16

192 18 0
                                    


16

Third Person's POV

Walang babalang tumakbo papalabas si Mae at nagpunta sa direksyon ng faculty room ng mga teachers. That's just outside near the middle school level building.

Nang makita ni Lilianne ang pagkuripas ng takbo ni Mae ay napatayo kaagad siya at sumunod sa direksyon na pinuntahan nito.

Nanigas ang panga niya dahil sa galit sa batang babae na nag-ngangalang Mae.

Sa galit niya ay hindi niya napansin na may makakabanggan siya mula sa kanan niya.

Okupado din ang isipan nito dahil sa binabasa nitong text message kaya naman hindi nito namalayan na may makakabunguan ito.

Malapit ng matumba sa sementadong daan si Lilianne kung hindi lang mabilis ang reflexes ng nakabangga sa kanya.

She was held by her waist to stop her from completely falling.

"Are you okay, Miss?" Agad nitong tanong kay Lilianne.

Ang isa naman ay natigilan dahil sa kakilala niya ang nakabanggaan.

Parang kung may ano'ng problema doon sa tao na nagmadaling lumayo si Lilianne dito. Inayos niya kaagad ang sarili.

"I'm okay. Pasensiya na po at hindi kita napansin, Ma'am. Nagmanadali po kasi ako." Yumuko pa siya bilang paghingi ng paumanhin bago niya ito tinalikuran at naglakad muli papunta sa faculty room.

"Lily?"

Natigil sa paglalakad si Lilianne or Lily in short. Parang itinulos siya sa kinatatayuan dahil mukhang nakilala siya ni Addie. Pero paano?

"You're Lily, right? You're wearing Lily's personal perfume."

"The heck?" Sigaw ni Lily sa isipan niya. Mala-aso pala ang panganay ng Tito Filbert niya dahil pati perfume niya ay naging dahilan pa nito para makilala siya.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong nito sa kanya. Humarap siyang muli dito kaya nakita niyang nagugulahan ito base sa ekspresyon ng mukha nito.

"Ayoko na may makakilala sa akin."

Iyon ang naging sagot niya. Konti man pero sa tingin niya ay sapat na bilang sagot sa katanungan nito.

"Kailangan mo pa ba talagang mag-aral sa middle school? Pwede namang bilisan ang proseso at hindi mo na kailangang dumaan sa middle school at high school. Isang salita lang ni Dad ay pwede ka ng makakuha ng diploma."

Nanliit ang mga mata niya habang nakatingin dito. "Do I look like I can do that? Na aasa na lang ako sa koneksyon? Nagpapasalamat ako sa mga tulong na ibinigay mo simula noon pero sana tatandaan mo na I don't need your help everytime. I can handle my own problems."

"She helped me before. She became my hero. But that doesn't give her the right to meddle with my life now." Sabi niya pa sa sarili.

"Don't misunderstood me. I'm just co-"

"Lilianne Lopez!"

Sabay na napatingin ang dalawa sa tumawag kay Lily.

It's the homeroom teacher of section 1-A. Kasunod nito sa paglalakad si Mae na malapad ang pagkakangiti. Ngiting tagumpay.

-----

Dinala ng homeroom teacher si Lily sa faculty room at doon pinagalitan. Nanggagalaiti ito ng malamn nito na nagtatrabaho si Lily sa labas ng paaralan.

Lily is such a promising talent. Mabilis nitong makuha lahat ng mga itinuturo ng mga guro nito kaya ganoon na lang ang pagkadismaya ng guro ng marinig na nilabag ni Lily ang isa sa mga patakaran ng paaralan.

"Hindi mo ba naisip ang magiging consequences ng ginawa mong paglabag?!"

Maliban sa pwede itong ma-expel ay magiging masama din ang epekto nito sa record niya bilang guro. For years, he had been the homeroom teacher of the first section of the freshmen in middle school level of South Hill Academy.

Sa ganda ng track record niya ay malaki ang tsansa na mapo-promote siya sa mas mataas na posisyon sa paaralan. Pero dahil sa paglabag ni Lily ay mabubulilyaso pa iyon.

"You're ruining not only yourself but also me!" Naipalo pa ng lalaking guro ang kamay sa may lamesa sa tabi niya dahil sa galit. Napaigtad pa sa gulat si Lily dahil doon.

Habang pinapagalitan ng homeroom teacher si Lily ay nakatingin na ng masama si Addie dito.

Hindi niya nagustuhan na pinapagalitan ng guro si Lily na para bang pipitsugin lang itong nilalang sa mundo.

That's Rosie's sister.

The little tigress of the Saavedra clan.

Pero kahit naiinis siya sa lalaki ay hindi siya nagsalita o nakialam. Baka kapag ibinuka niya ang bibig niya ay mabugahan siya ng apoy ni Lily.

Naghintay na lang tuloy siya na magsalita ito para ipagtanggol ang sarili. Pero ilang munto pa ay hindi iyon nangyari. At nagulat siya dahil doon. That's not what she usually does.

Kahit nung mas bata pa ito ay palaban ito kahit sa mas matanda dito. Kung may ikakatwiran ay mangangatwiran si Lily Saavedra. Kaya nagulat siya na tahimik lang itong nakikinig sa sinasabi ng guro. Na hindi ito kumikibo kahit na paunti-unti ng dino-down grade ng lalaking guro ang pagkatao nito.



Addie's POV

"This is a great opportunity for you but you're trying to waste it. Ito na ang makakatulong sa pamilya mo para makaahon mula sa hirap pero mawawala ang tsansang iyon dahil sa mas pinili mong lumabag sa patakaran ng eskwelahan."

Mula sa galit na ekspresyon ay napalitan iyon ng gulat. Sinong tinutukoy ng lalaking ito na galing sa mahirap na pamilya? Si Lily?

Napatingin ako sa lalaking guro na parang kung sino itong weirdo. Nababaliw ata ito habang sinasabi iyon sa harap ni Lily.

"Teacher, ano pa po bang inaasahan mo sa isang mahirap na katulad niya. Wala talagang maidudulot na maganda iyan," rinig kong sabi nung estudyanteng babae na kanina pa nakasunod sa lalaking guro. Sa palagay ko ay ito ang nagsumbong sa lalaki tungkol sa pagtatrabaho ni Lily sa labas ng eskwelahan.

Pinigilan kong hindi matawa sa sinabi niya. I'm a serious person at mahirap akong mapatawa ng iba pero sa sinabi ng dalagang ito ay gusto ko ng matawa ngayon.

Seryoso talaga sila habang sinasabi iyon kay Lily. Sa harap ng anak ni Eira Saavedra at Moxielle Lopez ay nagmamalaki sila ng tulad ng ganito.

Parang nanonood ako ng isang comedy show.

"Sasabihin ko ang tungkol dito sa principal at iri-recommend ko na ma-expel ka. Wala ng kwenta kung mananatili ka pa dito. Mahirap ka na nga tapos sumusuway ka pa sa mga patakaran. Sigurado ako na kahit matalino ka pa ay wala kang mararating na maganda in the future," sabi pa ng guro kay Lily.

This time ay akala ko sasagot na si Lily sa guro pero hindi parin ito kumibo. She's just admitting all of this? Hindi man lang ba siya lalaban?

Fine! Kung ayaw niyang magsalita ay ako na ang gagawa nun. Bahala ng bumuga siya ng apoy. Ano pang pinagkaiba nun nung mga panahon palagi niya akong tinatawag na outsider?

"You're being too much!"

Dangerously (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon