigreng laging galit." Hindi ko pinansin si Azuke at sinakyan na ang motor ko.

Kinuha ko ang envelop na may pera at inabot sa lalaking inutusan ni Azuke. "Sinobrahan ko, wag mong bigyan si Azuke dahil mas mapera sa'kin yan."

Nginisihan ko si Azuke, na sinamaan ako ng tingin bago ko paandarin ang motor ko paalis doon. Nag drive ako patungong underground motor race ni Riffle.

Humigpit ang hawak ko sa motor ko nang makita ko ang entrance. Napalingon sa'kin ang mga taong nandoon nang unti unti akong pumasok sa loob.

Lahat nang nasa loob na nakikita ko ay puro Rebel Mafia. Pati ang ibang kasalo sa race ay puro Rebel Mafia. Kailangan kong mag ingat, kailangang hindi nila ako makilala dahil siguradong katapusan kona. Nandito ako para patayin si Riffle, yun lang ang tanging gagawin ko.

"Ang ganda ng motor natin, ah?" Pinakiramdaman ko ang paligid ko nang lumapit sa'kin ang isang Rebel Mafia. "Want to trade with my baby?"

Iniling ko lang ang ulo ko.

"If I'm not mistaken, you're a woman." He smirked. "Wanna be my baby?" dagdag pa nito.

"Get lost," malamig kong sabi at bahagya siyang itinulak.

Hindi ito natinag at idinikit lang ang katawan sa'kin. "Want to have a bet with me? Kapag natalo kita, pahinging isang gabi."

"Fvcking get lost idiot!" I glared at him even I'm wearing helmet.

Napatigil lang ito nang magkagulo ang mga tao dahil sa paglabas ng isang tao. He's wearing red racer clothes. He's holding his helmet while driving his red motor using his one hand.

He's here. Riffle Guemez.

Suddenly, he turned his head to my direction. Hindi ko alam kung nakilala niya ba ako dahil matagal ang pagtitig nito sa'kin.

"The race will start now!" Nabaling ang atensiyon namin sa speaker na tumunog. "Racers, please go to your place number."

Nagtungo na kami sa kaniya kaniyang number. Nasa number one si Riffle at ako naman ay nasa number eight, nasa hulihan.

Ilang saglit lamang ay naghudyat na ang nasa unahan. Isa isang umandar ang mga motor at unti unting nawala sa paningin ko si Riffle.

"Hindi pwede!" bulong ko at isa isang nilagpasan ang mga nasa unahan ko.

"Hey, miss!" Napalingon ako sa gilid ko at bumungad sa'kin yung lalaking kaninang nangungulit sa'kin. "Ituloy ba natin ang pustahan natin?"

"Wala akong oras sa'yo!" inis kong sabi. "I'm not here for you, idiot!"

"Ang tapang mo, ah?" Umangat ang isang paa nito. "Dahil diyan, mukhang hindi kana aabot pa ang dalawang ikot."

Tumadyak ito kaya mabilis kong binagalan ang andar. Natawa ako nang mawalan ito ng balanse at dire diretsong tumumba.

"Deserve!" I said while smirking.

Binombahan ko muna siya bago ako magpatuloy sa karera. Pangalaw na ako at nasa unahan ko si Riffle, sinusubukan ko itong pantayan pero hinaharangan nito ang daraanan ko.

Binuksan ko ang jacket ko para mapadali ang pagkuha ko ng baril ko. Nang mapantayan ko si Riffle ay agad ko nang hinawakan ang baril ko.

"I bet this is your last race.." Inangat ko ang salamin ng helmet ko.

Ginaya nito ang ginawa ko, malamig lamang itong nakatitig sa'kin at para bang inaasahan niyang ako si Death.

"You're good when it comes to riding, Josefina." he coldly said. "Hindi tuloy ako makapaghintay na makita kang gumigiling sa ibabaw ko."

"Asa ka!" singhal ko sa kaniya.

I was about to took my gun and shoot him, but I stopped when someone shoot both of us. Lumingon ako sa side mirror ko at nakita ko ang isang naka asul na motor at naka lilang motor, na binabaril kami.

"Mukhang hindi lang ikaw ang gustong pumatay sa'kin." Riffle, expertly took his gun. "Umalis kana, Josefina. Siguradong wala na silang palalabasin dito sa arena ko."

"I won't leave unless I kill you!" matigas kong sambit.

"You still have many chances to do that," malamig na sabi nito. "Go on, Josefina. Wag kang magmatigas ngayon kung ayaw mong paglamayan."

Isinara nito ang salamin ng helmet niya at mabilis na pinaandar ang kaniyang motor. Isinara ko rin ang helmet ng motor ko at mabilis na hininto sa gitna ang motor ko.

Inilabas ko ang baril ko at binaril sa ulo ang dalawang nakamotor na bumaril sa'min kanina. Bumagsak naman ang mga ito.

"Ako ang nararapat pumatay kay Riffle!" matigas kong sambit.

Sumakay ako ng motor ko at muling hinabol si Riffle. Nang mapantayan ko ito at mabilis kong inilabas ang baril ko at itinutok sa kaniya.

"Die," I murmured.

Hindi ko pa man nakakalabit ang gatilyo ay may bumaril na sa'kin. Tinamaan ako sa kanang balikat ko, dahilan para mawalan ako ng kontrol at malaglag ang dala kong baril.

"Shit!" Pinadausdos ko ang paa ko sa lapag para hindi ako tuluyang tumumba.

"Umalis kana!" madiin at malamig na sabi ni Riffle.

"Hindi pa tayo tapos!" inis kong sabi at pinaandar ang motor ko.

Ramdam ko namang nakasunod sa'kin ang mga tauhan ni Riffle. Binabaril din ako ng mga ito na agad ko namang naiiwasan.

Malapit na ako sa exit at malapit na rin akong maabutan nang mga nakasunod sa'kin. Saktong makalabas ako ay ang pagharang ni Riffle sa mga sumusunod sa'kin.

Lumingon ako sa side mirror at nakita ko si Riffle na nakaupo sa motor niya at hawak ang kaniyang helmet. Malamig lamang itong nakatitig sa'kin.

Badtrip naman! Humanda talaga sa'kin si Azuke, sigurado akong sinabi niya kay Riffle na nasa race din ako. Tang ina, ipasasara ko ang isa sa mga illegal gambling niya.

UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain Where stories live. Discover now