6

228 29 3
                                    


"Ayaw mo na ba talagang mag-training sa martial arts?"

Parehong naiwan si Lily at Adelaide sa music room dahil biglang may tumawag kay Roseanne na siyang naging dahilan para umalis ito ng agaran.

Nakaupo silang dalawa sa harap ng piano pero imbes na si Lily ang naglalaro ay si Adelaide ang tumitipa sa mga keys ng piano.

Kumpara sa mahihirap na piyesang madalas na tugtugin ni Lily, madaling melody lang ang nilalaro ni Adelaide. Kahit na ganoon ay tinitingnan parin ni Lily ng mabuti ang mga daliri niya at sinisigurado na maitatama nito ang pagkakamali niya kung sakali.

"No. I'm into modelling this days. I think I want to focus on that," sagot ni Lily.

"Pati ba pagpa-piano ay bibitawan mo narin?"

Sa tanong na iyon nawalan ng focus si Lily sa mga daliri ni Adelaide. Huminto siya sa pagtingin doon, inangat ang ulo at tiningnan ang glass cabinet kung saan makikita ang marami nitong mga certificate, trophies and medals na naiuwi mula sa iba't ibang patimpalak sa pagtugtog ng piano.

"Kapag nagpatuloy na ako sa pagmomodelo ay wala na akong oras na magpractice pa ng piano. If I want to be a great model like my mom I need all the time I can get to develop myself to be one."

"Akala ko ba you'll just enjoy your life? Bakit ngayon parang planado mo na ang lahat ng gagawin mo? Eight years old ka pa nga lang eh."

"Syempre, isinulat ko na sa notebook ko ang gagawin ko simula ngayon,"pagmamalaki pa ng bata kay Adelaide.

"Teka, kukunin ko," dagdag pa nito tsaka tumakbo palabas ng silid.

Pagbalik ay may bitbit na itong isang may katamtamang laki na kuwarderno. Habang naglalakad papunta sa direkyson ni Adelaide ay binubuklat narin ni Lily ang nasabing kuwaderno para hanapin ang sinasabi nitong isinulat nitong plano.

"Here,"dinig sa boses ng bata ang pagiging proud nito sa ginawa.

At tinignnan nga ni Adelaide ang nakasulat sa pahinang tinuro nito at hindi na niya napigilang hindi ngumiti. She find it kind of amusing.

"Ginawa niya din ba ito sa orihinal na nobela?" Iyon ang tanong niya sa sarili.

Dahil nga side character ay hindi nabibigyan ng spotlight masyado ang buhay ni Lily.

Napaisip tuloy si Adelaide. Is this the reason why after six years, Lily decided to go to Country R?

Hindi lang ba iyon dala ng pagkakasakal sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya nito?

Akala niya napaka-isip bata ni Lily lalo pa dahil sa paraan ng pagtrato nito kay 'Adelaide' pero mukhang nagkamali siya.

"You want to be a great model like your Mom? At hindi lang iyon, gusto mo sumikat ka sa lugar kung saan din siya sumikat?"

"Yes, definitely!" Masiglang sagot nito. "Do you think I can do it?"

She smiled at that point. Nilagay niya ang kanang palad sa tuktok ng ulo nito at hinimas iyon ng dahan-dahan.

"Of course you can. After all, you are Lily Saavedra. May bagay ka bang di kayang gawin?"

"Of course! I don't know how to wash dishes or wash my own clothes."

Seryoso iyong sinabi ni Lily pero grabe naman ang naging tawa ni Adelaide.

"She's adorable!"

......

"So that's her plan,"saad ni Roseanne habang nakatingin sa malayo.

Nakatayo sila ni Adelaide sa bakuran ng mga Saavedra at nakaharap sa malawak na hardin ng pamilya.

Dangerously (GxG)Where stories live. Discover now