UC:3

2.5K 82 5
                                    

   

      "DAMN!" angil ko nang buhusan na lang bigla ni Third ng alcohol ang sugat ko. "Dahan dahan naman!"

"Inutos sa'kin ni Oscar na pahirapan ka habang ginagamot," walang emosyong sagot nito. "Sumang ayon naman ang lahat."

"Badtrip!" Sumubsob na lamang ako sa unan at doon ibinuhos ang gigil ko. "Malapit na, may mga umepal lang eh!"

"Ang lakas ng loob mong sumugod mag isa doon? Hindi mo alam kung gaano kagalit si King," he said. "Ipagpasalamat mong nakalabas ka ng buhay sa lugar na yun, dahil kung namatay ka. Ikaw ang magsisimula ng Mafian war."

"Muntik ko nang mapatay si Riffle, may mga tarantado lang na sumabay sa pagsugod ko.." Napahinga ako nang malalim. "Siguradong suspended ako ngayon sa underground."

"Hmm," sagot lang ni Third.

Ilang saglit lang ay natapos na ako nitong gamutin. Inayos niya ang kaniyang mga gamit bago lumabas ng kuwarto ko.

Kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa bed side table at tinawagan si Azuke.

"Hey, tiger!" bungad nito sa'kin. "Kumusta? Maghahanda na ba kami ng bulaklak?"

"You fvcking betrayed me!" I angrily said. "Sinabi mo kay Riffle, na susugod ako.."

"Teka lang, wala akong sinasabi kay Riffle–"

"Give me your phone.." Narinig ko ang boses ni Riffle mula sa kabilang linya. "How's your wound, Josefina?"

"Riffle.." Napakuyom ako ng kamao. "Hindi pa tapos ang pagsugod ko sa'yo, sa susunod sisiguraduhin ko nang patay kana!"

"Why are you hate me that much?" malamig na tanong nito.

Bakit nga ba ako galit sa kaniya? Well, because of what he did to Isaiah. Isaiah is my bestfriend since I was a kid, he's like my Kuya, and I witnessed how he suffered when his parents died because of Riffle.

"Because of what you did to Isaiah," I answered coldly. "You killed his parents, pinatay mo ang nanay niyong dalawa! You're so cruel, Riffle. You didn't deserve to live."

"Hmm? Is that all?" hindi ako sumagot. "How's your wound, by the way?"

"Pakielam mo?" pagsusungit ko dito. "Maghanda kana lang dahil nalalapit na ang kamatayan mo!"

"Some of my members are looking for you, stay with you underground and don't go outside yet. Nalaman na nilang isa ka sa mga gustong pumatay sa'kin. They are mad because you tried to kill their King." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Why he's protecting me? "I will send some foods and medicine for you. Alam ko ring suspended ka kaya padadalhan kita ng baril, magagamit mo iyon para protektahan ang sarili mo."

"I don't need that, Riffle. Teka nga, bakit mo ba ginagawa yan? Damn! Don't tell me you're fvcking inlove with me?" malakas akong napatawa. "Riffle, stop with that illusion of yours!"

"If you want to kill me, I will wait you in my club.." Natigilan ako sa sinagot nito. "I will answer all your questions too.."

"Riffle.."

"I need to go now.."

Natahimik sa kabilang linya. Nang tingnan ko ang phone ko ay hindi pa naman patay ang tawag.

"Tiger!" Si Azuke na ang nasa kabilang linya. "Sorry na. Tinakot kasi ako ni Guemez. You know, mas takot ako sa kaniya, kaysa sa'yo."

"Damn you! Bantayan mona ang isa sa mga illegal gambling mo dahil mawawala na iyon!" singhal ko sa kaniya bago patayin ang tawag.

Inis akong humiga pero napangiwi rin ako nang tumama ang sugat ko.

"Peste!" inis kong sabi. "Damn you, Guemez! Ang hirap mong basahin!"

Naiinis ako sa kaniya, at sa sarili ko. Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba ganoon siya sa'kin? At talaga nagbigay pa siya ng address para lang mapatay ko siya? Bakit pakiramdam ko ay naaawa ako sa kaniya?

Naputol ang pag iisip ko nang bumukas ang pinto. Iniluwal no'n si Isaiah at Oscar, na masama ang tingin sa'kin.

"Are you really crazy!?" singhal sa'kin ni Isaiah. "Sumugod ka sa lungga ng mga Rebel Mafia! Paano na lang kung namatay ka doon!?"

"Buhay naman ako," mahinang sagot ko. "Mapapatay kona nga si Riffle, eh. Kaunti na lang, pero may mga asungot na nangielam!"

"You're one month suspended," malamig na sabi ni Isaiah at kinuha at baril kong nakapatong sa bed side table. "Isang buwan kang hindi kasapi nang organisasyon natin. Kapag nakielam ka at nilabag mo ang batas, sa ultors jail ang bagsak mo."

"Ang unfair!" maktol ko. "Dapat nga masaya kayo dahil nalaman ko ang lungga ni Riffle, eh!"

"Anong gusto mo? Mag-pa-party kami dahil sa kabaliwang ginawa mo!?" Oscar, glared at me. "I will report this to dad, kailangan mong matuto, Death."

"Oscar!" inis kong sambit.

Ngumisi lamang ito bago lumabas. Napapikit na lang ako at naihilamos ang mukha ko.

"I know you're doing all of these, just for me. Tumigil kana, Death, kaya kong bigyan ng hustisya ang sarili ko at mga magulang ko." Isaiah coldly said. "Please, stop being immature. Ihiwalay mo ang personal nating pagkakaibigan. Dahil sa underground, hindi tayo magkaibigan. Tauhan lang kita."

I felt pang of pain on my chess because of what he said. He throwed me a deadly look, before he left.

Isaiah is right, dapat hinihiwalay ko ang personal naming buhay kapag nasa trabaho kami. Kapag wala kami sa underground, I'm his bestfriend. Pero tuwing nasa underground kami, he's my boss and we're not bestfriend.

"Kumusta ang kabaliwan mo?" Bumukas ang pinto at iniluwal ang kapatid kong si Secret–Porsce.

"I'm not in the mood," walang emosyong sabi ko.

"Nag aalala lang sa'yo si Isaiah, alam mo naman kung gaano takot yun na mawala ulit nang minamahal.." May inilapag itong box sa higaan ko. "Delivery para sa'yo. Hindi mo sinasabing may boylet kana, ah?"

"Lumabas kana nga!" inis kong sabi.

Niyakap muna ako nito saglit bago siya lumabas. Napatitig ako sa kahon na dala ni Secret. Wala naman akong in-order.

Kinuha ko ang kahon at binuksan. Natigilan ako nang bumungad sa'kin ang mga pagkaing paborito ko. May mga gamot din. . . at baril.

"I will send some foods and medicine for you. Alam ko ring suspended ka kaya padadalhan kita ng baril, magagamit mo iyon para protektahan ang sarili mo."

Pumasok sa aking isipan ang mga sinabi ni Riffle. Tinotoo niya ngang padadalhan niya ako ng mga pagkain, gamot, at baril.

"Nababaliw kana.." Napailing ako bago itago ang baril at simulang kainin yung mga pagkain. "Talagang binigyan mo ako ng baril, para mapatay ka?"

Hindi ko alam kung matalino ba si Riffle, o bobo siya.

UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain Where stories live. Discover now