26

164 14 1
                                    

Nakahalukipkip habang tinitingnan ni Adelaide ang dalawang nasa harapanan niya. Ang isa ay malawak ang ngiti habang ang isa naman ay alangan kung ngingiti ba sa kanya o hindi.

"I'll repeat. She's going to be Lily's assistant?"

"Yes, Boss. Nung pinapili siya ay iyon ang gusto niyang kuning posisyon at dahil si Lily ang pinakanangangailang ng assistant ay sa kanya ko inassign si Jill,"sagot naman ni George na sekretarya niya.

"Sa pagkakaalam ko ay may personal na assistant na kukunin si Lily. Kaya paanong nangangailangan siya ng isa ngayon?" takang tanong niya. Si Sheila dapat ang magiging assistant ni Lily.

Sheila's role in the story is not just a whim. Actually may plot twist kaya nito ginusto na maging assistant ni Lily. Malaki ang gagampanang role ng babae sa latter part ng istorya pero ngayon maririnig niya na hindi na ito matutuloy bilang assistant ni Lily? Bakit? At paano na nagbago ang parteng ito ng istorya?

At si Jillian? Hindi lang ba siya isang character na maliit lang ang presensiya sa istorya? Tinulungan niya ito pero hindi niya inaakala na kukunin nito ang role ni Sheila.

Ano'ng nangyayari? Bakit may pagbabago na sa isa sa mga major part ng istorya? Akala niya ba ay hindi iyon pwedeng mangyari?

Sumasakit ang ulo niya kakaisip.

"Okay, ikaw nang bahala na ipakilala siya kay Lily, George. I-briefing mo rin sa mga basics na dapat malaman at matutunan niya. Yung ibang arrangements ay si Clint na ang bahala since siya naman ang manager ni Lily."

Pinatabuyan niya kaagad ang dalawa matapos iyong sabihin. Nang makalabas ang dalawa sa opisina niya ay napasandig siya sa inuupuang swivel chair at menasahe ang gilid ng ulo niya.

"What's exactly happening right now?" confused niyang tanong. Pero kahit ano'ng tanong niya ay walang sasagot sa kanya dahil sa mundong ito ay siya lang ang outsider. No one shares the same fate as her. Walang makakaintindi sa pinagdadaanan niya.

Nasa malalim siyang pag-iisip ng may kumatok sa pinto ng opisina niya. Napaayos tuloy siya ng upo.

"Pasok!"

Pagbukas ng pinto ay mukha kaagad ni Roseanne ang bumungad sa paningin ni Adelaide. Mas lalo lang sumakit ang ulo niya ng makitang nakangisi ito na para bang may ano itong ikinalamang sa kanya.

"Ano'ng nginingisi mo?"iritado niyang tanong. Hindi na nga niya maintidihan ang mga nangyayari tapos dadagdag pa itong main character at nginingisihan siya na para bang ipinapaabot na tama lang na sumakit ang ulo niya.

"Wala lang. I just feel that I should be elated today and that excitement and happiness should be shared with you."

"Ano naman kung masaya ka? Bakit kailangan mo pa ipaalam sa akin?"

"Parang mas masaya kung malalaman mo na masaya ako ngayon."

Blanko niyang tiningnan ang kaibigan. Minsan baliw pa sa baliw ito. Sa mga ganitong bagay niya lang ata nakikita ang dating gawi ng kaibigan niya.

"Alam mo, sabihin mo lang kung bored ka at wala kang makausap sa opisina. Handa naman kitang samahan eh. Tsaka andyan naman si Kennedy. O kaya yung kaibigan mo na kakabalik pa lang, si Charlie."

"I can hardly call Charlie a friend who I can confide. Mas matagal ko pang nakasama si Kennedy kesa sa kanya kaya bakit ako magsasabi sa kanya?"

Umupo ito sa sofa kung saan nakapwesto kanina si Jill. Kumpara sa nahihiyang posisyon ng dalaga kanina, parang reyna na dumalaw sa labas ng palasyo ang asta ni Roseanne.

Nakade-quatro ito pero yung klase na nai-emphasize ang haba ng mga binti nito. Sumandig pa ito sa gilid na sofa tsaka ginamit ang arm rest nun para patungan ng kanang siko nito. Ang kanang kamao niya ang naging patungan naman ng baba nito.

Pumunta ata ang kaibigan niya para i-judge siya.

"Well, sinabi niya na childhood friends kayo kaya I expected na malalim ang koneksyon niyo. Hindi ko naman inaasahan na siya lang pala ata ang nagpapahalaga ng pinagsamahan niyong dalawa."

"If the connection we had can be called childhood friends then ano ka naman?"

"Childhood friend din."

"Know this, Adelaide. Ikaw lang ang itinuturing kong childhood friend. The rest are casual friends or acquiantances. The connection I had with you is entirely different than the connection I had with him. Kung may gusto kang i-evaluate as my childhood friend, then make yourself the parameter for it. Anyways, why are we talking about him? Gaano siya kaimportante na kailangang masama siya sa usapan natin?"

Natigilan siya sa narinig mula kay Roseanne. Napanganga pa nga.

"Ano 'to?!"

"Hindi ba dapat mataas na ang favorability points ni Charlie kay Roseanne? Bakit parang iba na rin ang nangyayari sa side ng mga bida?" 

"Asan at kelan nagsimula na magbago ang mga detalye sa mundong ito?"

Umiling-iling siya para iwala muna sa isipan ang mga magugulong ideyang pumapasok sa utak niya. Hindi iyon ang tamang oras para mag-isip lalo pa at kasama niya si Roseanne.

"Oo nga pala, nakapasok na sa MPIRE si Lily at hindi niya pa alam na ako ang namamahala ng kompanya. Kaya hihingi sana ako ng pabor. Kung pwede sana bawasan mo ang pagpunta dito sa opisina dahil baka makita ka niya at magtaka pa kung bakit ka nandito. Kung kailangan mo ako ay ako na ang pupunta sayo."

Mukhang balewala din naman dito ang previous na pinag-usapan nila dahil agad naman itong sumagot sa sinabi niya.

"Iba ka din talaga pagdating sa kapatid ko, Sanchez. Ngayon naman ay naisip mong maging protektor pero yung klase na nakatago sa dilim. It's totally an obsession, my friend."

"Nahiya naman ako sayo na nag-utos sa limang agents niya na protektahan si Lily 24/7."

"Dahil kapatid ko siya. Ikaw?"

"Kaibigan ko siya?"

Tinaasan siya ng kilay ni Roseanne. Parang kinukwestiyon niya ang buong pagkatao ni Adelaide.

...



"Yung totoo, nag-change career ka na ba talaga at gusto mo na lang maging driver namin, Adelaide Sanchez?"

Nakaupo sa likurang passenger seat si Lily habang katabi naman nito si Jillian na pasulyap-sulyap kay Adelaide na nagmamaneho ng kotse.

"Wala akong magawa kaya nagpresenta na lang akong maging driver mo ngayon," proud pa na sagot ni Adelaide.

"Pft!"

Agad napatakip ng bibig si Jillian ng lingunin siya ni Lily habang si Adelaide ay sinipat siya gamit ang rearview mirror.

"Kita mo na, pati assistant ko pinagtatawanan ka dahil sa kabaliwan mo. Bumalik ka na nga sa kompanya niyo at nang mapakinabangan ka naman."

Naibuga na ni Jillian ang hangin na pinipigilan at tuluyan ng natawa.

"Kakatawa ka naman, boss."

Nataranta si Adelaide sa narinig habang si Lily naman ay nagtaka.

"Boss?" 


....

Addie: I'm the boss

Lily: I'm the boss' boss

Jillian: ewan ko sa inyo 

Dangerously (GxG)Where stories live. Discover now