24

107 12 1
                                    

24:

Matapos maayos ang usapan tungkol sa pagtatrabaho ni Lily sa MPIRE pati narin ang mga kondisyon hindi lang para sa kanya kundi pati narin sa kompanya ay agad na na-finalize ang kontrata na siyang pinirmahan ni Lily.

Nakapaloob dito ang limang taong termino ng pagiging empleyado nito sa ilalim ng MPIRE.

Bilang baguhan sa kompanya ay masyado na iyong matagal kumpara sa ibang mga empleyado na nung nagsisimula ay binigyan lang ng isang taong na magpakita ng gilas tsaka ia-assess kung worth it pa bang mag-invest ang kompanya sa kanila.

Sa termino pa lang na binigay ay alam na ng karamihan na pinapaburan ng Boss nila ang bagong saltang modelo. Merong nakakaintindi kung bakit at meron namang hindi kinaya at gumagawa na lang ng sarili nilang espekulasyon.

"Tingin mo ba golden thigh nung baguhan si Boss?" tanong ng dakilang clerk na alam ata ang lahat ng chismis sa loob ng kompanya.

"Baka. Malaki ang tsansa," sagot naman ng sulsulerang kahera.

Bulungan ang mga ito sa cafeteria habang tinatanaw sa di kalayuan ang nakaupong pigura ni Lily na ng mga oras na iyon ay kasama sa iisang mesa si Clint. Nag-uusap ang dalawa tungkol sa impresyon ni Lily sa pagpasok nito sa MPIRE.


....


"Anyway, rinig ko sa mga chismis na backer mo daw si Boss. Totoo ba?" pang-uusisa ni Clint na hindi na naman napigilan ang kuryusidad pagdating sa status ng relasyon na meron si Lily at Adelaide.

"Boss? Ni hindi ko pa nga nakikita ang boss natin kaya paano ko magiging backer yun?" takang tanong ni Lily.

Dahil nakitang clueless ang dalaga ay napakunot ang noo ni CLint. "Hindi mo alam? Pero dating pagmamay-ari ng mga Saavedra ang MPIRE. In fact, pwedeng masabing kapatid ito ng M-Light Entertainment."

"I don't know, really. Matagal akong nawala dito sa bansa kaya hindi ko na alam masyado ang mga pangyayari lalo na sa mga kompanyang hawak ng pamilya namin. Ate ko ang mas nakakaalam sa ganito. Ang role ko lang ata sa bahay namin ay maging maganda hahahahahahaha."

Hindi na nakialam si Clint at hindi na idinisclose ang nalalaman niya tungkol sa pagiging boss ni Adelaide. May rason naman siguro ang boss niya kung bakit tinago nito kay Lily ang katauhan.

"Next topic na nga. Bago ka pa nakapirma ng kontrata dito sa MPIRE ay nakapag-secure na ako ng trabaho para sa iyo," nakangisi pa si Clint habang tinitingnan si Lily na para bang ini-imagine na nito ang mangyayari kapag ginawa na nito ang trabaho.

"What kind of work?"

"Secret."

"Bakit sekrteto? Hindi naman pwede yun. Paano pala kung ibubugaw mo ako?" natatawang saad ni Lily. Alam niya namang hindi gagawin ng lalaki ang huling sinabi niya dahil kilala itong may integridad.

"Hmmm."

"Hoy! Bakit mukhang napaisip ka nga?"

"Wala lang."

"Ano'ng wala lang? Nakita ko yung ngiti mo ha."

"Ano namang problema sa ngiti ko?" natatawang tanong ni Clint. Maloko pa itong tumawa.

"Yung klase kasi ng ngiti mo parang may binabalak kang masama."

"Grabe ka naman sa akin, Lily. Ang trabaho lang namang ibibigay ko ay maging model ka para sa isang magazine company. Pero hindi tulad dati na front cover ka o nasa headline, this time nasa maliit na parte ka lang ng ilalathala nilang magazine.

Ikaw na rin ang nagsabi, handa kang bumalik sa pinaka-umpisa para lang maabot uli ang tuktok. And here, I'm giving you this opportunity. Let them know who you are and what you're capable of. Once your talent is recognize, I know a word from the mouth can get out and help you boost your popularity.

In today's age, not only your talent is needed, you also need charisma and you have that, no doubt. But...You still have that scandal from Country R. Hindi natin iyon mabubura pero magagawan natin iyon ng paraan na mabaliktad ang sitwasyon and we're going to put foundation before that. Foundation that will be based on your character.

Dahil once na nalaman nila na ikaw at si Lily sa Country R ay iisa, babatuhin ka nilang muli ng mga salitang hindi naman naayon. Pero hindi tulad ng dati kapag naisagawa ang plano ay marami na ang magtatanggol sa iyo. Just let them show the true you and people with discerning eyes could tell what's genuine and what's not."

Hindi nakahuma si Lily sa mahabang inilantaya ni Clint Arce. Na bago pa siya magsimula ay may nakalatag na itong plano para sa kasalukuyan at ara sa hinaharap.

"I thank you a lot for thoughtfully planning my path from here on, Manager Clint. I have the expectation of getting a good manager when I decided to go here in MPIRE but you're over-qualified for all those expectations that I had in mind.

Don't worry, I'll be giving you the reign on handling my career. As long as it is reasonable and right I will fully cooperate," sinsero niyang pangako dito.

"Your trust, I'll reciprocate it. With me handling you, I'll make sure to get you to the top. Even much higher than the position you held in Country R. Enough to shut-down those who bullied you using their position and power."

Two people trusting each other at that moment not knowing that in the near future, neither of the two will expect all the things they will harvest from this formed trust.

....

"How's your day? Maganda ba ang unang araw mo sa trabaho?"

"Why are you even asking?" iritadong tanong ni Lily sa kausap. Mula sa passenger sa likod ay masama niyang tiningnan sa ulo ang driver ng sasakyan. "Kelan pa nagsimulang maging driver ng pamilya namin?"

Adelaide chuckled heartily while disregarding the irritated mood by Lily.

Pinakiusapan uli siya ni Roseanne na sunduin ang kapatid nito na agad niya namang sinang-ayunan.

Sa dami ng nakabantay kay Lily at sa dami ng pera ng mga Saavedra ay pwedeng-pwedeng mag-hire ang pamilya nito ng personal driver pero hindi ginawa ni Roseanne. At alam ni Adelaide kung bakit. Siguro dahil gusto nito na matulungan siya na mapalapit uli kay Lily tulad ng dati.

"Maliit lang ito na pabor para kay Roseanne."

"Dami mo naman palang time para pagbigyan ang mga hiling ni ate. Sa dami din siguro ng oras mo kaya marami ka ring babaeng nakausap at nakasalamuha. Ang galing."

Iyon ang saad ni Lily pagkatapos na huminto ang kotse sa harap ng gate ng bahay nito sa City A.

Napalingon tuloy ng biglaan si Adelaide kay Lily na pababa na ng kotse. "What do you mean by that?"

"I mean what I mean."

Maang na napasunod ang tingin ni Adelaide sa papalayong pigura ni Lily.

"What the heck?"

....

Lily: Sino si Cassandra?

Addie: Ahmmm...

Lily:Heh...I wish you well. Sana abutin kayo hanggang kasal *nagdadabog na umalis*

Addie: Lily, wait!

*at buong araw sinuyo si Lilianne kahit hindi naman sila*



Author's note: buhay pa po ako heheehehehe

Dangerously (GxG)Where stories live. Discover now