UC:10

2K 57 18
                                    

       "SIGURADO ka bang magiging maayos ang Underground kapag wala ako?" tanong ko kay Isaiah.

"Hmm.." Tumango ito habang binaba ang mga gamit ko.

Nakarating kami sa village sa Pampanga kung saan puro mga parte ng Underground ang nakatira. Malaki ang village nila Isaiah at talagang mahigpit ang security.

Tahimik din sa Village at mukhang mababait ang mga tao.

"Kapag may kailangan ka ay tawagan mo lang ako," sabi nito. "Dadalaw dalawin din kita kapag may time."

"Anong tingin mo sa'kin? Pasyente?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako baliw na nasa rehab. Kaya kona ang sarili ko, Isaiah."

"You're not sure about that," makahulugang sabi nito. "What if you're pregnant? Kailangan mo ng uutusan kapag naglilihi ka."

Sinuntok ko ang tiyan niya dahil sa kaniyang sinabi. Napaubo naman ito at tumatawang napalayo sa'kin.

"Hindi nga ako buntis!" gigil kong sabi at sinamaan siya ng tingin. "Tantanan mo ako, Isiah."

"Okay," sabi lang nito. "I'll go now. Take care yourself and your baby."

Bago ko pa siya muling masuntok ay mabilis na itong sumakay sa kaniyang sasakyan. Bumusina ito ng tatlong beses bago umalis.

Napahinga naman ako nang malalim at kinuha ang dalawang maleta ko. Tiningnan ko muna ang parang apartment na nasa harapan ko bago umakyat sa second floor.

Malinis at malawak na kuwarto ang bunungad sa'kin nang makapasok ako sa titirhan ko. May maliit na kusina at may isang pinto na sa tingin ko ay kuwarto.

"Hindi ako sanay sa ganito," nakasimangot kong sabi bago pumasok sa kuwarto.

Napairap ako dahil pink ang design at kulay ng kuwarto. Inilapag ko ang maleta ko sa gilid bago tumalon sa aking kama.

"Tatamaan ka talaga sa'kin, Isaiah," bulong ko at napahinga nang malalim. "Pink talaga?"

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Isaiah pero hindi sumasagot. Ibababa kona sana ang cellphone ko pero tumunog ito.

"Isaiah! Bakit pink ang kuwarto ko!?" bungad ko rito dahil pakiramdam ko ay si Isaiah ang tumawag.

"Where are you?" Natigilan ako nang makilala ang nasa kabilang linya. Malakas na kumabog ang dibdib ko at parang may bumara sa lalamunan ko. "Josefina..."

Tumikhim ako. "Anong kailangan mo?"

"You.." malamig na sagot nito. "You're not home, even your things and clothes are not here. Saan ka dinala ni Isaiah?"

"Wala ka nang pakielam doon!" inis kong sagot. "Tantanan mo ako, Riffle."

Pinatay ko ang tawag. Pinatay kona rin ang cellphone ko dahil siguradong mangungulit iyon, may posibilidad rin na i-track niya ako.

Napahinga na lang ako nang malalim at napag isipang ayusin na lang ang mga gamit ko dahil biglang nawala ang antok ko nang marinig ang boses ni Riffle. Hanggang ngayon ay pabalik balik pa rin sa isip ko ang nangyari sa'min ni Riffle. Kung maibabalik lang ang oras ay hindi ko gagawin ang bagay na yun.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko, naisipan kong lumabas para malibot ang buong compound. Kapag may napupuntahan kasi akong lugar, gustong gusto kong kinakabisado para alam ko ang gagawin ko, incase na may mangyari.

"Hi, bago ka dito?" Napalingon ako sa isang gate nang may magsalita.

Nakangiting kumaway sa'kin ang isang babaeng may malaking tiyan.

"Oo," sagot ko at naglakad palapit sa kaniya. "Ikaw? Matagal kana dito?"

"Magtatatlong taon na," nakangiting sabi nito. "Magmula nang mapangasawa ko ang isa sa mga tauhan ni Isaiah ay dito na ako tumira. Tahimik sa lugar natin pero masaya. Mababait din ang mga tao dito."

Napatango na lang ako.

"Gusto mong kumain? Nagluto akong macaroni salad," alok sa'kin nito. "Oo nga pala. Ako pala si Thalia."

"Ako nga pala si D--Josefina. Ang luma ng name ko kaya Fina na lang siguro ang itawag mo sa'kin," sabi ko. "Mauna na rin ako, Thalia. Iikutin ko itong compound kasi gusto kong kabisaduhin."

"Sige, daan ka rin minsan dito, ah? Wala akong kasama ngayon kaya masaya akong magkaroon ng bisita."

Nakangiting tumango lamang ako bago tuluyang umalis. Marami pa akong nakilalang mga tao habang gumagala ako sa compound. Mas lalong tumaas ang respeto ko kay Isaiah dahil sa ganitong compound na ginawa niya. Ang daming pamilyang mga nandito at mukhang madadagdagan pa ang mga ito.

Isaiah looks cruel, but deep inside, he value all of his men. Saksi rin naman ako kung paano niya mahalin ang mga tauhan niya. Never niyang iniwan sa laban ang kaniyang mga tauhan. He always respect his men, wag nga lang siyang gagalitin ng mga ito.

"Kapagod," sabi ko nang makabalik ako sa tinutuluyan ko.

Naupo ako sa sofa at doon humiga. I took a napped and when I woke up it's already dark outside. Didiretso na sana ako sa kusina kaya lang natigilan ako nang may kumatok. Dumiretso ako sa pinto at bumungad sa'kin si Thalia at Mirajane na may dalang mga pagkain.

"Pasensiya na sa abala," sabi ni Mirajane. "Mag isa lang kasi ako sa bahay kaya naisipan kong magdala ng ulam na niluto ko para dito na makikain sa'yo. Oo, makapal talaga ang mukha ko."

"Ganyan din ang nasa isip ko at nagkasabay kami ni Mirajane," sabi naman ni Thalia.

Napakamot ako sa ulo ko. "Kagigising ko lang at wala pa akong kanin. Hindi ko kasi napansin ang oras."

"Kanin ba?" Sumulpot si Belle. "Nakita ko kasi sila Mirajane at Thalia. Hindi pa bumabalik yung boyfriend ko kaya nagdala akong kanina para maki-join sa inyo."

"I guess, plato lang ang ambag ko," natatawang sabi ko. "Pumasok na kayo."

Nagsipasok ang tatlong babae. Dumiretso kami sa kusina. Naghain ako at nagsimula na kaming kumain.

"Curious ako kung sino ang boyfriend or asawa mo sa mga nasa Underground," sabi ni Thalia.

"Wala akong boyfriend," sagot ko, na bahagya nilang ikinagulat. "Nandito lang ako dahil gusto akong ilayo ni Isaiah."

"Isaiah?"

"Parte ako ng Underground bosses," sabi ko.  Mapagkakatiwalaan naman sila kaya hindi kona ililihim. "Kilala ako bilang si Death."

"Death? Kapatid ka ni Oscar?" Tumango ako kay Mirajane. "Grabe, hindi ko inexpect iyon."

"Hindi halata ngayon dahil ang simple kong tingnan," sabi ko. "Believe me, hindi niyo ako lalapitan kapag nakilala niyo ang tunay na ako."

"Marami akong naririnig na tungkol sa'yo. Pero mukhang hindi ka naman ganoon kadelikado," sabi ni Belle. "Mukhang sa kaaway ka lang naman delikado."

"Maybe," kibit balikat kong sagot.

"You're one of the bosses but you are here," napahawak si Thalia sa baba niya na parang may malalim na iniisip. "I guess, sobrang delikado ang nakaambang sa'yo?"

"May baliw kasing naghahabol sa'kin," natatawang sagot ko. "Wanted rin ako sa Rebel Mafia sa ngayon."

"Don't worry, safe na safe ka sa lugar na'to," sabi ni Thalia. "Pamilya rin tayo dito kaya kapag may problema ka, puntahan mo lang kami at handa kaming makinig sa'yo."

"Thanks."

Mukhang sa bago kong buhay na 'to magiging anghel ako. Sana hindi ako mamatay kapag naging mabait ako ng mga ilang araw.

UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain Where stories live. Discover now