UC:17

892 46 8
                                    

     

      "JOSEFINA..." Napamulat ako ng mga mata nang marinig ang boses ni Riffle. "Hey..."

Bumungad sa'kin si Riffle. Ang lapit ng mukha nito sa'kin at parang isang galaw ko lang ay magtatagpo na ang labi namin.

"Bakit nandito ka?" tanong ko at lumayo sa kaniya.

Hinapit naman ako nito kaya napalapit ulit ako sa kaniya. "Don't move, malapit ka nang mahulog sa kama."

"Bakit nandito ka?" salubong ang kilay na tanong. "Lumayo ka sa'kin kung ayaw mong butasan ko lalo ang tagiliran mo."

He shrugged his shoulder before move away.

"Hindi na niya napigilan ang pagkasabik sa'yo kaya pinili kana niyang puntahan," sabad ni Azure na sumulpot mula sa pinto. "Ganiyan ka kamahal ni Boss Riffle."

"Which part of your body you want me to cut?" malamig na tanong sa kaniya ni Riffle.

"Sabi ko nga, doon na lang ako sa kusina," sabi ni Azure at mabilis na naglaho.

Napahilot naman ako sa sintido ko nang kumirot ito. Paselan nang paselan ang pagbubuntis ko, madalas kumirot ang ulo ko at madalas din akong mahilo. Madalas din akong mainis kahit kaunting bagay. Kapag may naamoy akong hindi maganda, magsusuka agad ako.

"What's wrong?" tanong ni Riffle, na may halong pag aalala? "May masakit ba sa'yo?"

"Masakit lang ang ulo ko," sagot ko.

"Let me massage it..." Pumwesto ito sa tabi ko. Napapikit na lang ako nang idampi niya ang magkabilang kamay niya sa ulo ko at masahiin ito. "Better?"

Tumango lang ako at dinama ang pagmamasahe niya. Wala ako sa mood na mainis sa kaniya kaya pipilitin ko munang maging mabait.

"Ayos na," sabi ko. "Salamat."

Umalis ako sa kama at dumiretso sa banyo para maghilamo at magmumog. Hindi kona pinansin si Riffle na nakatingin sa'kin at dumiretso na lang sa kusina dahil gutom na ako.

"Anong ulam?" tanong niya kay Azuke na kumakain.

"Cornbeef tsaka daing," sagot nito. "May ham din tsaka itlog."

"Gusto kong bacon," sabi ko bago maupo. "Lutuan mo akong bacon.."

"Ako na," sabad ni Riffle na kapapasok lang ng kusina. "Azuke, after you ate, you may leave."

"Sige boss," sagot ni Azuke at tumango pa. "Yung komisyon ko at sports car?"

"Ipadadala ko sa lungga mo," sabi ni Riffle.

Nang matapos akong lutuan ni Riffle ay inilapag niya iyon sa harapan ko. Maliit lang akong ngumiti bago magsimulang kumain.

"Alis na ako," paalam ni Azuke. "Penge namang pang-gas. Kawawa naman ako kung magtutulak ako."

"Buraot ka talaga!" singhal ko sa kaniya.

"Hindi ako buraot, nagtitipid lang," nakangising dahilan nito bago maglahad ng palad. "Boss Riffle, tiniis ko ang ulo ni Death. Kahit five hundred lang."

"Fine." Dumukot ng isang libo si Riffle at ibinigay kay Azuke.

Ngumisi naman sa'kin si Azuke bago halikan yung isang libo. "Mainggit kana lang."

Mabilis itong umalis dahil mukhang natunugan niya sasaksakin ko siya ng tinidor. Nilingon ko si Riffle. Nahuli kong nakatingin ito sa'kin.

"What?" tanong nito.

Naglahad ako ng kamay. "Ako rin, pahingi. Tiniis ko ang kabwisitan ni Azuke kaya deserve ko rin ng pera."

He chuckled. "Okay. . ."

Akala ko ay isang libo lang ang ilalagay niya sa palad ko. Nagulat ako ng black card ang bumungad sa'kin.

"You can buy whatever you want," sabi nito.

"Lalabas tayo mamaya," sabi ko. "Mamimili ako ng mga damit ko dahil lumiliit na yung mga damit ko sa'kin. Tumataba na ako."

"You're still sexy," malambing na sabi nito. "Mas sexy ka ngayong buntis ka."

"Wag mo akong bolahin," masungit na sabi sa kaniya. "Inis pa rin ako sa'yo kahit anong mangyari."

Hindi na ito kumibo at naupo na lang. Pinagmasdan ko siya at napansin kong parang may iniinda siya. Nakita ko ang kamay niya na sumapo sa kaniyang tagiliran.

Nakalimutan ko, sariwa pa pala ang sugat nito sa kaniyang tagiliran.

"Ayos ka lang ba?" hindi mapigilang tanong ko. "You look hurt."

"I'm fine," tugon nito. "This is just a piece of shit."

Tumayo ako at nilapitan siya. Wala itong nagawa nang iangat ko ang kaniyang suot na t-shirt. Nakita ko ang maraming dugo sa kaniyang benda. Mukhang bumuka ang sugat niya.

"Bumuka ang tahi mo," sabi ko. "Are you planning to die here? Aba, wag dito. Responsibilidad pa kita."

"I'm fine." Hinawakan nito ang kamay ko. "I can't die here. I want to see our child before I die."

"Diyan ka lang at tatawag ako ng Doctor," mahinang sabi ko.

Nagtungo ako sa sala at tinawagan sa telepono ang Doctor dito. Ibinigay sa'kin ni Belle ang number noong unang dating ko rito.

Binalikan ko si Riffle at nakita ko itong nakadukmo sa lamesa. Kinuha ko ang pagkain niya at tinabihan siya.

"Hawakan mo ang isang kamay ko," sabi ko at inilahad sa kaniya ang kaliwang kamay ko. "Gusto ko lang masiguradong buhay ka."

Nag angat ito ng tingin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi na siya kinausap. Komportable ako sa ginagawa niya.

Maya maya ay dumating ang Doctor. Nanlalata na si Riffle kaya tinulungan kona siya para makapunta sa sala. Pinahiga siya sa sofa bago umpisahang tanggalin ng Doctor ang kaniyang benda.

"Ang dami nang nawalang dugo sa kaniya," sabi ng Doctor. "Hindi siya pwedeng kumilos kilos muna dahil siguradong bubuka na naman ang sugat niya."

Sinimulang tahiin ang sugat niya. Wala namang kibo si Riffle at hinawakan lang ang kamay ko.

"We will go shopping after this," sabi ni Riffle.

"Hindi," masungit kong tugon. "Narinig mo naman ang sinabi ng Doctor, diba? Bedridden ka muna. Hindi ba ayaw mo pang mamatay? Dapat matuto kang sumunod."

Nang matapos ang Doctor ay nag iwan ito ng gamot bago umalis. Hindi siya nagpabayad dahil bayad raw siya ng underground.

"Tatawagan ko si Azuke para tulungan akong alagaan ka," sabi ko. "Baka kasi matuluyan kita."

Kinuha ko ang cellphone ko at agad namang sumagot si Azuke.

"Ano? Miss mo agad ako?" bungad nito sa'kin. "Hindi pa ako nakakaalis, tumawag kana agad. Nandito ako sa labas, nakahiga sa kotse ko."

Kunot noong tumayo ako at sumilip sa labas. Nakita ko si Azuke na nakaupo sa kotse niya. Kumaway ito sa'kin.

"Wag ka munang umalis," labag sa loob na sabi ko. "Mamamatay na yata si Riffle kaya kailangan nating alagaan."

"Gagawin niyo pa akong third wheel." Bumaba ito ng sasakyan niya. "Sige na, pero may bayad, ah?"

Pinatay ko ang cellphone at binalikan si Riffle. Natutulog na ito habang nakasapo sa kaniyang tagiliran.

"Uutusan kitang mamalengke," sabi ko kay Azuke bago iabot sa kaniya ang black card ni Riffle na may kasamang listahan. "Dapat kumpleto yan, ah? Tawagan mo ako kapag papasok kana dito sa village para maitawag ko sa mga bantay ang tungkol sa'yo."

"Shit, black card!" Nangningning ang mga mata nito.

"Dapat ang mga nagastos mo lang ang mababawas diyan," sabi ko. "Subukan mong gumastos ng iba at itutumba kita."

"Sa tingin mo, natatakot ako sa'yo?" tanong nito. "Siyempre, oo."

Tumawa ito nang malakas bago lumabas ng bahay. Napahilot na lang ako sa sintido ko. Makukunan yata kapag kasama ko ang dalawang abnormal na ito.

UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain Where stories live. Discover now