UC:12

1.2K 51 8
                                    

 

     "HANGGANG kailan mo planong mag borles?" salubong ang kilay na tanong ko kay Riffle.  "Magdamit ka nga!"

"Why? You already saw this body," nakangising sabi nito. "I have no clothes, Josefina. Yung kaisa isang damit ko ay hindi pa tuyo."

Napahinga ako nang malalim. Na-i-stress ako sa kaniya.

"Kailan mo planong umalis dito?" tanong ko.

"Kapag handa ka nang sumama sa'kin," kaswal nitong sagot. "Are you hungry? Magluluto akong breakfast natin."

Hindi ko siya sinagot at pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko ang ternong pajama at damit na stitch doon. Kinuha ko rin ang isang boxer na sinusuot ko tuwing natutulog ako.

"Ayan ang damit!" sabi ko at binalibag sa kaniya yun. "Magdamit ka!"

"What the fvck, Josefina? What am I? A kid!?" salubong ang kilay na tanong niya habang nakatingin sa ibinigay kong damit.

"Lumayas ka rito kung hindi ka magdadamit!" singhal ko sa kaniya.

"Fine!"

Padabog itong pumasok sa C.R para magpalit. Napairap na lang ako at naupo sa sofa.

Nang makalabas ito ay pigil ang tawa ko. Nakasimangot ito habang nakatingin sa damit niya.

"Mukha kang hindi dimonyo," pigil ang tawang sabi ko. "Cute.."

"Don't tease me," malamig na sabi nito. "I will make breakfast for us."

Dumiretso ito sa kusina. Nakasunod pa rin ang tingin ko sa kaniya. Nang mawala siya sa paningin ko, doon na ako malakas na napatawa.

Mukha siyang soft person sa suot niya. Parang lalaking matino at hindi gagawa ng masama.

"DEATH!" Napatayo ako nang biglang pumasok si Belle at Mirajane. "Nakauwi na si Thalia. Hinahanap ka niya."

"Mabuti naman," sabi ko at napahinga nang malalim. "Pupuntahan ko siya mamaya para dalhan ng prutas. Excited na rin akong makita ang baby niya."

"Kasama niya ang asawa niya," sagot ni Belle. "Ano yung mabangong amoy?"

"Uhm.." hindi ko alam ang isasagot ko. Baka akalain nila, boyfriend ko ang walang hiyang Riffle na yun. "Yung kaibigan ko, binisita ko. Nagluluto siya ngayon."

"Josefina, what do you prefer?" Napalingon sila sa kusina at bumungad sa kanila si Riffle na may hawak na sandok. "Scrambled egg or not?"

Natigilan naman si Josefina at napatingin sa dalawang bisita niya. Kumikinang ang mga mata ng mga ito habang nakatingin kay Riffle.

"Siya yung nagpaanak kay Thalia, diba?" tanong ni Belle. "Kaibigan ka pala ni Death. Nice to meet you."

"Kaibigan?" kumunot ang noo ni Riffle.

"Ah, binisita niya ako," sabad ko dahil alam kong magrereklamo pa itong si Riffle. "Gusto niyong dito na mag almusal? Riff, dagdagan mo yung niluluto mo, ah? Dito muna kayo, Belle. Tutulungan ko lang magluto si Riff."

Lumapit ako kay Riffle at hinila ito patungong kusina. Hindi ko pwedeng banggitin ang totoong pangalan nito dahil siguradong makikilala siya ng mga kaibigan ko.

"Riff, huh?" Ngumisi ito. "Is that your call sign for me?"

"Kilala ang pangalan mong Riffle dito," supladang sabi ko. "Kapag tinawag kita sa totoong pangalan mo, siguradong katapusan muna."

"Are you concern at me, Josefina?" tanong nito.

"Ayoko lang ng gulo," sagot ko. "Magluto kana lang, Riffle.."

Nagkibit balikat lang ito at nagpatuloy sa pagluluto. Pagkatapos niyang magluto, naghain na ako at tinawag sila Belle.

"Isama mo mamaya si Riff, gusto kasi siyang pasalamatan ni Thalia," sabi ni Mirajane. "Malaki ang utang na loob niya sa kaibigan mo dahil ligtas sila ng baby niya."

"Hindi kasi pwede si Riff," sabi ko. "May mga gagawin pa siya."

"I'm free," sabad nito kaya tinapakan ko ang paa niya. "What?"

Napahinga na lang ako nang malalim at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ang dalawa. Maliligo raw ang mga ito bago dumiretso sa bahay nila Thalia.

"Hindi ka pwedeng sumama sa bahay nila Thalia," sabi ko kay Riffle. "Isa sa mga tauhan ni Isaiah ang asawa ni Thalia. Siguradong makikilala ka niya."

"Hindi niya ako makikilala," sabi nito. "I want to see the baby."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wag kang makulit, Riffle!"

Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa paghuhugas ng plato. Lumapit naman ako sa ref ko at kumuha ng mga prutas. Hiniwa hiwa ko ang mga iyon at pinagsama sama sa isang malaking tupperware.

"Aalis na ako. Wag kang aalis dito," sabi ko kay Riffle at sinamaan pa siya ng tingin.

"Sasama ako," sabi nito at pinatay ang gripo. "Trust me, Josefina. Hindi ako makikilala."

"Kapag nakilala, hindi kona kasalanan kung mapahamak ka," malamig kong sambit sa kaniya. "Kulit mo!"

Lumabas kami ng bahay. Nang makarating kila Thalia ay pumasok ako sa loob. Sumalubong sa'kin ang asawa ni Thalia. Kinabahan pa ako nang kaunti, nang dumako ang tingin nito kay Riffle.

"Ma'am Death," bati nito sa'kin. "Salamat po sa pagtulong sa asawa ko."

"Wala yun," sagot ko at nginitian siya. "Masyado kang pormal. Death na lang, suspended naman ako. Oo nga pala, kaibigan ko, si Riff. Siya yung tumulong kay Thalia."

"Hello, Boss. Jason pala." Naglahad ng kamay si Jason.

Tinitigan lang ito ni Riffle kaya siniko ko siya. Tumingin naman ito sa'kin bago tanggapin ang kamay ni Jason. Mukhang natakot si Jason sa awra nito at agad bumitaw.

"Ah, puntahan na natin si Thalia," sabad ko.

"Nasa kwarto siya," sabi ni Jason.

Nang makatalikod si Jason ay siniko ko ang tiyan ni Riffle at sinamaan siya ng tingin.

"Umayos ka," sabi ko sa kaniya na may pagbabanta sa boses.

"Okay," mahinahong sabi nito. "Don't be mad.."

Lumambot ang ekspresyon niyo. Para naman akong matutunaw sa titig nito kaya mabilis akong umiwas ng tingin at sinundan si Jason.

Pumasok kami sa isang kwarto at bumungad sa'min si Thalia, na buhat buhat ang kaniyang Anak.

"Hello," bati ko sa kaniya. "Kumusta kana?"

"Ayos na," sagot nito at ngumiti. "Thank you pala sa inyo, ah? Lalo na sa'yo, Riff. Kung wala ka doon baka kung ano pang nangyari sa'min ni Baby."

"It's fine," tipid na sabi ni Riffle.

"Ang ganda ng baby mo. Anong name niya?" tanong ko.

"Crystal Jrenm," sagot nito. "Buhatin mo.."

Maingat ko namang kinuha sa kaniya ang baby at binuhat. Parang may humaplos sa puso ko habang nakatitig ako sa sanggol sa buhat ko.

"Ang ganda ganda mo," bulong ko.

Dumako ang tingin ko kay Riffle at nahuli kong nakatitig ito sa'kin.

"It suits you," sabi nito at nag cross arm. "Can't wait to see you holding our baby.."

Imbis na mainis. Wala sa sariling napangiti na lamang ako.

Nababaliw na ba ako?

UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain Where stories live. Discover now