UC:13

960 38 0
                                    

      "UWI na kami," paalam ko kila Thalia. Binalingan niya ang asawa ni Thalia. "Alagaan mong mabuti ang mag ina mo, ah? Kapag may nangyari diyan, malalagot ka sa'kin."

"Oo, salamat," tugon nito.

Lumabas ako sa bahay nila. Ramdam ko namang nakasunod sa'kin si Riffle.

"Riffle, pwede ka nang umalis. Wala kang mapapala kung nakasunod ka lang sa'kin," sabi ko habang nasa kalsada pa rin ang tingin.

"I already told you, aalis ako rito kapag kasama na kita," sagot ni Riffle. "Even you stab me, I won't leave here."

"Ano ba kasing kailangan mo sa'kin?" Hinarap ko siya. "Sex na naman? Fine! Pagbibigyan kita at pagkatapos non ay umalis kana."

Nag iba ang itsura nito. Tinitigan ako nito at basta na lamang nilampasan. Na-offend ba siya? Na-o-offend ba ang mga gagong kagaya niya?

Napahinga na lang ako nang malalim at naglakad pauwi. Nadatnan ko si Riffle na may kausap sa cellphone at French ang salita. Hindi ko siya pinansin at dumiretso na lang sa kusina para maghanap ng kakainin ko.

Bahala siyang mamatay sa gutom. Hindi ko siya ipagluluto ng pagkain. Hindi ko rin siya pakukuhanin sa mga stocks ko.

Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay dumiretso ako sa kwarto ko. Ini-lock ko iyon para hindi makapasok si Riffle. Hindi ko maintindihan ang tumatakbo sa isip ng lalaking yun. Magkadikit ba ang pusod namin at palagi siyang nakadikit sa'kin?

Itinulog kona lang ang inis ko kay Riffle. Nang magising ako ay alas tres na ng hapon. Lumabas ako ng kwarto. Nadatnan ko si Riffle sa sala na nagbabasa ng magazine.

"I already cooked for you," sabi nito. "Don't worry, hindi ko ginalaw ang mga stocks mo. I won't eat unless you say."

"Bahala kang mamatay sa gutom diyan," masungit kong sambit at dumiretso sa kusina.

May nakita akong nakahain. Naupo ako at agad kumain. Bahagyang gumaan ang mood ko dahil masarap ang luto ni Riffle.

"Josefina.." muntik na akong mabulunan nang biglang sumulpot si Riffle. "Someone's looking for you."

"Papasukin mo!" inis kong sabi.

Tumango lang ito at lumabas ng kusina. Maya maya lang ay pumasok si Mirajane kasunod si Belle.

"Gusto mong sumali sa pa-party namin para sa first month ng Anak ni Thalia?" tanong ni Mirajane. "Malayo pa naman pero pinaghahandaan na namin."

Nakangiting tumango ako. "Oo, sabihan niyo ako kapag sisimulan na."

"Ililista namin ni Mirajane yung mga gagamitin natin," sabi ni Belle. "Tatanungin ko rin yung ibang nandito kung gusto nilang sumali."

"Josefin–"

"–Sinabi ko bang pumasok ka!?" inis kong singhal kay Riffle.

Ewan ko pero naiinis ako sa kaniya. Gusto ko siyang suntukin sa mukha. Nakakagigil ang itsura niya.

"Don't shout," malamig na sabi nito at lumabas ng kusina.

"Galit na galit ka naman kay Riff," sabi ni Mirajane.

"Nakakainis kasi siya," sagot ko. "Ayaw pang umuwi sa kanila. Dito pa nanggugulo."

"Anong nanggugulo? Nakakatulong kaya siya," sabi ni Belle. "Siya nga ang tumulong kay Thalia, eh."

Napahinga ako nang malalim at hindi na sumagot.

"Mukhang mainit ulo mo ngayon, tuloy na kami," natatawang paalam ni Belle.

Tumayo silang dalawa at lumabas ng kusina. Tinapos ko naman ang pagkain ko bago ako tumayo.

"Kumain ka doon kung gusto mo," masungit kong sabi sa kaniya bago pumasok sa kwarto ko.

Pakakainin kona, baka dito pa mamatay kasalanan ko pa.

Tumunog ang cellphone ko at agad ko namang sinagot ang tawag nang makitang si Isaiah ang tumatawag.

"Hello," bungad ko sa kaniya. "Bakit?"

"Papunta ako diyan para magdala ng stocks mo," sagot nito na ikinatigil ko.

"Marami pa akong stocks," sagot ko. "Dapat tumatawag ka muna kapag pupunta ka."

Paano kapag nakita niya si Riffle? Ede may world war three na naman? Ako na naman ang ma-i-stress.

"Why?" kahit hindi ko siya nakikita alam kong nakakunot ang noo niya. "Are you hiding something?"

"Anong itatago ko? Panty ko?" Kailangan kong magsungit sa kaniya.

"Nasa gate na ako. Ibaba kona ang tawag," sabi nito.

Namatay ang tawag kaya nagmamadali akong lumabas. Dumiretso ako sa kusina at nadatnang kumakain si Riffle.

"Magtago ka," nagmamadaling sabi ko. "Malapit na si Isaiah kaya magtago ka!"

"I'm eating," walang emosyong sagot nito.

"Pakielam ko!?" inis kong sabi. "Doon ka sa kisame magtago. Kapag nakita ka ni Isaiah, sisiguraduhin kong huling hininga mona."

"Fine," sagot nito at binitbit ang kaniyang kinakain.

Nagtungo siya sa banyo kung nasaan yung butas paakyat sa kisame. Nang masiguro kong nakapasok na siya sa kisame ay lumabas na ako. Napatalon pa ako sa gulat dahil nasa sala na si Isaiah na may dalang mga grocery.

"You look tense," sabi nito at mariin akong tinitigan. "You're hiding something, Death."

"Wala nga akong tinatago," sagot ko. "Wala ako sa mood makipag sagutan ngayon."

"Just make sure that you're not hiding something," malamig na sabi nito. "Here's your stocks. Dinamihan kona dahil matagal tagal akong hindi makakadalaw."

"Hindi mona ako kailangang dalawin o dalhan ng stocks. Hindi ako preso, Isaiah," sabi ko at umirap. "Isa pa, may pera ako. May mga kasama akong mamalengke."

"Do you have boyfriend here?" tanong ni Isaiah.

"Bobo ka ba? Sa tingin mo may boyfriend ako rito?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Isaiah, mukhang kulang ka sa tulog. Matulog ka muna."

Natawa ito. "Masyadong mainitin ang ulo mo. Aalis na ako dahil pupunta kaming Palawan ni Oscar. Take care here and call me kung nasundan ka ni Riffle."

He's already here. Nasa kisame ng bahay ko.

"Oo. Ingat ka sa byahe."

Hinalikan nito ang noo ko bago tuluyang umalis. Nang masiguro kong wala na ito ay binato ko ang kisame.

Maya maya lang ay lumabas ng banyo si Riffle na salubong ang kilay. Tinaasan ko lang ito ng kilay.

"Wag mo akong bigyan ng ganiyang attitude," masungit kong sabi sa kaniya.

"You're soft when it comes to him," nag iigting ang pangang sabi nito. "I think I need to kill that bastard!"

"Pakielam mo ba?" Naupo ako at kinalkal ang mga pinamili ni Isaiah. "Wala kang pakielam sa relasyon namin ni Isaiah, okay?"

Lumapit ito sa'kin. Naestatwa ako sa kinauupuan ko nang hawakan nito ang noo ko.

"Don't test my patience, Josefina," bulong nito bago punasan ang noo ko. "Sisiguraduhin kong uungol ka sa'kin kapag nasagad mo ang pasensiya ko."

Tinulak ko naman siya. "Baliw! Baliw! May saltik ka sa ulo!'

Inis akong tumayo at padabog na pumasok sa kwarto ko.

UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain Where stories live. Discover now