UC:5

2.7K 87 26
                                    

   
  NAKAKAINIS! bakit ba hindi ako mapakali? Kaharap ko na si Riffle, may pagkakataon na akong tanungin siya nang tanungin pero ito ako, parang isang pipi.

"Don't you like the food?" Napaigtad ako nang mag angat ng tingin sa'kin si Riffle. "Gusto mong magpakuha ako ng iba?"

"H-hindi.." Sunod sunod akong sumubo.

"Masyado kang kabado," bulong sa'kin ni Azuke. "Nasaan ang tapang at inis mo, Josefina?"

Sinamaan ko siya ng tingin at siniko sa tiyan. Napaubo naman ito dahil napalakas ang pagkakasiko ko sa kaniyang tiyan.

"Shut the hell up, Azuke." masungit kong sabi sa kaniya.

"Sa'kin ganiyan ka pero pagdating kay Riffle, tiklop ka." Pumalatak ito. "Riffle, gisahin mona itong si Death, hangga't kabado."

"Let her eat, Azuke. Shut your mouth or else I will shut that using my gun," malamig na sabi ni Riffle sa kaniya.

Mabilis namang napatahimik si Azuke, kahit ako ay napatahimik. Bakit ganito kalakas ang awra niya kapag malapitan? Ang lakas ng loob kong pagbantaan siya pero tiklop naman ako kapag sobrang lapit na niya.

"Don't be nervous at me, Josefina. I won't hurt you," malamig man ang boses nito pero nahihimigan ko doon ang lamyos at lambing–

Shit! Ano bang pumapasok sa isip ko? Nandito ako para patayin siya at hindi i-admire.

"Nandito ako para itanong kung bakit pinahihirapan mo si Isaiah," pag-o-open ko ng topic. "Isaiah is my friend. I treasure him the most because he's important to me."

"Hmm? I won't answer that private question," walang emosyong sabi nito.

"Sabi mo sa tawag, tanungin kita ng kung anong gusto ko!" Nagsalubong ang kilay ko. "Ako ba pinaglololoko mo?"

"Except that question," sagot nito. "And please, don't involve any men when you're asking question. Pangalan ko lang dapat ang maririnig kong babanggitin mo."

"Siraulo kaba!?" singhal ko sa kaniya. "Anong gusto mong itanong ko sa'yo? Ilan taon ka?"

"I'm twenty nine," napatanga na lamang ako nang sumagot ito.

Ito na. Nagsisimula na siyang painitin ang ulo ko. Gusto ko siyang saksakin gamit ang tinidor na hawak ko.

"Nagseselos kasi," sabi ni Azuke. "Ang slow mo naman. Type ka ni Riffle."

"Tigilan mo ako!" Sinuntok ko siya sa balikat. Sa kaniya ko ibinuhos ang pagkainis ko kay Riffle. "Umuwi na tayo, Azuke, mukhang wala rin naman pala tayong mapapala sa lugar na 'to."

"You can't go outside, Josefina," malamig na sabi ni Riffle. "Marami nang nagkalat na Rebel Mafia sa labas. Kapag nakita ka nila, papatayin ka nila."

"At anong gusto mong gawin ko? Mag stay dito kasama ka!?" galit kong tanong. "Kating kati akong patayin ka, Riffle, pero hindi kita pwedeng galawin dahil suspended ako!"

"Pwede mo akong galawin sa ibang paraan." Tumaas ang isang sulok ng labi nito.

Parang gustong matanggal ng puso ko dahil sa sinabi nito. Nag init din ang pisngi ko at alam kong namumula ako ngayon.

"Iba ka talaga, Boss Riffe!" Tumayo si Azuke. "Tuloy muna ako, ah? Tawag ka lang sa'kin, Boss Riffle, kapag susunduin kona si Death."

"Wag mo akong iiwan dito, sinasabi ko sa'yo, Azuke, sasamain ka sa'kin!" 5 lumabas. Tumayo naman ako para habulin siya. Akmang bubuksan kona ang pinto ngunit hindi natuloy nang may mga brasong humila sa'kin at isinandal ako sa pader.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Riffle, na sobrang lapit sa'kin ngayon. Ramdam ko ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko.

"May papasok," bulong nito at lalo pang idiniin ang kaniyang sarili sa'kin.

Bumukas ang pinto at iniluwal ang isang lalaki. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakaharang sa'kin si Riffle.

"Who told you that' you're allowed to come in?" malamig na tanong ni Riffle sa pumasok. "Get out, Tuazon! You're disturbing me!"

"S-sorry, King." Nagmamadaling lumabas ang pumasok.

Itinulak ko naman si Riffle palayo sa'kin. Tumikhim ako at umayos ng tayo.

"Your boobs is soft," nakangising sabi nito, dahilan para mag init ang pisngi ko.

"Pervert!" singhal ko sa kaniya.

He chuckled. "You can go home tomorrow. Stay here with me. Don't worry, I won't touch you without your permission. I won't hurt you too. I will just stay here to guard you."

"Bakit mo ginagawa 'to?" seryosong tanong ko sa kaniya. "Hindi ba dapat ay pinatay mona ako? Hindi ba dapat ay pinababayaan mo ako? Bakit mo ginagawa ang bagay na 'to, Riffle?"

"Rest, Josefina." Tinalikuran ako nito. "I will answer that question if you touch my lips using your lips. In other words, you need to kiss me first, before I asnswer all your question."

Sinamaan ko lang ito ng tingin. Pabukakang naupo ito sa sofa at hinubad ang kaniyang t-shirt. Sumandal ito sa sofa kaya mukha na siyang nakahiga. He took his laptop and place it to his abs.

"Quit staring me, Josefina." Napaiwas ako ng tingin. "Why? You want to slap with my abs?"

"Ulol!" singhal ko sa kaniya.

Lumapit na lamang ako sa kama niya at naupo. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Napasimangot ako dahil ala una pa lang nang tanghali.

"Anong gagawin ko rito? Papatayin na lang sa tingin si Riffle?" bulong ko sa sarili.

Dumako ang tingin ko kay Riffle. Hinahagod nito ang may kahabaan niyang buhok. Ang haba ng leeg niya, ang ugat. Sakalin ko kaya siya mula sa likuran?

"You want to choke me from behind, right?" Napaigtad ako nang lingunin ako nito. "I can easily read your mind even I'm not looking at you."

Sasagutin kona sana siya pero natigilan ako nang tumunog ang cellphone ko. Sinenyasan ko si Riffle, na wag maingay bago sagutin ang tawag.

"Isaiah," sabi ko sa kabilang linya. "What do you need?"

"Where are you?" he asked, coldly. "Oscar said, you're in Manila. Riffle is in Manila too. Pinuntahan mo ba siya? I already warned you, Death."

"I'm suspended, right? Kahit kasama ko siya hindi ko naman siya pwedeng galawin. Just calm down, Isaiah. Hindi ako gagawa nang ikapapahamak ng trono mo," seryosong sagot ko. "Riffle is with me, right now."

"Damn! Umalis ka diyan. I'm sure he planned something against you," sabi nito. "Tell me, where are you? I will go there."

Sasagot na sana ako pero may umagaw sa cellphone ko. Sinamaan ko ng tingin si Riffle pero hindi ito nagpatinag.

"Je ne ferai pas de mal, Josefina. Elle n'est pas impliquée dans notre combat. Arrête de ruiner mon nom avec elle. Elle est à moi, Isaiah." Napatanga na lamang ako nang mag french ito.

Hindi ko pa gamay ang salitang iyon kaya hindi ko alam ang sinabi nito kay Isaiah.

Pinatay nito ang tawag at ibinulsa ang cellphone ko.

"That's my phone!" angil ko sa kaniya.

"I will give this to you tomorrow." Tumaas ang balahibo ko nang hawakan nito ang baba. "Stop thinking other men when you're with me, Josefina. Sa'kin lang dapat ang atenisyon mo, maliwanag ba?"

Napalunok ako at wala sa sariling tumango. Hindi ko kinaya ang himig niya. Nakakatakot.

"Good girl," bulong nito at binitiwan ang baba ko..

UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain Where stories live. Discover now