29

103 10 0
                                    

"Iyon na ata ang pinaka-exciting na scene na nakita ko sa tanang buhay ko," aligagang saad ni Vanessa habang tinitingnan si Adelaide na nag-aayos ng sarili niya matapos ang eksenang ginawa kanina kasama si Lily.

"Sa tagal mo na sa ganitong industriya?" usisa ni Adelaide pabalik. Duda siya sa isang ito.

"My friend, kung nakita mo lang kanina yung eksena niyo akala namin aamin ka na ng totohanan. Isama mo pa yung pag-arte ni Lily sa gulat niya? Shit! Bakit hindi kayo pumasok sa pag-a-artista? Sayang sa talent!"

"Heh! Tumigil ka. Pinalagpas ko na nga na gumanap akong lalaki tapos kung ano-ano pa pinagsasabi mo. Basta yung pinangako mo tuparin mo," sabi ni Adelaide. Sa huling pagkakataon ay tiningnan niya ang sarili sa salamin bago binalingan ng tingin si Vanessa.

"Syempre. Basta kapag kayo nagkatuluyan ni Lily dapat invited ako sa kasal ha?"

"Ako rin!" segunda pa ng make-up artist na panay ang tango kanina sa sinasabi ni Vanessa.

Natahimik si Adelaide sa narinig. May pag-asa ba? Kaya ba? Baka nga ang eksena nila kanina ang tanging pangyayari sa mundong ito kung saan makakapagtapat siya ng buong puso.

That's right. Instead of putting herself in the shoes of the character, she took it as a way to confess. Kasi hindi niya alam kung ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Baka ito na lang ang tanging pagkakataon na aamin siya sa nararamdaman.

-----

Pagkatapos na maihatid sina Lily at Jillian ay dumiretso si Adelaide sa South Hill University para ayusin ang mga papeles na naiwan niya. Kahit nakakapagod Para sa kanya ang pasikot-sikot kung saan dahil sa kabilaang trabaho niya ay nakakawala naman ng pagod ang masilayan niya si Lily kahit papaano. Kaya minsan ay nagagawa niya ang ganito, ang kulitin si Lily. Isa lang naman ang purpose at iyon ay ang makita ito at makausap narin.

Akala niya papeles lang ang aabutan niya sa opisina niya pero laking gulat niya ng sabihin ng secretary niya na may naghihintay sa kanya.

Pagpasok niya ay nakita niya kaagad ang isang babaeng kampanteng nakaupo sa sofa ng opisina niya.

Naka-de-quatro ito habang nakapatong sa taas ng legs nito ang magazine na pinagkakaabalahan. Hindi nito alintana ang mababang shorts na suot. Kahit ang damit pang-itaas nito ay kinulang ata sa tela. Nakayuko pa ito ng konti kaya bahagyang nakita ni Adelaide ang...

Napaiwas siya ng tingin at dumiretso sa mesa niya.

"What are you doing here? At himala na hindi mo kasama ang kakambal mo, Haven."

Parang tinamad pa ito ng iangat nito ang ulo para tingnan si Adelaide. Napangisi ito ng makitang hindi nakatingin si Adelaide sa kanya.

"Wala ka paring pagbabago, Ate Adelaide. Aso ka parin. Tsaka hindi ba pwedeng once in a while ay hindi ko naman kasama si Alexis? Nakakatamad din makita palagi ang pagmumukha niya," sagot nito.

"Meaning tinatamad ka na ring tingnan ang sarili mong mukha?"

"Hmmp! Masyado kayang malayo ang mukha ko sa kanya!" protesta nito.

"Sige sabihin mo iyan sa puting uwak."

"Ate may puting uwak na."

"Edi, hanapin mo."

"Ewan ko sa iyo! Nakakainis ka talaga!"

"Sabihin mo na lang kasi kung bakit ka andito para matapos na tayo."

Napabuntong hininga ito tsaka tumingin ng seryoso sa kanya. "Balak kong lumipat dito. Pwede mo ba akong tulungan?"

"Huh? Akala ko ba si Allison lang ang lilipat tsaka ang ibig mo bang sabihin ay ikaw lang at hindi kasama si Alexis?" takang tanong ni Adelaide.

"Bakit niyo ba iniisip na dapat palagi kaming magkasama? Sa mukha lang kami magkamukha. For the other things? We are totally different!" Ramdam sa boses nito ang inis.

"Halata nga. Pero hindi mo naman kami masisisi dahil halos magkasama kayo sa lahat ng bagay. Kung hindi ka huminto sa---"

"Huwag na natin balikan ang nakaraan, Ate. As you can see, may sarili na siyang path na tinatahak at meron narin para sa akin," biglang saad niya na nagpatigil sa akin.

Napailing tuloy ako. "Si Alexis, sigurado na siya sa gagawin niya pero ikaw, sigurado ka na ba talaga? Kasi kung ako ang tatanungin parang wala ka namang pinaplano para sa sarili mo. Sa inyong magpipinsan parang ikaw lang ang go with the flow. Sa sobrang pagsabay mo sa agos ng buhay ay hindi mo na nabibigyan ang sarili mo ng pagkakataon para kilalanin kung sino ka at hanggang saan ang kaya mo. Hindi mo nabibigyan ang sarili mo ng pagkakataon na tuparin ang pangarap mo."

"I lost mine a long time ago." And silenced engulped the office.

Parang alam na ni Adelaide kung ano ang pangarap ni Haven na binitiwan na nito matagal na panahon na ang nakakaraan.

"Fine. I'll help. Pero bilang nakakantanda sa iyo ay gagawin ko ito hindi dahil close tayo o ano kundi ginagawa ko ito para tulungan ka. Take this opportunity to know yourself more. Without all the internal and external pressure you have for yourself, take this time to find your goal in life and aim for it. Haven, walang makakatulong sayo kundi ang sarili mo."

"Ayan, sermon na naman ang narinig ko mula sayo, Ate Adelaide," reklamo ni Haven. "But I'll take it. "

"Anyway, if aalis ka na pakigamit na lang ng coat ko paglalabas ka na. Halos naubusan ka na ng tela sa damit mo."

"Fashion din ito, Ate Adelaide! Wait until Lilianne take up an endorsement with this kind of fashion statement."

Biglang napa-imagine si Adelaide at kinilabutan siya. Shit!

"No!!!!"

"Hahahahahaha!"

....

Jillian: Boss, may nag-offer ng trabaho kay Lily. Endorsement daw sa lingerie line nila

Adelaide: No.

Jillian: ?


Adelaide: NO.

Dangerously (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon