21

193 19 0
                                    


Lily's POV

"So what do you think about the institution?"

Alam niya ang say ko tungkol sa topic na iyan pero nagawa niya paring itanong sa akin iyon ng harapan. Hindi ko alam na walang-hiya din minsan ang matalik na kaibigan ng kapatid ko. Ngayon ay alam ko nang hindi siya lubos na outlier katulad ng iniisip ko noon sa kaniya. Kahit papaano ay may pagkakahalintulad din talaga siya sa mga kaibigan niya.

"Gusto mo ba talagang sagutin ko ang tanong na iyan?" taas-kilay kong tanong sa kanya. Nang makita ang ekspresyon sa mukha ko ay natawa siya bigla. Napasimangot naman ako. Ano ang tinatawa ng isang ito?

"Don't misunderstand. Hindi ko lang mapigil na hindi matawa dahil buong akala ko ay naging mild na ang ugali mo matapos ang paglipas ng limang taon pero isang kamalian para sa akin ang isipin iyon dahil kitang-kita, kasing liwanang ng sinag ng araw, na ikaw parin talaga ang tigreng prinsesa ng mga Saavedra.

Mas lalong pumanget ang ekspresyon sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Nainis na nga ako dahil bigla niya akong pinagtawanan pero mas nainis ako sa huli niyang sinabi. Sinong tinatawag nitong tigreng prinsesa?! These days, a find the nickname princess as an irritating one. At ang magmula iyon sa bibig ng babaeng ito ay mas nakakairita sa pandinig ko.

"Akala ko ay pinapunta mo ako dito para kausapin at pakiusapan na manatili sa institusiyon na ito pero mukhang nagkamali ako. Gusto mo lang ata akong mairita at tuluyang nang magdesisyon na umalis. Kung iyon ang gusto mo ay hindi naman ako mahirap na kausap, Chairman Sanchez."

Pagkatapos kong magsalita ay tsaka ko nakitang nagseryoso na ang ekspresyon sa mukha niya. Inayos niya ang pagkakaupo at tumingin sa akin ng diretso. She leaned a little, clasped her hand with each other and user her knees as support for her arms.

"I'm sorry for being rude a while ago. Pero sana hindi iyon maging dahilan para magdesisyon ka na umalis sa eskwelahang ito. I really want you to stay here and finish your education in this institution. Minsan lang magkaroon ng katulad mo ang eskwelahang ito kaya kung sakali ay gusto kong manatili ka. You might see me as selfish for stating it like that but this is still business. The achievement of the students are also listed as achievement of the institution. The more na maraming nadadalang karangalan ang mga mag-aaral sa eskwelahan ay mas tumataas din ang halaga ang paaralan. Hindi ako bulag sa pwede mong dalhin sa paaralan na ito kaya ngayong andito ka ay bakit pa kita pakakawalan?" She explained after.

Ilang segundo pa ay kinuha niya sa tabi niya ang isang folder at inabot iyon sa akin. "These are the benefits that I can give for you if your willing to stay. Kung hindi pa ito sapat ay pwede mo namang sabihin sa akin ang gusto mo pang idagdag para mabago ko ang kontrata."

I smirked in front of her after I received the folder that holds the contract. "At sa tingin mo masisilaw ako sa benefits na ibibigay mo? Chairman Sanchez baka na bugok ang ulo mo at nakalimutan kung sino ako."

Imbes na mainis sa pagngisi ko sa kanya na para bang mas nakakalamang ako sa kanya ay nagawa niya pang ngumiti pabalik sa akin. Tuloy ako ang nainis imbes na siya!

"That's not for Lilianne Saavedra but for Lilianne Lopez. Sa tingin mo hindi ko lubos na alam ang tunay na worth mo? Pero kung susundin ko ang benefits base sa tunay mong katauhan ay sa tingin mo tama iyon? Ano na lang ang sasabihin ng board kapag nakita nila iyon kung sakali? I might be seen as an unreasonable person for favoring you too much, an unknown student. Kaya sana maintindihan mo kung bakit iyan lang ang nakalagay sa kontrata. At tsaka hindi ba sinabi ko naman na kung may gusto kang idagdag ay pwede ko namang baguhin ang nakasulat diyan ng naayon sa gusto mo."

Matapos ko siyang tingnan ay napatingin ako sa kontrata na hawak ko ngayon. Tama naman siya sa punto niya. Sobra na nga kung pagbabasehan talaga ang katauhan ni Lilianne Lopez. Kahit ibang ekswelahan ay hindi maatim na magbigay ng ganitong benefit sa isang estudyante.

Dangerously (GxG)Where stories live. Discover now