13

199 21 1
                                    

[ADELAIDE'S POV]

"Nalaman ko mula kay Mom na babalik daw sa pag-aaral si Lily. Ano sa tingin mo?"

Napatingin ako kay Roseanne na katabi kong nakaupo sa malapad na silya habang kaharap namin si Ken. Nasa loob kami ng isang private room ng restaurant na pinuntahan namin para mananghalian.

"Oh, bumalik na pala yung maganda mong kapatid? Di mo man lang ako ininform," reklamo ni Ken.

"Kailangan ka i-inform?" sarcastic na tanong ni Roseanne sa kanya.

"Syempre para nakakain naman ako ng handa. Sure ako meron non!"

"Di nga nakakain si Adelaide na mismong sumundo ikaw pa kaya na makikikain lang?"

Kanina pangiti-ngiti lang ako pero biglang nag-isang linyahan ang labi ko sa narinig mula kay Roseanne. Ang heartless masyado ni Lily sa akin. Di na nga ako pinakain sa bahay nila tapos pinagbagsakan pa ko ng pinto. Ang galing!

Tiningnan ako ni Ken na may simpatya sa mga mata kaya malapit ko na siyang binato ng lalagyan ng tissue dahil doon. I don't need that from him. Imbes na matuwa sa simpatya niya ay mas nainis lang ako.

"Anyway, ano sa tingin mo Adelaide?" baling ni Roseanne sa akin.

"Kung iyon ang gusto niya edi hayaan niyo. Hindi niya naman iyan gagawin ng walang dahilan. Tsaka bakit ba tinatanong mo ako?"

Ako eh nagtataka na dito kay Roseanne. Hindi naman ako parte ng pamilya nila pero kung makahingi ng opinyon sa akin parang sa akin nakasalalay ang desisyon ng pamilya nila. Hello...ni galit pa nga ang kapatid niya sa akin kaya ano ang say ko sa plano nun?

"Alam ko na balak mong i-recruit si Lily. Kaya nga di ba binili mo ang MPIRE Management dahil sa kanya?" as a matter of fact na sagot ni Roseanne.

Si Ken naman na walang kaalam-alam tungkol dito ay nagulat. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ako.

"Seryoso?" tanong pa nito.

"Hindi lang naman si Lily ang layunin ng pagbili ko sa kompanya. I'm trying to venture to a new industry. Alam niyo naman na sa huli si King parin ang magma-manage ng kompanya na nasa ilalim ng pangalan ng ama namin. So as soon as possible ay ayaw kong maging sagabal. Kaya ang naisip ko ay bakit hindi ako magsimula sa ibang lugar. Yung masasabi kong akin mismo."

"Hindi lang naman...meaning kasama talaga siya sa dahilan. Liligawan mo na ba siya sa ganitong paraan? Tsaka rinig ko na marami ka raw babae? At may paborito ka sa kanila...Cassandra ata pangalan nun? Paano naman siya?" sabi ni Ken na may kasamang pang-aasar. "Ang babaero mo pala, Adds."

Nakatikim ng matilim ng tingin si Ken mula sa akin. Ako pa ang sinabihan niya ng ganyan gayong siya itong babaero.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Roseanne kaya hindi ko na siya pinalagpas at inirapan din ang bruha! Aba kung hindi niya laging binabanggit sa kung saan-sang okasyon ang iba't ibang pangalan na iyon ay may kakalat ba na balita tungkol sa iba't ibang babae ko? Malamang hindi!

"Huwag kang tumawa, Rosie. Ikaw itong may sala pero kung pagtawanan mo ako..." naiinis ko pang sabi sa kanya.

"Narinig ko kila Tito Filbert na balak nilang maghanap ng bagong direktor para sa SHU." pag-iiba ni Roseanne ng usapan. Tinaasan ko siya ng kilay dahil doon.

"Oh tapos?"

"Sa pagkakaalam ko ay sa South Hill Academy mag-aaral si Lily at narinig ko rin na mukhang sa affiliated University narin siya magko-kolehiyo."

Bago pa ako nakahuma sa sinabi niya ay tsaka naman dumating ang server na dala ang mga pagkaing inorder namin.

Umalalay si Ken sa paglalagay ng mga pagkain habang si Roseanne naman ay tahimik na nakatingin sa dalawa. At ako naman ay nakatikom ang bibig at nag-iisip.

Balak pala mag-aral ni Lily sa paaralang pagmamay-ari ng mga Sanchez. At kulang ng direktor ang unibersidad na posibleng pasukan ni Lily.

Kung....pumasok kaya ako doon bilang direktor?

...

Kaya ayon, pagkatapos kumain ay nagpaalam kaagad ako sa dalawa kong kaibigan at nagpunta sa kompanya ng ama ko.

Seryosong nakatingin siya sa akin habang nakaupo kami ng magkaharap at mesa lang ang pagitan namin.

"Balak mong kunin ang posisyon ng pagiging direktor sa SHU? Why?"

"I..." Hindi ko alam kung ano ang ikakatwiran kasi alangan naman na sabihin ko na gusto kung kunin ang posisyon dahil kay Lily. Baka ipagtabuyan ako ng wala sa oras nitong ama ko na parang ngayon palang nga ay balak na akong palayasin sa harap niya.

"Dahil kay Lily? I heard she's going there."

Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman?

"You're still green, Adelaide. Kitang-kita sa ekspresyon mo ang gulat dahil lang alam ko ang simpleng impormasyon na ito. Malayo-layo pa talaga ang kailangan mong tahakin," saad ng ama ko.

"Kung ganito ka ay paano mong mai-aahon ang MPIRE? Balak mong magsimula sa ilalim pero kakayanin mo ba talaga?" dagdag pa nito.

Nakwestiyon pa ang buong pagkatao dahil lang sa pumunta ako dito para subukan na makuha ang posisyon. Haist.

"Tell me. Why do you want to have that position?"

"I..."

"Gusto mong mapalapit sa kanya hindi ba? May ulterior motive ka kaya mo ito gustong gawin."

Ano ba yan? Tinatanong niya ako pero hindi niya naman ako binibigyan ng pagkakataon na magsalita. Paano ko maipaaliwanag ang side ko?

"Tama ka, Dad. Gusto kong mapalapit sa kanya. Gusto ko na bumalik sa dati ang trato niya sa akin."

Tumayo bigla si Dad kaya kinabahan ako pero ganoon na lang ang gulat ko sa sinabi niya pagkatapos.

"Fine, I'll give you the position temporarily. Pero kapag nakapaghanap ako ng taong sa tingin ko ay tamang kumuha ng posisyon ay papalitan kaagad kita. Cherish the opportunity I'm giving you right now, Adelaide."

"Yes, Dad!"

Matapos nang pag-uusap namin ay masaya akong umuwi sa bahay. Pagdating ko ay tumawag kaagad ako sa mga kakilala ko para makahanap ng bahay na bibilhin sa City C. And as much as possible ay gusto niyang malapit lang sa tutuluyan doon ni Lily.

......

KC: Ayan sabi nga ng iba habulin mo kung ano ang pangarap mo kaya ayan hahabulin ni Addie si Lily since siya naman ang pangarap niya hahahahaha

Sorry sa short update, nagkaproblema kasi sa bahay pero ayoko naman na hindi mag-update kaagad kasi baka tamarin na naman ako uli at hindi na naman ito matapos kaya as much as possible I make time para makagawa kahit short update para gumalaw ang kwento. 

Dangerously (GxG)Where stories live. Discover now