UC:18

1.5K 58 31
                                    


"WAG ka ngang makulit!" inis na singhal ko kay Riffle. "Kung gusto mong mamatay, wag dito! May nalalaman ka pang gusto mong makita ang Anak mo tapos unti unti mo namang pinapatay ang sarili mo ngayon."

"Fine, just calm down," mahinahong sabi nito. "Uupo na ako. Don't be mad. It's bad for our baby."

Napahinga ako nang malalim at napasapo sa tiyan ko. Ilang araw na akong nagbubunganga kay Riffle dahil ayaw nitong makinig sa'kin. Ilang beses nang bumuka ang sugat niya pero walang kadala dala.

Kilos nang kilos! Daig pa may bulati sa pwet ng lintik. Sa buong buhay ko, ngayon lang ata ako na-stress nang ganito. Wala pa man ding tatlong buwan ang Anak ko, lalabas na ata.

"Death-"

"-Isa ka pa!" singhal ko kay Azuke. "Hindi ba sinabi kong wag mong ikalat kung saan saan ang mga damit mo?"

Damn! I felt like I'm mother of two because of them. I badly want to cut their throat and throw their body in the river.

"Anong ginawa ko?" inosenteng tanong ni Azuke. "Boss Riffle, wag mo kasing inaaway. Nadadamay ako, eh."

"Shut the fvck up!" singhal sa kaniya ni Riffle. "Go to fvcking backyard and do the fvcking laundry!"

Hinarap ko si Riffle. "Why are you cursing? Are you mad?"

"N-no," mahinahong sabi nito. "Sorry."

Napahilot na lang ako sa sintido bago kainin ang tinapay na kinuha ko. Naupo ako sa tabi ni Riffle na tahimik lang na nakaupo habang sapo ang kaniyang tagiliran.

"Isa pang buka ng tahi mo, bubuka buong tiyan mo sa'kin," banta ko sa kaniya. "Pakiusap lang, magpakabait naman kayo ni Azure. I don't want to lose my child, Riffle."

"Am I bad father?" Napalingon ako rito. "S-sorry."

Bigla naman akong na-guilty. Kahit kasi mukhang walang pakielam kung tingnan si Riffle, alam kong nasasaktan siya. Kabisadong kabisado kona ang emosyon niya.

"Wag kang mag overthink," masungit na sabi ko at inabutan siya ng tinapay. "Oh, ikain mo yan."

Kinuha naman nito ang tinapay at kinain.

"Death!"

Pareho kaming napalingon sa likuran nang may magsalita. Sila Thalia, with Baby Crystal.

Ang taba nito. Ang bilis ding lumaki ng Anak ni Thalia. Parang kailan lang parang laruan lang 'to.

"Araw araw naming naririnig ang bunganga mo," sabi ni Mirajane. "Ano bang mayroon? Stress na stress ka."

"Wala naman," sagot ko lang bago kuhanin si Crystal kay Thalia. "May dalawang makulit lang na lalaki na palaging nagpapakulo ng dugo ko."

Natawa si Thalia. "Wag kang mag aalala at hindi ka nag iisa. Ganiyan din nag naranasan ko noon kay Cris."

"She's always mad," sabi ni Riffle kaya tumaas ang isang kilay ko. "I just want to walk."

"Riffle, makinig kana lang muna kasi kay Death. Nag aalala sa'yo ang asawa mo," sabi ni Belle. "Matuto kang makinig sa asawa mo."

"Wife?" Nakita ko ang kumukubling ngiti sa labi ni Riffle. "Yeah, I need to listen to my wife."

Hindi kona siya kinontra dahil wala na akong lakas makipagtalo pa. Sobrang drained na ako sa kanila ni Azuke.

"Lalabas kami bukas, gusto mong sumama?" tanong ni Thalia. "Plano naming igala gala si Crystal."

Tumingin ako kay Riffle. "Pass muna siguro ako. May kailangan pa akong bantayan. Hindi naman ito pwedeng sumama dahil may sugat pa. Siguradong susunod naman 'to kapag hindi ko siya sinama."

Natawa si Mirajane. "Kapag talaga umuwi ang asawa ko, magpapalambing din ako."

Natawa lang ako bago laruin si Baby Crystal.

Saglit pang nag stay sila Thalia bago sila magpaalam. Napahikab naman ako at nag unat.

"You can sleep," malambing na sabi ni Riffle. "Promise, I will just stay here."

"Hindi ako inaantok," sagot ko. "Yung bumaril sa'kin, kilala mo ba?"

Tumango ito. "Isa sa tauhan ng mga bosess ko sa Underground."

"Mukhang may traydor na talaga sa underground mo," natatawang sabi ko. "Mukhang humihina yata ang pwersa mo, Riffle. Hindi na ako magtataka kung mapabagsak agad kita. Masyado kang nagiging easy. Hindi ka gan'yan, Riffle."

"No, I'm not," tugon nito. "I have a plan, Josefina."

"Riffle, wag kang maging masyadong mapanatag sa'kin. Kaaway ka pa rin ng underground namin. Dinadala ko lang ang Anak mo pero hindi ibig sabihin non ay hindi na kita kayang patayin," nakangising sabi ko. "Wag kang tanga."

"I know," tipid na sagot nito. "And I'm willing to sacrifice my whole life again just to make sure that you and our child are safe."

Sinalubong ko ang titig nito. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang isang emosyong dumaan sa kan'yang mga mata na mabilis ding nawala. Bakit parang ang sakit nung emosyon? Bakit ang lungkot?

"Wag mo akong kaawaan," malamig na sabi nito. "I hate that emotion."

Umirap ako sa kan'ya. "Riffle, natunugan na ng mga kasamahan mo ang lugar na 'to at may nakapasok na rin. Gusto kong dalhin mo ako sa lugar na walang madadamay na iba."

"I have a better place near here," tugon nito. "Walang nakakaalam ng lugar na yun maliban sa'kin."

"Bukas ay aalis tayo rito." Nilingon ko siya. "Ayokong madamay lahat ng tao na nandito."

"Ipapahanda ko kay Azuke ang lahat-"

"-Narinig ko ang pangalan ko," speaking of the devil. "Ano na naman ang iuutos niyo? Pagod na pagod na ako."

"I'll talk to you later," sabi ni Riffle sa kaniya. "How about that fvcking Isaiah?"

"Kakausapin ko siya," sagot ko. "Diyan muna kayo."

Tumayo ako at dumiretso sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko at agad tinawagan si Isaiah.

"Death!" singhal agad nito sa'kin. "Are you out of your mind!? Bakit kasama mo si Riffle."

Alam na niya. Wala talaga nakakatakas sa tarantadong 'to.

"Isaiah, may dahilan ako," sagot ko lang. "Alam na ng ibang nasa underground ni Riffle kung nasaan ako kaya aalis ako rito at sasama kay Riffle. Kailangan ko rin munang putulin ang ugnayan ko sa inyo."

"Death, bumalik kana lang dito. Hindi ako papayag na makasama mo ang gagong yan!" inis na sabi nito. "Hinahanap ka ng parents mo sa'kin. Si Oscar, siguradong magwawala yun kapag nalaman niyang kasama mo si Riffle."

"Isaiah, para sa lahat itong gagawin ko kaya magtiwala ka lang," tugon ko. "Handa akong maging spy sa Rebel Mafia para lang mapabagsak sila at matapos na ang mga kasamaan nila."

"Sa tingin mo, hindi alam ni Riffle na ganon ang plano mo? Hindi tanga ang gagong yun."

"I'm the boss here, Isaiah. Wala siyang magagawa," nakangising sabi ko. "I will email you secretly kapag may nalaman ako. Bye."

"Death!-"

Agad kong pinatay ang tawag bago humiga sa kama ko. Alam kong sikretong nakikinig si Riffle, ramdam na ramdam ko ang presensiya niya.

Nararamdaman ko ring wala man lang siyang gagawin para patigilin ako sa balak ko. Baliw yata ang lalaking yun.

UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain Where stories live. Discover now