UC:14

1.5K 53 35
                                    

       "NASAAN na yung tarantadong yun!?" inis kong tanong.

Kanina pa wala si Riffle sa bahay ko. Nangangamba ako dahil baka bigla na lang siyang magtanim ng bomba rito sa village.

Isang buwan kona ring kasama ang lalaking yun at wala kaming ibang ginawa kundi ang magbangayan dahil talaga naman nakakagigil siya. Lalo na yung itsura niya.

Lumabas ako ng bahay at tumingin sa kalsada pero wala rin siya.

"Death!" Nakita ko si Bella na tumatakbo palapit sa'kin. "Good morning."

"Good morning," tugon ko at ngumiti.

"Sinisimulan na namin yung party para sa baby ni Thalia," sabi nito. "Alam mo ba? Si Riff yung nag aayos ng tent. Siya rin ang nagbubuhat ng mga gamit."

"Nandoon siya!?" Tumango ito. "Actually, siya ang nauna doong nag ayos. Tinanong ko kung nasaan ako, sabi niya tulog ka raw."

Napahampas ako sa noo ko. Hindi ba siya nag iisip? Paano kung may makakilala sa kaniya?

"Tara doon," aya ko kay Bella. "May pagkain ba doon? Ayaw ko kasi nung niluto ni Riff, hindi masarap at saka parang panis."

"Maraming pagkain doon," sagot nito.

Nagtungo kami sa covered court ng village kung saan  nila inaayos ang pa-party para kay Baby Crystal. Nang makarating kami doon ay halos kaunti na lamang ang aayusin. Disney Princess theme at sobrang cute tingnan.

"At kailan pa ako naging fan ng Disney Princess?" Napailing na lamang ako. "Bella, kakain na ako, ah? Unahan kona muna kayo kahit wala akong ginawa."

"Sige lang," nakangiting sabi nito.

Kumuha ako ng plato at nanguha ng pagkain. Naupo ako sa isang gilid at nagsimulang kumain. Buti pa 'to masarap, yung luto ni Riffle, mabaho na, kadiri pang tingnan.

"Hindi ka kumain sa bahay?" kunot noong tanong ni Riffle na nakalapit na pala sa'min. "I cooked for you."

"Kadiri tingnan yung mga niluto mo," sagot ko lang. "Doon ka nga, sinisira mona naman ang mood ko."

"You're so moody," naiiling na sabi nito. "You want more? Ikukuha kita."

"Kaya ko ang sarili ko," masungit kong tugon at inirapan siya.

Hindi ito nagsalita at umalis lang. Maya maya ay bumalik ito dala ang isang basong tubig. Masungit kong kinuha sa kaniya yun dahil nabubulunan na ako.

"Ang dami mo pang gagawin, kumilos kana. Wag ako ang bantayan mo," sabi ko sa kaniya.

Tumango lamang ito at bumalik sa kaniyang ginagawa. Ako naman ay nagpahinga saglit bago tumulong sa pag aayos ng mga table. Gandang ganda talaga ako ngayon sa theme na Disney Princess, parang gusto kong iuwi yung taklob ng lamesa na may design na mga Disney Princess.

"Mirajane.." Kinalabit ko ang babae sa gilid ko. "Kaninong mga tela yung nakataklob sa lamesa?"

"Kay Anna," sagot nito.

"Gumagawa ba siya ng mga ganiyang design? Gusto kong hingin o bilhin yung isang takip ng lamesa," sabi ko. "Ang cute kasi."

"Wow, himala yan, ah?" Natawa ito. "Parang nung namimili tayo ng damit para kay Baby Crystal, diring diri ka sa mga Disney Princess tapos ngayon gustong gusto mona."

"Ayoko rin," sagot ko. "Pero gusto ko. Basta magulo."

"Kung may boyfriend ka lang na ipinakilala sa'min, iisipin kong buntis ka," sabi nito kaya natigilan ako. "Tatanungin ko mamaya si Anna."

UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain Where stories live. Discover now