22

267 18 2
                                    



"Lily, kakilala mo ba yung isa nating customer?"

Napatingin si Lily sa kasamahan sa trabaho ng bigla siya nitong siniko ng mahina sa braso tsaka tinanong ng ganoon.

"Sino?" takang tanong niya. Agad naman nitong tinuro ang taong tinutukoy nito.

Sa isang gilid, sa mesang malapit sa may pintuan ng cafe ay nakaupo ang isang katangkarang babae. Takaw-pansin ang mamahaling women's suit na suot nito.

A beige colored suot na pinarisan ng itim na turtle neck bilang panloob. Porma pa lang alam mo ng may pera ang babae na ng mga oras na iyon ay abala sa kapeng hawak nito. Pero ilang segundo lang ay sumilip ito sa gawi nila at ng magtama ang mga mata nila ay kusang napataas ang isang kilay niya. Umiwas naman ito ng tingin at ibinalik ang atensyon sa baso ng kape nito at nagpanggap na parang walang nangyari.

"Hayaan mo na siya, Ate Nadine. Sinto-sinto iyan kaya kung iyan ang bibigyan mo ng atensyon ay walang mangyayaring maganda sayo," sabi niya na lang sa kasama tsaka bumalik sa ginagawang paglilinis ng counter.

Nagtatrabaho siya ngayon sa cafe bilang pang-kumpleto ng disguise niya. Tsaka kahit papaano ay umaasa siya na na sa trabahong ito ay madidiskubre siya ng isang talent agent na siyang magdadala sa kanya sa kasikatan uli.

Parang suntok sa buwan ang posibilidad pero umaasa parin siya kahit konti. Ang hirap para sa kanya na bitawan ng biglaan ang pagmomodelo pero nangako na siya sa ina niya na uunahin niya ang pag-aaral ngayon.

Pero binigyan naman siya ng ina ng tsansa pero sa kondisyon na hindi niya ibubunyag ang sariling katauhan at hayaan na madiskubre siya ng isang talent agent.

Kaya niya naisip na magtrabaho sa isang coffee shop dahil isa ito sa mga lugar na pwedeng madaanan ng isang talent agent. But so far, no ones giving an offer. May iilan na siyang nakitang agent pero tinuring lang rin siyang normal na worker sa shop.

Tuwing nangyayari iyon ay naiisip niya na lang ang sinabi ng ina niya sa kanya.

"A good agent has a good eye for talents. Kung may makadiskubre sa iyo kahit na nakadisguise ka, then follow that person. Kasi sigurado ako na tiningnan ka niya hindi dahil lang sa mukha mo kundi sa overall na katangian mo bilang isang tao." (i)

Imbes na agent ang lumapit sa kanya isang bwisit ang bumisita.

Hanggang sa natapos na lang ang shift ni Lily ay hindi parin umaalis si Adelaide as pwesto nito. Napatayo lang ito ng lumabas na ng coffee shop si Lily.

Hinabol ni Adelaide sa Lily at hinawakan ang braso ng dalaga para mapatigil ito sa paglalakad.

"Ano?" iritadong tanong ni Lily ng lingonin niya ang babae. Parang asong biglang napagalitan naman ang mukha ni Adelaide sa biglang pagtaas ng boses ng dalaga sa kanya.

"Nadaanan mo na ako malapit sa may pintuan pero hindi mo man lang ako pinansin," nasaktang saad ni Adelaide.

"Kung hindi ka ba naman umastang parang stalker kanina baka pinansin pa kita. Akala mo walang nakakapansin pero kitang-kita namin sa counter ang makailang ulit mong pagsulyap sa gawi ko. Nahiya ka pa ano? Sana tumingin ka na lang ng diretso at hindi inalis ang tingin mo hanggang pagkatapos ng shift ko."

"Tinitingnan ko lang naman kung kelan ka matatapos para sabay na sana tayong pupunta sa bahay niyo ngayon. Hindi ko naman alam kung kelan ang tapos ng shift mo kaya panay ang tingin ko sa counter kung nasaan ka."

"At bakit sasabay ka papunta sa bahay?" kwestiyon ni Lily.

"Inimbitahan ako ni Tita Moxielle na pumunta. Pambawi daw sa pagsundo at paghatid ko sa iyo sa bahay niyo nung pagbalik mo dito. Since pareho naman daw tayong nasa City A at bibisita siya sa iyo kaya..."

Dangerously (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon