UC:16

1.3K 61 7
                                    

    HINDI pa rin bumabalik si Riffle, mukhang nagtagpo na ang landas nila ni Isaiah at nagpatayan na sila.

"Sigurado ka bang hindi ka nasaktan?" tanong muli ni Mirajane.

Kung bibilangin ko siguro, pang dalampung tanong na niya ang bagay na yan.

"Hindi," sagot ko. "Hindi naman tumama sa'kin yung bala. Duling ata yung sniper kanina."

"Wag ka nang magbiro ng ganiyan, buti nga at hindi ka tinamaan," sabi ni Thalia. "Paano kung napahamak ka at ang baby mo?"

"Hindi nila ako mapapatay," mayabang kong sabi. "Pati na rin itong bata sa tiyan ko."

Pareho ba namang Mafia ang magulang ng Anak ko, siguradong malakas ang resistensiya nito.

Lumipas ang mga oras at walang Riffle na bumalik. Nakauwi na sila Thalia at ako na lang mag isa sa bahay. Pinagluto muna ako ni Bella bago siya umuwi kasama nila Thalia.

"Ang tagal naman tumawag ng St. Peter," sabi ko habang kumakain. "Punyetang Riffle na yan, ayaw na lang magparamdam kung patay na, eh. Ayoko pa naman nang nag-o-overthink dahil naloloka ako."

Napahinga na lang ako nang malalim at tinapos ang pagkain. Pagkatapos kong kumain ay nagtungo na ako sa kwarto ko dahil inaantok na ako. 

Sumapit ang kinabukasan pero walang Riffle na nagparamdam. Napasimangot na lang ako dahil wala na akong tagaluto.

"Kapag nandito, inis na inis ka. Ngayon namang wala na, inis ka pa rin." Napailing iling na lang ako dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako.

"Masyado mo namang miss ang Riffle my loves mo." Gulat akong napalingon sa likuran ko nang may magsalita.

Bumungad sa'kin si Azure na nakasuot nang pang tubero. Putek, buhay pa pala ang tarantadong 'to.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.

"Nandito ako para maging bantay mo," sagot nito at kumuha ng hotdog na niluluto ko. "Napag utusan na naman ako ni Riffle. Siyempre, wala naman akong karapatang tumanggi sa inyong dalawa. Paladesisyon kasi kayo, eh."

"Hindi ko kailangan ng bantay," masungit na sabi ko. "Kaya ko ang sarili ko."

"Ang utos ni Riffle, bantayan kita sa ayaw at sa gusto mo," sabi ni Azure. "Sandali lang naman daw siyang mawawala."

"Wala akong pakielam kahit habang buhay pa siyang mawala," tugon ko. "Anong ginamit niyang pang uto sa'yo? Papantayan ko."

"Sports car lang naman," sagot ni Azure. "Sino ba naman ako para tumanggi, diba?"

"Masyado ka talagang masiba na hapon ka!" singhal ko sa kaniya. "Umalis kana rito kung ayaw mong sa'yo ko ibaling ang galit ko. Hindi ko kailangan ng panibagong abnormal na makakasama."

"Wag ka naman masyadong magpaka-stress sa kagwapuhan ko." Naupo ito sa isang upuan at nagsandok ng pagkain niya. "Baka makunan ka niyan, kasalanan ko pa. Kunwari ka pang galit na galit kay Riffle, dadalhin mo rin pala ang Anak niya."

Malakas ko siyang binatukan kaya sumalaksak sa lalamunan niya ang kutsara. Napaubo naman ito at napasapo sa lalamunan niya bago ako samaan ng tingin.

"Wala ako sa mood makipag-tarantaduhan sa'yo ngayon," sabi ko at naupo bago magsimulang kumain.

"Sige, mamaya na lang para nasa mood kana."

Hindi kona pinansin si Azure at nagpatuloy na lang sa pagkain ko. Pagkatapos kong kumain ay iniwan ko siya sa kusina para siya ang magligpit at maghugas.

"Matagal tagal pa ang balik ni Riffle," sabi ni Azure na kalalabas lang ng kusina. "Nasa bahay ko siya ngayon. Napuruhan sa tagiliran, ayun naghihingalo. Ayaw niyang ipasabi kasi mag aalala ka kaso nakonsensiya ako, eh. Bilang asawa ni Riffle, dapat lang malaman mo yun."

"Kahit patay na siya, wala akong pakielam. Isa pa, hindi ako asawa ng gagong yun!" singhal ko sa kaniya. "Umalis kana nga, lakas mong mang asar, ah?"

"Parang putok mo lang yan, malakas."

"Kung paputukan ko 'yang bunganga mo?" sinamaan ko siya ng tingin. "Wala akong putok, tang ina ka!"

Natawa ito. "Ganiyan ba kapag buntis? Parang noon ako ang naaasar sa'ting dalawa, tapos ngayon, kulang na lang saksakin mo ako dahil sa sobrang inis. Kalmahan mo naman at baka maagang lumabas ang inaanak ko."

"Sino may sabing kukuhanin kitang Ninong?"

"Si Riffle. Bukod sa sports car, napagkasunduan din naming maging Ninong ako ng Anak niyo."

"Hinding hindi kita kukuning Ninong! Ako ang masusunod dahil ako ang Nanay!"

Nilayasan ko siya. Umakyat na lang ako sa kwarto ko para mawala sa paningin ko si Azure.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman iyon at kunot noong sinagot ang tawag dahil hindi ko kilala ang caller.

"Sino 'to?" tanong ko.

"It's me," si Riffle. "How's our baby? Nandiyan na ba si Azure?"

"Bakit mo pinadala ang gagong 'to?" inis kong tanong sa kaniya. "Anong tingin mo sa'kin? Mahina? Riffle, paalisin mona ito dahil kaya ko ang sarili ko."

"I know," walang emosyong sabi nito. "I know how strong you are, Josefina. But, you have our baby. Gusto kong mas doble ang kaligtasan mo."

"Yung sniper? Nakilala mo ba?" tanong ko. "Siguro isa yun sa mga tauhan mo."

"No," sagot nito. "I'm sure isa siya sa mga tauhan ng Rebel Leader. They are after you and I won't forgive them. They almost kill you and our baby!"

"Parang kaya mo naman lahat sila." Napairap ako. "Ang gawin mo, magpagaling ka diyan. Mas gusto kong ikaw ang kasama, kaysa kay Azure."

"Hmm, you want me to be with you?" Kahit hindi ko nakikita, nararamdaman kong nakangisi siya. "Okay. I'll be back tomorrow. I miss you."

"Wag kang assuming, hindi kita namimiss!" singhal ko sa kaniya. "Wag ka nang bumalik dito, kaya ko naman ang sarili ko."

"You're so cute, Josefina." Natigilan ako nang marinig ko ang hagikhik nito. Gusto kong makita ang ngiti niya. "I'll be back tomorrow. Promise."

"O-okay.."

"Ibaba kona ang tawag. Always take care."

Namatay ang tawag. Napanguso ako at napatingin sa cellphone.

"Nababaliw na ba ako?" tanong ko sa sarili ko. "Ang cravings ko bigla ay ngiti ni Riffle. Gusto ko siyang makitang ngumiti."

"Sinasabi kona nga ba!" Biglang sumulpot si Azure na nakangisi. "Ang Death na isa sa mga Mafia Bosses ni Isaiah, ay inlove sa King ng mga Rebel Mafia. Josefina, Josefina, Josefina, magandang headlines 'to."

"Anong inlove? Mama mo inlove." Kinuha ko ang unan at ibinalibag sa kaniya. "Bakit ako ma-i-inlove sa gagong yun?"

"Alam mo? Mas lalong nahuhulog ang mga taong indenial," nakangising sabi nito. "Ikaw rin, baka mahuli ang lahat kaya umamin kana."

Bago ko pa siya mabato ng vase ay agad na itong naglaho sa paningin ko.

Hulog na ba ako kay Riffle kaso indenial lang ako?

Iniling iling ko ang ulo ko at sinampal ang pisngi ko. Hindi pwede yun. Never kang mahuhulog sa lalaking yun na maitim ang budhi at nakakainis ang mukha.

UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain Where stories live. Discover now